Chapter 17

2.2K 106 24
                                    

* Queenie's PoV

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya nanatili na lang akong tahimik at nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nandito siya sa harapan ko at umamin na gusto ako. Masaya ako pero natatakot din. Natatakot ako sa pwedeng mangyari at kahihinatnan pagkatapos ng gabing ito.

Will it lasts?

Paano kung hindi naman siya sigurado? Paano kung akala niya lang pala ay gusto niya ako? Paano kung naguguluhan lang pala siya? Ang dami kong tanong pero hindi ako makapagsalita. Para bang napipi ako.

Nakita kong napatingin siya sa labi ko. Unti unti siyang lumapit sa akin. Dapat ay umiwas na ako pero pumikit ako at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa akin.

Ganito pa din yung pakiramdam. Ganitong ganito pa din katulad nung una niya akong hinalikan. The electricity. The feeling of being loved. But now I'm feeling the magical moment.

Sinasabi ng isip ko na itulak ko na siya palayo pero gusto ng puso ko ang paghalik niya sa akin. Unti unti siyang gumalaw at sinundan ko lang siya. Nang halos kapusin na kami ng hininga ay humiwalay siya at pinagdikit ang mga noo namin. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman siya.

"I like you Queenie. So much." Pabulong niyang sabi.

But is that enough?

Pwede na bang maging dahilan na gusto niya ako para itaya ko ang puso ko? Paano kung hindi niya ako mahalin?

But he said his so close in falling for me right?

Napadilat ako at nakitang titig na titig siya sa akin.

"I like you too King." Halos hindi ko marinig ang boses ko ng sabihin ko iyon. Mas nangibabaw kasi sa aking pandinig ang malakas na tibok ng puso ko.

-------------

Siguro kung nakakatunaw lang ang mga titig ko ay kanina pa nalusaw si King. Simula kagabi ay palagi na siyang nakangiti. OA man but even his eyes is smiling too at ganun siya ngayon. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya at papasok na sa school. Kanina pa siya ngiting ngiti. Nagmumukha na siyang baliw but i love seeing him like this.

"Stop staring at me okay." Sabi niya pero natatawa naman siya. "Nahihiya ako."

Napangiti na lang din ako. Nakakahawa kasi ang mga ngiti niya.

"Then stop smiling. You look creepy." Pang aasar ko sa kanya.

"I look handsome." Natatawang sagot niya at napailing na lang ako.

Napatingin ako sa labas ng bintana at napangiti. Hindi ko din alam kung ano ang nangyari pero kami na. After kong sabihin na gusto ko din siya ay official na daw kami. Sinabi ko pa nga na ligawan niya muna ako pero ang sabi niya he can do that everyday but he wants the title. The title of being my boyfriend.

Nabalik ang tingin ko sa kanya ng hawakan niya ang aking kamay at hinalikan.

So sweet!

"Tayo na ang magpartner sa project natin ha. Sabihin mo sa transferee na yun na si Third na ang bago niyang partner."

"What? Ayaw ko. Isa pa, siya na ang nakalista na partner ko and he's a friend you know." Pagtutol ko.

"Are we going to argue about this?" Nawala na ang masaya niyang aura kanina.

"Kung hindi mo ipipilit ang gusto mo ay hindi na natin kailangang magtalo pa. King, girlfriend mo na ako ngayon. You have the assurance. Isa pa, project lang yun. It's not like you're going to lose me kapag hindi tayo ang nagpartner doon." I just don't like the idea.

Pakiramdam ko kasi masasakal ako kapag ganoon at ayaw kong iyon ang maging dahilan para matapos agad kung anoman ang mayroon kami ngayon. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi sa lahat ng bagay ay kailangan magkasama kami at hindi din palagi ay siya ang dapat masunod.

"Fine. I don't want to ruin our first day because of this." Sabi niya pero alam kong hindi pa din okay sa kanya iyon.

Nang makarating kami sa school at makababa sa kotse ay agad kaming pinagtinginan ng mga estudyante. Yung iba ay gulat na gulat ng makitang magkasama ulit kaming dalawa. Naririnig ko din ang mga bulungan nila pero hindi ko na lang inintindi.

Nakaakbay sa akin si King habang nakasabit sa kaliwang balikat niya ang bagpack ko.

"Parang gusto kong manapak ngayon." Sinamaan ko siya ng tingin. Nagsisimula na naman siya. "Hindi ko gusto ang tingin sayo ng mga lalaking yan."

Napailing na lang ako. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.

"Don't be too possessive okay?" Inunahan ko na siyang maglakad. Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

Literal na tumigil ang paggalaw niya. Nakatitig lang siya sa akin at bahagyang nakaawang ang bibig.

Too possessive but too cute..

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now