Chapter 5

25 2 0
                                    


Chapter 5

Selos

"Athira!"

Nilingon ko ang sumigaw sa aking pangalan. Si Darius pala. Kaklase ko. Pinanood ko siyang takbuhin ang distansiya naming dalawa. Nang makarating sa pwesto ko ay hingal na hingal siya na tila'y kanina pa siya tumatakbo.

"Bakit?" Takang tanong ko.

I'm not friends with everyone in our classroom. Tanging si Aiden, Angela at Ronan lang ang matatalik kong kaibigan sa room. Kinakausap ko naman iyong iba tuwing may kailangan or group works. Kadalasan ay lalaki pa iyon dahil matataray ang mga babae sa akin.

May kinuha siya sa backpack niyang dala at inilahad ito sa akin. Isa itong rectangular box.

"Para saan ito?" Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo.

Nagkamot siya ng ulo at bahagyang namula ang kaniyang tenga.

"E, hindi ba birthday mo sa sabado? Advance birthday gift ko iyan. Buksan mo," ngumiti siya at sumilay ang dalawang malalalim niyang dimples.

Regalo? Hindi naman kami close ni Darius kaya bakit may regalo?

Darius is the bad boy type you meet at school. Isa sa mga bullies, maingay, maharot, gago, at iba pang kadalasang kinaiinisan ng mga studyante sa school. He's a bad boy but he looks good. A deep set brown eyes, fair skin (not as fair as Aiden's), pointed nose and dimples. Muka siyang good boy kung hindi lang clean cut ang ayos ng kaniyang buhok. Ibang iba kay Aiden. Aiden has a pair of hooded eyes, long lashes, thick eyebrows, high cheekbones and angled jaw. Skin as white as paper at muka siyang bampira.

Kunot noo kong binuksan ang box. Tinanggal ko ang wrapper at agad nanlaki ang aking mga mata sa isang gold necklace na bumungad sa akin.

"Oh my gosh..." Natameme kong sinabi.

Nilingon ko siya at nakita ko ang tuwa sa kaniyang mga mata. Lumapad din ang kaniyang ngisi.

"Do you like it?"

"I love it! Oh my gosh! Thank you!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Yayakapin ko ba siya, tatalon ba sa tuwa o sisigaw. Ngunit napagdesisyunan kong tumahimik na lang at takpan ang bibig gamit ang kanang kamay.

"You bought this for me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya. "Why?"

Isa itong moon and stars gold necklace. Crescent ang moon at may naka-attached pa na mas maliit pang necklace na may pendant naman ng star.

Hindi siya nakasagot doon. Namula ang kaniyang muka kaya yumuko siya at nagkamot ng batok. Kinagat ko ang aking labi upang magpigil ng ngiti. He's cute, I guess?

"Do you... want to put it on?" pagiiba niya ng topic.

Walang imik akong tumango. Hindi kami close ni Darius pero hindi ko maintindihan. He sometimes helps me out kapag naglo-locker ako. I am the only one na hindi niya inaasar sa room. Inaasar pero isang tingin lang, titigil na siya. And this! This necklace! I'm not dumb to not notice na baka sakaling may gusto siya sa akin. Pero hindi ako maga-assume.

Kinuha niya ang necklace sa box at pumwesto sa likod ko. Sinikop ko naman ang buhok ko para mailagay niya ng maayos ang kwintas. Hinawakan ko ito matapos niyang ilagay sa leeg ko.

"Thank you."

Nang mag break time kami ay tinali ko ang buhok ko sa ponytail. Sobrang init kasi. Ayon sa balita, 35 degrees ang init. It's not summer, though.

"Where did you bought this? Bago ba 'to? Ang ganda!" Hinawakan ni Angela ang kwintas na binigay ni Darius.

Napansin ko ang paglingon nina Ronan at Aiden. Ngumuso ako at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba ang totoo. In front of Aiden? Inis 'yan kay Darius kasi nga makulit siya at laging nangaasar. At mayabang rin daw 'yan lalo na sa basketball.

Can't Help Falling In Love (Estella Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon