Chapter 8

26 2 1
                                    

Chapter 8

Number

Pagkatapos ng inuman ng mga matatanda ay natulog na rin kami. Maaga ang alis namin bukas para bisitahin ang windmills at para magsimba. Ngunit nang makahiga na ako ay hindi ako nadalaw ng antok. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para maglibang.

I checked my intagram. Nag post na ako kanina ng mga pictures namin sa social medias. Kaya ang dami kong notifications dahil sa mga bumabati.

Habang nag s-scroll ay biglang nagpakita ang picture naming dalawa ni Aiden na kuha ng polaroid kanina. Pinost niya ang tatlong picture. The caption was 'happy birthday' with the sun emoji.

Hindi ko na pigilan ang aking pag ngiti. Below the pictures are the comments from my friends.

angela_gonzales: hala! nagkiss nga!!

ronaaaan: taksil!!!

Ito pala ang sinasabing kiss ni Angela. Napailing ako at pinatay na lang ang cellphone. Ewan ko sa'yo, Aiden. Ang galing galing mong magpangiti.

Kinabukasan ay maaga ulit kaming nagising para mag-ayos ng gamit. This is our last day. After naming mag simba ay uuwi na rin kami. I can't help but to feel sad, though. Balik school na naman bukas. Bumuntong hininga ako. I want to grow up fast.

"Ayos na ba lahat ng gamit mo, Athira?" nilingon ko si Mommy na hawak ang doorknob ng kwarto ko.

Tumango ako. "Yes, Mom. Ilalabas ko na."

Tinayo ko ang mini luggage at nilagay ko na sa sala. Naabutan ko si Daddy na naghihikab sa sofa.

"Maligo ka na. Aalis tayo ng seven thirty."

Tumango na lang ako kay Mommy. Naligo ako at nagbihis. Isang mustard yellow floral print short dress ang isinuot ko. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na rin ng kwarto para salubungin sila Mommy. Naka-ayos na rin sila kaya tumulak na kami para tumungo ng windmill.

Halos kalahating oras ang tinahak namin para marating ang Bangui windmills. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay ang malakas na hangin kaagad ang sumampal sa akin. Tinangay ang buhok ko kaya sinikop ko ito.

"Ang lakas ng hangin!" Tumawa si Tita Louissa.

The Bangui Windmills wind farm is recognized as the largest in Southeast Asia and sells power to Ilocos Norte Electric Cooperative.

"Picture! Picture!" Tumawa si mommy at inayos ang gulo niyang buhok. Sinikop ito ni Daddy at siya na ang humawak.

"Picturan ko po kayo, Ma'am?" Saad ng tour guide namin na nakangiti.

"Yes, please!"

Pumwesto kami ng nakatalikod sa windmill. Tumawa ako nang hanginin na naman ang buhok ko nang bitawan ko ito.

"Nakakain ko na 'yung buhok mo." Aiden chuckled.

"Sorry," tawa ko at pilit na inayos ito.

Ngunit hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. Sinikop niya ito pagkatapos ay inilagay sa kanang balikat ko. Ginawa niya iyon para akbayan ako. Napatigil ako. Ito na naman ang puso kong kumakabog ng bongga. Hindi na naman naging handa sa biglaang pagkilos ni Aiden.

"Smile, Athira!"

Agad akong ngumiti sa camera. Ilang kuha pa at binigay ko naman ang polaroid cam ko kaya nag picture kami ulit.

Pagkatapos ng picture ay nahihirapan na ako kung ano ba ang sisikupin ko. Ang buhok ko ang dress na suot ko. May suot naman akong short pero conscious pa din ako. Wala pa naman akong dalang pang ipit.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें