Chapter 4

2.4K 103 42
                                    

* Queenie's PoV

Hindi ko na naman naabutan sila Mommy kinabukasan. Mukhang maaga na naman silang umalis. Hindi naman kami sobrang yaman. Tama lang. My Dad is a supervisor in a company tapos si Mommy ay isang registered nurse. Si Kuya Alex naman ay nasa Australia. Isa siyang chef doon.

Kinain ko na lang ang pagkain na nasa lamesa at lumabas na din agad. Napatigil ako ng makitang nandoon si King at akala mo ay isang model na nakasandal sa big bike niya.

Handsome!

Siguro kung hindi lang ganito ang ugali niya naging crush ko pa siya. Pero syempre alam ko naman na hindi ako kawalan. Walang wala ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

"Good morning." Nakangiting bati ko pero hinagis niya lang sa akin ang helmet.

Mabuti na lang at nasalo ko ito dahil kung hindi ay baka mabasag pa at tuluyan na talaga akong humandusay sa lupa.

Ang sungit!

"Ganito ka ba sa mga babae mo?" Tanong ko habang isinusuot ko ang helmet ko. "Hinahatid at sinusundo mo pa talaga? Ang sweet mo naman pala kung ganun."

Napasimangot ako ng hindi man lang siya sumagot. Matutuyuan ako ng laway kapag siya ang kasama ko. Pinanood ko siyang sumakay ng motor niya. Ang swabe kasi ng dating. Hindi naman siya nang aakit pero parang nakakaakit umangkas at yumakap sa kanyang likod. Tuluyan na akong sumakay ng patunugin na niya ang motor.

"You know what we should be friends para naman maenjoy natin ang isang buwan kahit papaano." Kasabay ng pagsigaw ko ang pagyakap sa kanya ng bigla niyang ipaharurot ang motor. "Dahan dahan naman!" Sigaw ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Wait. Yakap?

Bigla akong namula ng marealize kong nakayakap nga ako sa kanya. Aalisin ko na sana ang mga kamay kong nakayakap sa kanya pero hinawakan niya ang isang kamay ko at mas iniyakap pa sa kanya.

"Don't move." Sigaw niya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng motor.

Hindi ko na mabilang kung ilan ang mga sasakyang dinaanan lang namin na para bang hangin. Grabe talaga siya. Feeling ba niya pati sa kalsada siya pa din ang hari?

Nang makarating kami sa campus ay tulala pa din ako. Kung hindi pa niya hinampas ng mahina ang helmet na suot ko ay hindi pa ako babalik sa katinuan.

"Ano? Dyan ka na lang?" Masungit na tanong niya ng tignan ko siya.

Inalis ko na ang helmet ko at inihagis din sa kanya tulad ng ginawa niya sa akin kanina pero walang kahirap hirap niya lang itong nasalo.

"Hindi na ako aangkas ulit sayo." Sabi ko at inayos ang buhok kong nagulo. "Parang mas gusto ko na lang magpabugbog kaysa mamatay ng ganun ganun lang."

"And you think i will let you die?" Natahimik ako dahil sa tanong niya. "You know what, tingin ko hindi mo naman talaga ito ginagawa para sa bakla mong kaibigan. Siguro type mo na ako noon pa kaya hindi mo na pinalampas ang pagkakataon." Nakangising sabi niya.

"Wow! Ang kapal ha! Dyan ka na nga!" Sigaw ko sa kanya at nauna ng maglakad.

Kaloka! Sobrang gwapong gwapo sa sarili? Okay, may karapatan naman siya pero seriously? Kung siya lang din naman ang pagkakataon talagang palalampasin ko na.

Napairap ako ng akbayan niya ako.

"Hoy babae! Baka nakakalimutan mo na sa akin ka ng isang buwan." Paalala niya.

"Paano ko makakalimutan kung araw araw kong nakikita ang mukha mo?"

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa amin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ngayon ko lang masasabi na hindi na ako natatakot sa tukmol na ito. Pero inaamin ko na mas gusto ko yung ganitong side niya. Mas madali siyang pakisamahan kumpara doon sa mga araw na nakikita ko siya na parang may maitim na aura na bumabalot sa kanya.

Hindi ako tumabi kay King ngayon dahil wala siya. Hinatid niya lang ako dito sa room at umalis din agad kasama ang mga kaibigan niya. At kung tatanungin niyo ako kung saan siya pumunta ay hindi ko din alam at wala akong balak na alamin.

"Kamusta naman ang pagiging "girl of the month" mo baks?" Nang aasar na tanong ni Yuki.

"Oo nga. Baka naman sinuko mo na ang bataan ha?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ara.

"Yuck!" Umakto pa akong nasusuka. "Tumigil ka nga Ara." Saway ko sa kanya.

"Malay ba namin. Baka sa sobrang hot ni King eh bumigay ka na. Naku girl! Naiimagine ko pa lang na topless si King sa harapan ko nanginginig na agad ako." Nagpapantasyang sabi ni Ara na sinang ayunan naman ni bakla.

Bakit naging kaibigan ko ang mga ito?

Bad Boy In Love (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum