Chapter 37

14 2 2
                                    


Chapter 37

Akala

ATHIRA'S POV

He walked out and left us all confused. Suminghap ang mga nanonood. Sinundan ko siya ng tingin ngunit hindi na siya lumingon pabalik.

Kumununot ang noo ko. Bumalik ang tingin ko kay Sofia na namumula sa sobrang hiya. Namamasa na rin ang kaniyang mga mata at hindi tuwid ang paningin.

Kung ako siya ay paniguradong maiiyak din ako. Nakakahiya kaya 'yon! Ang dami pa namang nanonood. Pero bakit lumayo si Aiden?

Hindi kaya...

"Sofia!" Narinig ko ang tawag ni Darius sa kaniyang pinsan nang maglakad din paalis sa ibang dirkesyon si Sofia.

"Nasa'n ang popcorn?"

Hindi ko na pinansin si Yuan at sinundan si Aiden. Hindi ko rin alam kung saan siya nagtungo dahil hindi ko na siya nasundan ng tingin nang ma-distract ako kay Sofia. But I'm guessing sa parking lot dahil daan patungong labas ng school ang dinaanan niya.

Nakita ko agad ang kaniyang kotse at naabutan ko siyang nakayuko at nakapikit.

He looks so affected. Tila may bumabagabag sa kaniyang isip. Tila naguguluhan.

Bumuntong hininga ako. Dumilat siya at nagtama ang aming tingin. Naglakad ako palapit at kumatok sa bintana. He opened it kaya pumasok ako agad.

He really looks so bothered. Ano kayang nasa isip niya ngayon? I wanna know why he ran away. What was he thinking? What was he feeling?

Hindi ko maiwasang isipin na baka gusto niya si Sofia. Kasi bakit naman siya apektadong-apektado? Emergency? Hindi naman niya ginalaw ang cellphone niya at kung emergency nga, dapat wala na siya rito.

I also saw the way he looked at her when they took off the blindfold from his eyes. He looked... stunned. I saw how he swallowed hard when he saw her.

"A-aiden! Bakit ka umalis? May problema ba?"

He stared at me for a while. I was trying to stop myself from crying. He would ask me why and I wouldn't know what to answer.

"Aiden? Anong problema?"

Ang sakit lang isipin na posibleng may gusto siya sa iba. Na hindi ako ang gusto niya. Ang sakit lang isipin na baka nga... hindi talaga kami pwede.

Pero bakit gano'n? Ang sabi ni Darius, ako raw ang gusto ni Aiden. He told me that once no'ng magka-grupo kami sa isang project ni Ms. Macatapang.

"Gusto ka ni Aiden, Athira..." natigil ako sa pag-gupit nang magsalita si Darius.

We were talking about me and Aiden. Kung ano daw ba ang relasyon namin bukod sa pagiging magkaibigan. Then out of the blue, he told me that.

Kumunot ang noo ko kasabay no'n ang pagpintig ng puso ko. Ano raw? Ako? Gusto ni Aiden? Nagpapatawa ba siya?

"H-huh?" Natatawa kong tanong.

"Hindi mo ba naisip na baka kaya siya protective sa'yo ay dahil gusto ka niya?"

Sumulpot bigla sa aking isipan ang mga araw na naging protective si Aiden. Iyong mga araw na higit pa sa magbest friends ang asta niya.

Aiden likes me?

Pero hindi sapat ang batayan na iyon para sabihing gusto ako ni Aiden. Ganoon naman talaga, hindi ba? You're supposed to be protective of your best friend? Are you supposed to get jealous, though?

"I-imposible iyan, Darius." Ngumiti ako ng peke.

"Sa tingin mo, sino ang babaeng pinag-awayan namin noon?"

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now