Chapter 27

1.7K 75 20
                                    

* Queenie's PoV

Tahimik lang ako habang tinatandaanan ang mga lugar na dinadaanan namin. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito kaya kinakabisado ko talaga kung saan kami dumadaan.

Pasimple kong tinignan ang lalaking kasama ko ngayon. Relax na relax lang siya habang nagmamaneho. Akala mo wala siyang race mamaya.

Bigla ko tuloy naalala si King. Hindi ko man lang siya napanood kahit isang beses. Kung alam ko lang na maghihiwalay din kami agad ay nagpumilit sana akong sumama sa kanya noon para kahit papaano ay napanood ko siya.

"By the way, what's your name?" Muli akong napatingin sa kanya ng magsalita siya.

"Queenie. Ikaw?"

"I'm Kurt." Napatango tango ako. "Where are you studying?"

"Sa Montecarlo University."

"Really?" Mukhang nagulat siya sa narinig. Mukha bang hindi ko afford doon? "So, kilala mo si King?" Ako naman ang nagulat ngayon. Kilala niya si King? Gaano ba kasikat yun?

"Oo. Classmate ko siya." Simpleng sagot ko.

"Wow. Kilala mo pala ang tukmol na yun." Natatawang sabi niya.

"How did you know him?" Nagtatakang tanong ko.

"He's my cousin." Hindi na ako ulit nakapagsalita ng sabihin niya iyon.

Pinsan niya si King? Paano kung nandoon din si King sa pupuntahan namin para suportahan ang pinsan niya? Oh my god. I'm not ready to see him tonight. Nagsabi ako kay Kurt na uuwi na lang ako pero hindi niya ako hinayaan. Una ay dahil may utang pa daw ako sa kanya at pangalawa ay delikado daw dito sa lugar na ito.

Nang makarating kami sa lugar kung saan ang racing nila ay bumungad sa akin ang napakaraming tao. Gusto ko sanang itanong kung nandito sila King pero hindi ko na itinuloy dahil baka mag isip pa siya ng iba.

"Ang daming tao. Ilan ba kayong participants?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga tao. Ipinaparada pa niya ng maayos ang kotse kaya hindi pa kami bumababa.

"If I'm not mistaken 18 yata?" Hindi siguradong sagot niya. "Kilala mo naman siguro sila Clyde at Ryan di ba? Kasali din sila." Lalo akong nagpanic ng marinig ang pangalan nila Clyde at Ryan. It means nandito nga sila King! What should i do? "Si King ang isa sa judges kaya for sure makikita mo siya."

Hindi ako agad nakababa ng bumaba siya. Kung hindi niya pa ako pagbubuksan ng pintuan ay wala akong balak na lumabas. Thinking that i might see King outside makes me want to run. Anong sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit ako nandito sa lugar na ito? Magagalit ba siya sa akin?

"Hey." Napatingin ako kay Kurt ng akbayan niya ako. "You look tensed. Parang ikaw tuloy ang may race." Natatawang sabi niya. "Just relax okay?"

Napalunok ako ng magsimula na kaming maglakad. Naghiyawan ang mga tao ng makita siya. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niyang nakaakbay sa akin pero hindi ko na nagawa dahil nakatuon ang aking atensiyon sa lalaking seryosong nakatingin sa amin habang naglalakad kami palapit sa kanila.

"Hey cous!" Masayang bati ni Kurt sa kaniya pero nasa akin pa din ang kanyang tingin.

"Queenie?" Nagtatakang tanong ni Third. "What are you doing here?"

Napayuko ako ng makita ang gulat at pagtataka sa mukha nilang lahat ng makita ako.

"May kasalanan sa akin itong claasmate niyo kaya isinama ko." Nakangiting sagot ni Kurt. "Hey cous! Stop staring at my date for tonight okay. Baka matakot siya."

Nakuha niya ang atensiyon ni King ng sabihin niya iyon.

"Date?" Seryosong ulit niya.

"Yes. So, kindly entertain her for me guys? Mag bibihis lang ako." Napatingin ako sa kanya ng tignan niya ako. "Stay here okay? Don't you dare to runaway. Just wait me here at ihahatid kita."

Nagpaalam siya muli kina King bago tuluyang umalis.

"Dito ka maupo Queenie." Naiilang na sabi ni Wayne.

Naupo na lang ako ng tahimik.

"Saan kayo nagkakilala ni Kurt?" Tanong ni Third.

"Sa mall. Aksidente kong natapunan ng ice cream yung damit niya." Nahihiyang sagot ko.

"And then sumama ka na sa kaniya? Paano kung masamang tao pala siya? Paano kung may gagawin pala siyang masama sayo?" Galit na tanong ni King. "Paano kung mapahamak ka? Paano kung may mangyari na namang masama sayo?"

Hindi ko magawang magsalita. Titig na titig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. I want to hug him and tell him that I'm fine. Gusto kong sabihin na wag na siyang mag alala pero hindi ko magawa. I want to tell him to take me back. Gusto ko na lang sabihin na kami na lang ulit. Na iwan niya si Nancy. Na handa na akong ipaglaban siya pero natatakot ako na baka nahuli na ako.

Na baka hindi na niya ako mahal..

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon