Chapter 36

14 1 4
                                    


Chapter 36

Confused

I heard them call my name pero hindi ko pinansin iyon. Nagpunta akong parking lot at mabilis na sumakay sa sasakyan ko.

Inis kong ginulo ang buhok ko.

The other night, I was so sure about my feelings for Athira. Bata pa lang ako sa kaniya ko nararamdaman ito. I was so sure about this but I was just afraid to say it to her.

Muntik ko pa ngang iyakan ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Bakit kapag kaming dalawa, laging may hadlang? Mali ba 'yong oras? 'Yong lugar? O 'yong kaming dalawa?

I don't know why I'm feeling this. Dapat kay Athira lang. Dapat siya lang. Ano na naman ba kasing plano ng tadhana?

Nakita ko si Athira na patungo sa aking kotse. She looks so worried. Kunot ang kaniyang noo at bakas din ang pagtataka sa muka.

I tried looking for it. Iyong saya kapag nandiyan siya. Naramdaman ko iyon. But it's not the same as the last time.

Fuck.

Pumikit ako ng mariin.

Kumatok si Athira sa bintana ng aking kotse. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.

"A-aiden! Bakit ka umalis? May problema ba?"

Seeing her here, I just want her to tell me that she likes me, too. That she's also scared about what might happen. I just want her to tell me that right now. Baka kasi maiba 'yong pakiramdam ko. Baka assurance lang ang kailangan ko.

"Aiden? Anong problema?" she asked softly.

Nagiwas ako ng tingin. "Nothing... I-I just... want to go home. Sama ka?"

I tried to sound jolly as possible. Gulong-gulo na ako. Nakaka-frustrate na.

"I want to... but I can't... may inutos pa kasi si Sir Panganiban..." tinitigan niya akong muli. For a moment, I think I saw how her eyes turned bloodshot. "Are you sure you're okay?"

Ngumiti ako sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya nang makuhang ayaw ko itong pag-usapan.

"Alright. Text me when you're home... y-you know I'm always here for you, r-right?"

Tumango ako. She sighed one more time before hugging me. Kumalma agad ang sistema ko. Always the best feeling.

Bumaba si Athira ng sasakyan at bumalik ng school. Huminga ako ng malalim bago nag-drive pauwi.

Akala ko sa bahay ang uwi ko, kung bakit ako napadpad sa bahay nina Ronan ay hindi ko alam.

"Oh, Aiden? Napadalaw ka?"

Nginitian ko ang Mommy ni Ronan at nagmano. "Si Ronan po?"

Tinuro ni Tita ang kwarto ni Ronan. Nagkulong daw iyon sa kaniyang kwarto dahil nahihiya siyang lumabas. May hiya pala iyon?

Walang katok-katok kong binuksan ang pinto. Nagulat siya at napatalon sa kaniyang kama at mabilis na tinago ang cellphone.

"Oh shit!" Gulat niyang bulas. "Dude! What are you doing here?"

Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang aking jacket at tumalon sa kaniyang kama. Naupo siya at tinignan ako ng may pagtataka. 

"Gusto mo ba ng ka-siping, pre? Sorry, a? Hindi ako pumapatol sa lalaki, e."

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa huli ay ngumisi rin at ngumuso.

"Talaga ba, baby? Sige na, oh? Pa-isa naman."

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Where stories live. Discover now