Chapter 17

1.5K 57 6
                                    

* Queenie's PoV

Si King na ang naghatid sa akin pauwi pero imbes na sa bahay namin ay dumiretso kami sa kaniyang condo unit. Hindi na ako pumalag dahil wala na din naman akong lakas. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay wala na akong oras para tumanggi pa.

"I already called your parents. Sinabi ko na dito ka muna magstay habang patuloy pa ang imbestigasyon." nakatingin lamang ako kay King habang nagsasalita siya. "Pinakuha ko na sa driver ni Dad yung mga gamit mo." huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. "Are you okay baby loves? I'm sorry pero gusto lang kitang makasama. Hindi ako matatahimik hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang lalaking yun."

Nagluto siya ng dinner namin habang ako naman ay naghalf bath muna. Dumating na din kanina yung mga damit ko at nakausap ko na din sila Mama.

Nang lumabas ako sa kwarto ni King ay nakasuot na ako ng aking pantulog.

"Let's eat." nakangiting sabi niya ng pumasok ako sa kusina.

Tahimik akong naupo at pinapanood ang bawat galaw niya. Sinigang na baboy ang niluto niya at amoy na amoy ko ang asim noon. Bigla tuloy akong natakam. Palagi akong pinagluluto ni King at masarap iyon. Ni minsan ay hindi ko nagustuhan ang pagkaing niluluto niya para sa akin.

Nang umupo siya sa aking tabi ay siya na din ang naglagay ng kanin sa aking plato. Nilagyan din niya ako ng ulam sa mangkok bago niya inasikaso ang sarili niya.

"Kain na." nginitian niya ako kaya napangiti na lang din ako.

"King." agad siyang tumingin sa akin ng tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Yung lalaki kanina at yung kasama ko noong maaksidente ako, tingin mo ba ay iisa lang sila?"

Natahimik siya ng marinig ang aking tanong at nag isip saglit. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang aking kamay.

"Yes. Nireview namin yung CCTV noong araw na mawala ka at parehong tao sila."

"May nakaaway ba ako dati? Gusto ba niya akong patayin?"

"I really don't know baby loves. Sa ngayon ay hintayin na lang muna nating matapos ang imbestigasyon at mahuli yung lalaking yun."

Natahimik ako pagkatapos noon. Kung sana ay hindi nawala ang alaala ko ay malalaman ko agad kung sino ba ang may galit sa akin. Hindi din kasi ako sinasagot nila King at kung sasagot man ay palaging wala ang sinasabi nila. Wala daw akong kaaway pero bakit may nagtangka sa buhay ko? Bakit may gustong pumatay sa akin?

Nakahiga na ako sa kama ni King habang naliligo naman siya. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong kinabahan. Simula noong mawala ang alaala ko ay ngayon lang kami magkakatabi sa pagtulog. Noon ba ay nakatabi ko na siyang matulog? Bigla tuloy akong nailang. May.. may nangyari na ba sa amin? Namula ang aking mukha dahil doon.

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng CR at ang paghakbang ni King. Amoy na amoy ko kung gaano siya kabango. Kahit naligo na ako kanina ay parang gusto ko ulit maligo para mapantayan ang bango niya.

Pigil ang aking hininga ng maramdamang humiga na siya sa aking tabi. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko alam kung nakapikit na din ba siya.

"Good night baby loves. I love you." bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang aking ulo.

Hindi ako nakasagot dahil nahihiya ako. Teka. Bakit ka ba nahihiya Queenie? Fiance mo na siya. Balang araw ay makakatabi mo na siya araw araw kaya dapat ngayon pa lang ay sanayin mo na ang sarili mo.

Dahan dahan akong humarap sa kanya at nagulat ng makitang gising pa siya at nakatingin sa akin. Nginitian niya ako at hinila palapit sa kanya. Niyakap niya ako at inunan ang aking ulo sa kanyang braso.

"Naiilang ka ba?" mahina niyang tanong na ikinatango ko. "Dapat masanay ka na. Kapag ikinasal na tayo ay araw araw at gabi gabi mo na akong makikita at makakatabi sa kama."

Namula na naman ang aking mukha.

"M-may nangyari na ba sa atin?" nahihiya kong tanong.

Naramdaman kong nagulat siya sa aking tanong. Lumayo siya sa akin pero nakayakap pa din ang braso sa aking baywang.

"Why did you ask?" gulat niyang tanong.

"Wala lang." nahihiya kong sagot.

"Wala. Wala pa. I respect you so much kaya hihintayin ko ang honeymoon natin."

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now