Chapter 2

2.8K 133 44
                                    

* Queenie's PoV

Seryoso lang na nakatitig sa akin si King. Nilabanan ko ang tingin niya kahit nangangatog na ang aking tuhod sa takot.

Infairness, sobrang gwapo niya talaga.

Napailing na lang ako. At talagang yun pa ang naisip ko sa mga oras na ito?

"Q-queenie." Nahihirapang sambit ni Yuki kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya. Putok agad ang nguso niya kaya hindi ko maiwasan ang hindi maiyak.

"Y-yuki." Umupo ako sa kanyang harapan at niyakap siya.

"You don't have to do this baks. Kaya ko naman." Pinilit niyang ngumiti pero napangiwi lang siya.

"Are you done with your drama? Because I'm not yet done." Napalingon kami kay King na sobrang sama ng tingin kay Yuki.

Tumayo ako at muli siyang hinarap.

"Please. Patawarin mo na ang kaibigan ko. H-hayaan niyo na lang siya. I know him. Alam kong hindi niya sinasadya ang nangyari." Lakas loob kong sabi pero nakatingin lang sila sa akin. "Huwag niyo na siyang saktan. Please."

"And what can you give in return?" Tanong ni King.

"Ha?"

"We will let it pass. Hindi na namin sasaktan ang kaibigan mo. Hindi ko na din siya ipapa expell pero ano ang kapalit?" Nakangising tanong niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Lalo siyang ngumisi ng maibalik sa mga mata ko ang kanyang tingin. "Maybe your body can be the payment."

Agad kong tinakpan ng aking mga kamay ang katawan ko.

"You." Nanggigigil na sambit ko. "You're such a jerk! Bastos!"

Imbes na magalit ay lalo pa siyang napangisi.

"Well, mabilis lang naman akong kausap. Wayne, you know what to do with that gay." Sumeryoso na ulit ang kanyang mukha ng tignan niya si Yuki.

Akmang lalapit na yung Wayne kay Yuki pero humarang ulit ako.

"Don't." Tinignan ko ulit si King na ngayon ay nakatingin din sa akin. "I can't give you what you want." Seryosong sabi ko. "Pwede bang iba na lang?"

Tinitigan lang niya ako na para bang nag iisip kung ano pa ang pwede niyang ipagawa sa akin.

"Okay then. Be my girl for a month."

Literal akong napanganga sa sinabi niya. What did he say? Be his girl for a month? What the hell?

But it's more okay than giving my body right? Oh yes.

Napapikit ako ng mariin. Wala naman akong magagawa. Ayaw ko namang mabugbog si Yuki.

Why am i so kind??

----------------

"Bakit ba naman kasi humarang harang ka pa baks?" Sermon sa akin ni Yuki. "Ayan tuloy. Muntik ka pang mapahamak dahil sa ginawa mo."

Nandito kami ngayon sa clinic at katatapos lang gamutin ang labi niya.

"At anong gusto mong gawin ko? Panoorin kang binubugbog sa harapan ko?"

"But being with King for a month means hell. Alam mo, alam ko, alam nating lahat ang ugali ng lalaking yun." Sermon din ni Ara.

"Mabilis lang ang isang buwan. Isa pa, malay niyo magsawa agad siya sa akin dahil boring ako at wala talaga siyang mapapala sa akin. Wala pang isang buwan nakalaya na ako sa kanya." Pagpapagaan ko ng loob nila.

Alam ko din naman itong pinasok ko but i can't backout. Babalikan pa din nila si Yuki kapag umatras ako. At para saan pa ang lahat ng inipon kong tapang kanina sa harapan niya kung aatras lang din ako?

"Can i get my girl now?" Napatingin kami sa pintuan ng marinig ang boses ni King.

Hearing him calling me as his girl gives me a different feeling. Para bang hindi ko sigurado kung ano ang dapat kong maramdaman. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya.

Isang buwan lang, Queenie.

Agad niya akong inakbayan at walang sabing hinila palabas ng clinic. Nag aabang sa labas ang mga kaibigan niya sa amin. Napasipol sila ng makita ako. Gusto ko sanang umirap kaso baka bigla na lang akong humandusay dito kaya wag na lang.

Napapatingin sa amin ang lahat ng estudyanteng nadadaanan namin. Nag uusap at nagtatawanan ang mga kaibigan niya sa likod namin pero siya ay seryoso lang. Napayuko na lang ako. Tama ba talaga itong pinasok ko? Mapapanindigan ko kaya ito?

"From now on, you'll be sitting beside me." Maawtoridad na sabi niya ng makarating kami sa room namin.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Umupo ako sa tabi niya ng tahimik. Nang hindi umaangal dahil wala rin namang mangyayari. Paulit ulit kong sinabi sa isip ko na isang buwan lang naman.

At sana kayanin ko..

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now