Part 12 . . . Vladimir at Lucia

Start from the beginning
                                    

Hiniwa ni Yuri ang kanyang pulso at itinapat ang pumapatak na dugo sa bibig ng lalake at ganun din ang ginawa ni Sofia sa babae.

Maghapong nilakbay ng karuwahe ang pabalik nila. Malalim ang gabi ng sapitin nila ang mansion. Tulog pa rin ang dalawa. Pinasan ni Yuri ang lalake at ipinasok sa loob ng mansion.

"Ivan sa basement tayo." Aniya sa katiwala.

Isinunod niyang binuhat ang babae. May apat na silid sa basement at sa isa rito niya hiniga ang dalawa. Walang bintana ang silid.

"Sige na Ivan iwan mo na kami rito. Bukas ihanda mo ang dalawang usa."

"Masusunod Ginoong Yuri."

"Yuri, tama kaya itong ginawa natin sa kanila?"

Umupo ang dalawa habang pinagmamasdan nila ang dalawang natutulog.

"Sana mahal ko. Nakita mo naman kanina ang kanilang nakaraan. Mababait sila. Sana matanggap nila ang bagong buhay na ibinigay natin.

Halos sabay nagkamalay ang dalawa. Nang nakita nila sina Yuri at Sofia ay pagtataka ang nasa kanilang mukha.
Nagkatinginan ang dalawa. Tumayo sila at nagyakapan. Hinayaan lang sila nina Yuri at Sofia.

" Lucia, aking Lucia salamat at buhay ka!"

"Ikaw rin Vladimir. Huhuhu! Sina mama at papa, mga kapatid ko?

"Ikinalulungkot Kong sabihin sa inyo, wala na sila." Sabi ni Yuri.

Tumingin ang dalawa kina Yuri at Sofia.

"Sino kayo? Saan kami naroroon? Mga tanong ni Vladimir.

" Ako si Yuri Ivanoff at ito ang aking asawa si Sofia. Narito kayo sa aming tahanan. Iniligtas namin kayo kahapon."

"Mahal nauuhaw ako!" Sabi ni Lucia.

Naglabas si Sofia ng isang bote. Isinalin niya ang laman sa dalawang baso.

Nakita ito nina Vladimir at Lucia at nagtataka sila. Pero naamoy nila ang dugo at naramdaman nilang kakaiba ang kanilang pagka-uhaw.

"Heto, inumin ninyo para lumakas kayo at mawala ang inyong pagka-uhaw!" Sabi ni Yuri.

"Pero yan ay dugo!" Sabi ni Vladimir.

"Dugo nga dahil hindi na kayo mga tao. Namatay na kayo kahapon. Binuhay lang namin kayo!"

"Ano? Paano nangyari yun?"

Hinawakan ni Yuri ang mga kamay nila. Nakita nila sa isipan ni Yuri ang naging buhay ng bampira mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Sumunod ay si Sofia.

"Ha! Kami ay mga bampira na rin!"

"Oo Vladimir. Ikalawang buhay na ninyo na walang kamatayan. Dugo ito ng hayop. Kaya kayo naririto sa silid para ilayo kayo muna sa mga tao. Gaya ng nakita ninyo sa amin ni Sofia ay  nilabanan namin ang tukso ng dugo ng mga tao. Matatawag lamang tayong mga halimaw kung papatay tayo ng mga tao para sa kanilang mga dugo."

Kinuha ng dalawa ang mga baso at ininom nila ang dugo. Nasiyahan si Yuri sa kanilang ginawa.

"Dumito muna kayo ng mga ilang araw. Alam na ninyo na hindi kayo maaaring masinagan ng araw mula ngayon. Hahanap ako ng lunas at alam na ninyo kung ano yun."

"Sa bayan lang ng Maldev mo makikita ang mga taong lobo. Nakakalat ang mga bantay nila palibot sa hangganan ng bayan. Kaya mahirap sa mga mamamayan ang makatakas at walang dayo ang nakalalabas na pag pumasok sa aming bayan. Hawak ng mga Gustav ang buong bayan." Sabi ni Vladimir.

"Hmmmmm! Hindi na kailangan pumasok ng bayan. Ang bantay ang kukunin natin. Magpalakas kayong dalawa sa isang linggo ay lalakad tayo." Sabi ni Yuri.

Iniwan nila ang dalawa. Hindi nila nilock ang makapal na pintong kahoy para lalong magtiwala sa kanila sina Vladimir st Lucia.

Nasa bulwagan na sila ng salubungin sila ni Ivan.

"Ginoong Yuri. Handa na ang dalawang usa sa katayan."

"Sige Ivan. Tulad ng dati mahalaga ang dugo nila. Tawagin mo nga pala lahat ng katiwala natin. Isama ang mga bata. Gusto ko silang makaharap at maka-usap."

"Masusunod po!

******

Parang piyesta sa mansion ng mga Gustav. Nagkakasiyahan sila. Nilalantakan nila ang mga karne ng mga pinatay nilang pamilya nina Vladimir at Lucia. Ang iba sa kanila ay nasa anyong taong lobo pa.

" Papa ngayong ganap ka ng isa sa amin magpaparami tayo. Paghaharian natin ang buong Rusya! Hark! Hark!" Sabi ni Assov.

"Tama ka anak ko. Pinalakas ako at pinabata ng kapangyarihang taglay ko ngayon. Bago ang Rusya, si Yuri na muna ang uunahin ko. Malaki na ang utang niya sa akin. Kung naging halimaw man siya ay ganun na rin ako at higit na malakas sa kanya. Ha ha ha! Aaaaargghhhhh! Growwllll!"

Nagbago ang anyo ni Boris naging taong lobo siya. Gumaya na rin ang lahat sa kanya.

Awoooooo ! Awoooooo!

*****

Sa bulwagan ng mansion ni Yuri ay kinakausap niya lahat ng mga katiwala.

"Ipinatawag ko kayong lahat para malaman ninyo may panganib na naka ambang sa atin dito sa manor. Kung naniniwala kayo sa mga taong lobo ito ang masasabi ko, totoo sila. Ang dalawang taong dinala namin dito kagabi ay biktima nila. Sila lang ang nakaligtas pero napatay lahat ang kanilang mga pamilya."

"Anong gusto mong gawin namin Ginoong Yuri?" Tanong ng isa sa mga katiwala.

"Binibigyan ko kayo ng permisong umalis dito at bibigyan ko ng sapat na halaga ang mga aalis. Taas ang kamay ng gustong umalis!"

Nagtaasan ng mga kamay ang ilan na may mga batang anak.

"Ikaw Ivan?"

"Maiiwan kami ng asawa ko sampu ng mga kamag anak ko Ginoong Yuri."

"Hindi ka natatakot Ivan? Bakit?"

"Hindi ginoo. Bago pa kayo dumating dito sa manor ay kilala na namin kayo. Amain ko ang katiwalang tumulong sa inyong nakatakas sa Ivanoff manor. Kaya alam ko ang nangyari sa inyo sa St. Petersburg. Nang malaman namin na kayo ang nakabili nitong manor ay natuwa kami. Handa kaming lumaban para sa inyo Ginoong Yuri. Alam namin kung paano labanan ang mga halimaw.

"Salamat Ivan. Ikaw na ang bahala sa mga aalis na. Ibibigay ko mamaya ang mga pera nila."

"Oo Ginoong Yuri."

******

Sa hangganan ng Rusya at Ukraine ay tahimik na binabagtas ng tatlong nilalang ang kagubatang malapit sa bayan ng Maldev. Maingat ang kanilang mga hakbang sa nyebeng hanggang tuhod ang lalim.

"Ginoong Yuri pagbaba natin sa burol na ito ay hangganan na ng Maldev. Maaaring may mga bantay na sa ibaba." Bulong ni Ivan.

"Sige. Akina ang bote."

Kinuha ni Ivan and bote mula sa backpack niya at iniabot kay Yuri.

Binuksan ni Yuri ang takip ng bote. Ibinuhos ang laman sa kanyang palad at ipinahid sa kanyang katawan ang dugo ng usa.

"Ivan, Yorac ipahid ninyo ang dugo sa inyong katawan. Matalas ang pang-amoy ng mga taong lobo. Hindi nila kayo maamoy niyan."

Sumunod ang dalawa. Muli silang naglakad. Papasukin nila ang teritoryo ni Boris.


*****

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now