Chapter 10

2.3K 109 25
                                    

* Queenie's PoV

Nagkunwari na lang akong natutulog para matulog na si King. Talagang ayaw niyang matulog dahil baka daw tumakas ako. Napaka isip bata. Tingin niya naman kaya ko pang lumabas ng ganitong oras.

Nang marinig ko ang mahina niyang paghilik ay dahan dahan akong bumangon para bumaba. Bigla kasi akong nauhaw at nagutom. Hindi ko man lang kasi na enjoy yung pagkain ko kanina.

Nang makarating ako sa kusina ay bukas ang ilaw. Nakita ko si Noah na mag isang umiinom ng kape.

"Hi." Nahihiyang bati ko. Muntik pa niyang mabuga ang iniinom niyang kape ng makita ako. Natawa tuloy ako ng mahina. "Sorry. Nagulat yata kita."

"Hindi naman. Si King?" Tanong niya at tumingin pa sa likod ko.

"Tulog na."

"You want coffee?"

"Gusto ko sana ng juice."

Tumayo siya at kumuha ng juice sa ref. Kinuhaan niya din ako ng isang slice ng chocolate cake.

"Here. Alam ko namang hindi ka masyadong nakakain kanina." Nakangiting sabi niya.

"Thanks." Nakangiting sabi ko. Naupo ako sa tabi niya at kumain na. "Nandito din ba ang iba?"

"Yup. Natutulog na din sila. Uminom lang ako ng coffee para mawala kahit papaano ang hang over."

Napatango tango ako. Nanahimik na lang ako dahil wala na din naman akong matanong. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang sugat sa gilid ng labi niya.

"Anong nangyari dyan?" Napatingin siya sa akin ng magsalita ulit ako.

"Ha?"

"Yung sugat sa labi mo."

"Oh." Napahawak siya sa sugat niya. "Wala lang. Nasanggi lang."

Tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala sa isinagot niya. Alam ko naman ang pinagkaiba ng nasangga sa sinuntok. Sinubukan ko lang tanungin dahil baka umamin siya. Kumuha pa ako ulit ng isang slice ng cake dahil nagugutom pa ako. Tinawanan nga niya ako dahil mukhang gutom na gutom daw ako.

Napahinto ako sa pagkain ng biglang punasan ni Noah ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang daliri.

"Ang kalat mong kumain." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya. Noah is handsome like King mas malakas nga lang ang karisma ng hari pero may ibubuga siya pagdating sa kagwapuhan. Brown ang kulay ng kanyang mga mata. Matangos din ang ilong. Medyo mapula din ang labi niyang mukhang malambot.

Ilang beses ko siyang nahuli dati na tumitingin tingin sa akin pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Nabalik ang tingin ko sa kanyang mga mata ng maramdamang hindi na niya pinupunasan ang gilid ng labi ko pero hindi pa din niya tinatanggal ang kanyang kamay.

"Queenie. I..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may sumuntok sa kanya. Gulat akong napatingin kay King.

"King! Bakit mo sinuntok si Noah?" Nilapitan ko si Noah at inalalayan siyang tumayo. "Are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm fine." Nakuha pa niyang ngumiti. "I deserved it anyway."

"I already warned you Noah!" Nabalik ang tingin ko kay King. Sobrang sama ng tingin niya sa kaibigan niya. "Sinabihan na kita pero bakit ginagalit mo pa din ako?!" Pakiramdam ko nabingi ako ng sumigaw siya.

"Ano bang problema mo ha, King?" Naguguluhan ako sa inaakto niya. Bakit siya nagagalit ng ganito? Para saan? "It's not like you caught us doing something. What the hell is your problem?" Kunot noong tanong ko.

Nakita ko ang pagdating ng iba pa nilang kaibigan na mukhang nabulabog din sa pagsigaw ni King.

"Isa ka pa! Ganyan ka ba talaga ha? Bakit hindi ka makuntento sa akin? Bakit kailangan mo pa ng iba? At kaibigan ko pa? Kaya ba ayaw mo pang matulog kanina para makababa ka dito? Ano? May usapan ba kayong magkita dito ha?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal siya.

"King!/ Queen!" Hindi ko na alam kung sino sa mga kaibigan niya ang tumawag sa akin at sa kanya.

Kasabay ng panginginig ng mga kamay ko ay ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit at hindi ko inaasahan na siya pa ang magiging dahilan. Of all people why him? Bakit siya?

"A-ang sama sama mo!" Nawala ang galit sa kanyang mga mata ng makita akong umiiyak. Lalapitan niya sana ako pero umatras ako agad. "D-don't."

"Queen." Sambit niya sa pangalan ko pero lalo lang akong naiyak.

"I'm done with this shit. I'm done with you." Pinilit kong patatagin ang boses ko kahit nahihirapan na ako dahil sa pag iyak. Hindi ko pinansin ang takot na nakita ko sa kanyang mga mata. "G-gawin mo na ang gusto mo. Wala na akong pakialam."

After kong sabihin iyon ay bumalik ako sa guest room. Agad kong hinanap ang cellphone ko at tinext sila Ara na sunduin ako. Laking pasalamat ko na lang ng magreply siya. Tinext ko ang address ng bahay nila Third. Nang matapos ako sa pagtext ay kinuha ko ang lahat ng gamit ko at nagmadaling lumabas. Nakita ko agad sila na sumunod pala sa akin.

"Queen." Hinawakan ako sa kamay ni King kaya napahinto ako sa paglalakad. "I-im sorry. I didn't mean it. Galit lang ako. Don't go. Ihahatid kita mamaya. Just stay." Pagmamakaawa niya.

Kung wala lang sigurong nangyari ay baka bigyan ko pa ng award ang sarili ko dahil nakita kong nagmamakaawa sa harapan ko ang hari. Ang kaso wala na talaga akong pakialam. Inalis ko sa kanya ang aking tingin kasabay ng pagtanggal ko sa kanyang kamay na nakahawak sa akin. Tinignan ko si Third na ngayon ay mukhang nag aalala. Hindi ko nga lang sigurado kung para sa akin o para sa kaibigan niya.

"I'm sorry for ruining your birthday this year Third." Pinilit ko pa siyang nginitian.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

We're here..

Basa ko sa text ni Ara kaya nagmadali na akong bumaba. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi na ako lumingon pa.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now