Chapter 49

24 2 7
                                    


Chapter 49

Bitaw Na

"Ikaw? What's your biggest fear?" Balik na tanong niya sa akin.

I remained silent for a while. What's my biggest fear? Losing someone.

"I fear losing," I answered. "Losing someone. I hate it when people leave. Para bang dadaanan lang nila ang buhay ko at kapag nakapag-iwan ng magandang alaala, biglang aalis."

People come and go. But why can't people stay?

Maaga kaming gumising kinabukasan. Sa Be Resort kami ngayon mags-stay ng isang gabi tapos uuwi na kami. Nakakalungkot nga na uuwi na kami agad, e. Parang sobrang onti ng oras.

"Check niyo ang lahat. Baka may naiwan pa tayo. Charger niyo, laptops, power bank," paalala ni Sofia.

Chineck ko lahat ng gamit ko. Dito na mga make ups ko, power bank, charger, okay na lahat.

"Naks! Wife material. Pwede na sa kasalan!" Inirapan ni Sofia si Ronan.

Umalis kami sa hotel ng alas dyiz ng umaga after ng breakfast namin. Pare-pareho kami ng kulay ng suot. Iyon ang request ko para sana magandang tignan kapag nagpicture. Lahat kami ay nakasuot ng baby blue.

Nakarating kami sa resort ng alas dose, tamang tama para sa lunch namin. After booking a room, kumain agad kami sa restaurant doon.

"Gusto ko nang lumangoy kaso ang tirik ng araw," nakangusong ani Angela.

"Let's watch a movie muna kaya? Chill lang tapos sa hapon tayo mag-swim para malamig." Suggestion ko.

"Right! Maabutan pa natin ang sunset."

Iyon ang naging plano. We watched a horror movie. It was about a mother who lost her husband noong araw na ipapanganak niya ang ang kaniyang anak. The monster in the movie is the physicalised form of the mother's trauma. It wasn't that scary. Pero noong nalaman ko ang dahilan ng storyang iyon ay natakot ako.

"I think it's a real human fear," Aiden stated. "So that's what it feels like to be in a trauma."

We were all silent. Slowly sinking in the movie. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nasa sitwasyon ng nanay. That must've been really hard.

"Enough about that! Let's watch romance instead."

Nagpatuloy kami sa panonood. Natapos kami ng alas kuatro ng hapon. Darius and Aiden fell asleep while watching. Si Ronan naman ay ganadong ganado pa at patalon-talong nagt-toothbrush.

"Gisingin niyo na iyong dalawa at nang makapag-handa na tayo."

Sofia nodded and woke the two. Pinalo niya ang puwet ng parehas. Both of them really look cute. Nakapatong ang paa ni Aiden kay Darius habang si Darius naman ay nakanganga. Mukang hindi magka-away, a.

"Gising na!" Sofia shouted.

Aiden moved and opened an eye, nang makitang si Sofia iyon ay hinila niya ito palapit sa kaniya saka niyakap. Tumili si Sofia. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Aiden! Ang baho ng hininga mo!"

Kinurot ko ang sarili para pigilan ang paglingon. Minsan iniisip ko bago matulog na ako ang nasa posisyon ni Sofia. Na ako iyong niyayakap ni Aiden, hinahawakan. I throw a pity party in my mind every night. Iyon nga ata ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Nagbihis ako sa loob ng cr. I wore a black backless one piece at pinatungan ko iyon ng oversized muscle tee na kay Aiden pa galing. This was originally his pero nung nalaman niyang nagustuhan ko ito ay binigay niya rin sa akin.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now