Chapter 24

1.7K 85 52
                                    

* Queenie's PoV

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa aking narinig. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ko magawang magsalita. I just don't know how to react. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Nancy's father save my life before. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala ang asawa ko. Wala sanang King na mabubuhay sa mundong ito." Malungkot niyang sabi. I want to understand him but i just can't. "Ito lang ang tanging hiniling niya sa akin hija. Ayaw kong biguin ang kaibigan ko. Ang taong nagligtas sa akin. Hindi ka kayang iwan ni King so i decided to talk to you. Please hija, kahit dito man lang gusto kong makabawi sa kaibigan ko. They need us. They need our surname para muling makabangon ang kumpanya nila."

It's all about family, friendship and relationship. Kapag pumayag ako sa gustong mangyari ng Daddy ni King ay dalawa ang maisasalba ko. Ang pamilya nila King at ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya. Kapag naman nagmatigas ako ay masisira ko ang lahat. Magkakagalit sila King at ang Daddy niya. Mabibigo ni Mr. Montecarlo ang kaibigan niya at alam kong masisira din ang relasyon namin ni King dahil alam kong hindi din kami titigilan ng Daddy niya. Madadamay pa ang parents ko at iyon ang pinakahuling gusto kong mangyari.

Imbes na dumiretso sa classroom ay dito ako nagpunta sa soccer field. Walang mga estudyante, sariwa ang hangin at tahimik ang paligid. Tamang tama para sa akin na gustong mapag isa at mag isip. Hindi ko pa kasi kayang makita si King. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at naupo sa damuhan. Napatingala ako sa langit at napapikit.

Can you help me please? Pwede bang tulungan mo akong magdecide?

Hindi ko alam na ganito pala kakumplikado ang pakikipagrelasyon kay King. Hindi ko alam kung darating ba yung araw na magiging masaya kami. O kung kami ba ang magkakatuluyan sa huli.

"Nandito ka lang pala." Napadilat ako ng marinig ang boses ni Sean. "Kanina ka pa hinahanap ni King. I mean, kanina pa siya nagwawala." Napatayo ako dahil sa aking narinig. "Nang malaman niya na pinatawag ka sa President's office ay sinugod niya ang Daddy niya."

Napailing ako. What should i do? Ano ng gagawin ko ngayon?

"Anong gagawin ko Sean? His Dad talked to me. He wants me to break up with King." Frustrated kong sabi.

"Do you want to do it?" Napatingin ako sa kanya. "Can you do it?"

Sabay kaming bumalik ni Sean sa classroom. Hindi pa kami nakakalapit sa pintuan ay nakita ko agad si King.

"Babyloves." He looks so relief to see me pero hindi iyon nakatulong para mabago ang desisyon ko. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. "Don't listen to Dad. We can make it." Humiwalay siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I'll do everything to.."

"Hindi na kailangan." Pagputol ko sa sasabihin niya. "You don't need to do everything because I'm breaking up with you." Pinilit kong tatagan ang aking sarili kahit na gusto ko ng umiyak.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Don't joke around Queen." Seryoso niyang sabi.

"I'm not joking King. I'm serious. Ayaw ko na." Unti unting bumaba ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. "This is not the relationship i want. Nasasaktan na ako. Sobrang kumplikado na ang lahat simula ng magtagpo ang mga landas natin. Noon, kilala lang kita. Tahimik at masaya lang ang buhay ko pero ngayon gulong gulo na. So please, just let me go." Naglakad na ako ulit at nilampasan siya pero napatigil din ako ng marinig siyang magsalita.

"Do you even love me?" Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Nung sinabi mong mahal mo ako. Is it true? Bakit ganito lang kadali para sayo na tapusin ang lahat?" Napapikit ako para pigilan ang pagtulo ng aking luha. "Is this what you want? Yung tapusin na lang ng ganito?" I'm sorry King. "I can fight for you Queen. Kahit ang sarili kong ama kakalabanin ko para sayo. Para sa atin. Can't you do that too? Mahirap ba talaga akong ipaglaban?"

Hinarap ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Yes. This is what i want. Yung mawala ka na sa buhay ko."

Kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sakit pero hindi ko na kayang ipagpatuloy ito. Mas maraming masasaktan. Mas maraming maaapektuhan kapag nagpumilit pa kaming dalawa.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now