Chapter 35

1.7K 69 25
                                    

* Queenie's PoV

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ding reaksiyon si Sean. Nakatitig lang siya sa akin kaya napasimangot tuloy ako.

"Huy!" Pagtawag ko sa atensyon niya.

"C-can you say it again?" Nauutal pang sabi niya kaya napangiti ako ulit.

"I love you too babe." Malambing kong sabi at natawa na talaga ako ng makitang namumula pa siya.

"You mean it right?"

"Oo naman. Siguro hindi pa ganoon katindi. I mean, hindi pa kapantay ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya pero mahal kita. You can still wait right? Hanggang sa matapatan ko na yung pagmamahal na ibinibigay mo sa akin." Sincere kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko din siya.

"You have no idea how you made me happy today babe." Sabi niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Sapat na sa aking malaman na mahal mo din ako."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

Seven o'clock ng gabi ng sunduin ako ni Sean para pumunta sa bar kung saan icecelebrate ni Clyde ang birthday niya. Kotse ang dala niya ngayon. Nagsuot lang ako ng maong pants, white t-shirt at rubber shoes. Surprisingly ay ganoon din ang suot ni Sean. Dinaanan na din namin sila Yuki at Ara sa bahay nila.

May nakita akong boutique kaya naisipan kong bumili ng ireregalong damit kay Clyde. Wala na kasi akong ibang maisip kaya damit na lang.

Nang makarating kami sa bar ay marami na ang tao. Hinawakan agad ni Sean ang aking kamay para daw hindi ako makawala. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Queenie! Sean!" Napangiti kami ng makita namin sila Clyde. Nasa iisang table sila at syempre nandoon si King na ngayon ay may kasamang ibang babae. Hindi siya yung babaeng nakita kong kasama niya kanina.

"Happy birthday Clyde." Bati namin at inabot ko ang regalo.

"Wow. Thanks. Nag abala pa kayo."

"Happy birthday Papi Clyde!" Natawa kami kay Yuki ng yakapin niya pa si Clyde. Natatawa na lang din ang birthday boy na mukhang nakainom na.

Binati na din namin ang iba at ganoon din sila. Naupo na kami at agad uminom sila Yuki at Ara.

"Inom na baks!" Aya nila sa akin pero umiling ako.

Okay na sa akin ang shake ko. Hindi ako umiinom ng alak at ayaw kong subukan pa.

"Ikaw? Okay lang sa akin kung gusto mong uminom." Sabi ko kay Sean dahil juice lang ang iniinom niya.

"I'll be driving you home tonight so i won't drink." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako.

"Good boy ha." Pagpaparinig ni Ara. "Naku baks! Perfect boyfriend na talaga iyang si Sean." Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin sa amin ang lahat.

Napaiwas agad ako ng tingin ng makitang nakatingin din sa amin si King.

"Tumigil ka nga. Nakakahiya." Bulong ko sa kanya.

Umismid lang siya at muling uminom. Ito ang ayaw ko kay Ara kapag umiinom eh. Nagiging madaldal masyado.

Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga bisitang dumadating. Hindi ko akalain na ganito pala ka-friendly si Clyde.

"Hi King." Napatingin ako sa babaeng bagong dating at agad ko siyang nakilala.

Lalaine..

Agad siyang lumapit kay King at hinalikan ito sa pisngi. Sunod siyang napatingin sa akin at nakita ko ang pagngisi niya.

"I knew it." Natawa siya ng mahina at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni King. "Sabi ko na nga ba hindi kayo magtatagal." Umiling iling siya sa akin.

Inalis na niya ang tingin sa amin at binati na si Clyde. Ininom ko ang shake ko at kinain ang beef tenderloin na inabot ni Third kanina.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Sean sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

"Sayaw tayo?" Tanong niya at ngayon ko lang napansin na iba na pala ang tugtog.

Nakangiti akong tumango sa kanya. Nagpaalam kami sa kanila na sasayaw na muna kami. Nanguna pa sa pagkantiyaw sila Ara at Yuki na inilingan ko na lang.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu