Chapter 10

1.3K 56 5
                                    

* Queenie's PoV

Tatlong linggo na din ang lumipas mula ng makalabas ako sa hospital. I still can't remember anything pero napag isip isip ko na hindi ko na muna ipipilit iyon sa ngayon.

I want to make new memories with my love ones. Yun ang mas importante sa akin ngayon.

"Ay bakla! Infairness ha! Gumagaling ka na magluto." natawa ako sa sinabi ni Ara. "Ihahatid mo sa opisina ni King?" tanong niya.

Nandito kami sa bahay at naisipan kong ipagluto ng lunch si King. Katatapos ko lang magluto ng beef steak na itinuro niya.

"Yup. Palagi kasing nagpapadeliver yun kaya naisipan kong dalhan siya ng lunch." nakangiting sagot ko habang inilalagay sa lunch box ang kanin at ulam na niluto ko.

"Sweet sweet! Kaya love na love ka ni King eh." tinawanan ko lang si Ara pero sa loob ay kinikilig ako.

"Thank you sa pagturo sa akin ha."

"Wala yun baks! Ikaw pa ba?"

Nang matapos ako sa paghahanda ay naligo na din ako. Si Ara naman ay umalis na dahil may pasok pa siya.

Ngiting ngiti ako habang nakasakay sa taxi. Suot ang red dress na binili ni King sa akin last week ay handang handa na akong makita siya. Kanina pa siya nagtetext at tumatawag pero hindi ko sinasagot dahil gusto ko siyang isurprise.

"Ma'am Queenie!" gulat na bati ng guard. "Alam po ba ni Sir na pupunta kayo?"

"Hindi. Wag mo ng itawag sa office niya. I want to surprise him." nakangiting sabi ko.

"Naku Ma'am, magagalit si Sir kapag nalamang nagtaxi lang kayo."

Nginitian ko lang ang guard at naglakad na ulit. Binabati at nginingitian ko din ang mga empleyadong nakakasalubong ko.

Wala ang secretary niya sa table nito sa labas kaya dumiretso na ako sa office ni King. Hindi na ako kumatok at binuksan na lang basta ang pintuan.

"Hel.." natigil ako sa pagsasalita at unti unting nawala ang aking ngiti ng makitang may kausap siyang babae.

"Baby loves." gulat na tawag sa akin ni King.

Nanatili ang aking tingin sa babaeng kausap niya. Maganda ito at halatang anak mayaman. Mukhang hindi din nalalayo ang edad sa amin. Nakared dress din siya pero masyadong revealing. Maikli ito masyado at kitang kita ang cleavage niya.

Napatingin ako sa suot ko. Mahaba ito at hanggang tuhod. Ang manggas naman ay hanggang siko at wala ding nakikita sa bandang dibdib.

Nabalik ang tingin ko sa harap ng maramdamang lumapit na sa akin si King.

"Sana sinabi mong pupunta ka. Pwede naman kitang sunduin." masuyong sabi niya. "Di ba sabi ko wag kang aalis mag isa?"

Napalingon kami sa babae ng umubo ito.

"I'll be back tomorrow King. Bukas na lang natin pag usapan yung tungkol sa project." nginitian niya kami bago tuluyang lumabas.

Nang maisarado ang pintuan ay hinawakan ako sa siko ni King para sana alalayan paupo pero tinanggal ko iyon. Bigla akong nainis at hindi ko alam kung bakit.

"Baby loves, what's wrong?" naguguluhang tanong niya.

"Sino yun?" dinig ko ang pagkairita sa aking boses.

"That's Cindy. Anak ng isa sa mga shareholders ng kumpanya. May bago kasing project at siya ang nakaasign." sagot niya habang nakatitig sa akin.

"At kailangan ganun ang suot?" inis na tanong ko pa.

Nawala ang pagkagulo sa kaniyang mukha at napalitan ng tuwa. Mas lalo lang akong nairita dahil doon.

"Are you jealous baby loves?" bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha na lalong nagpairita sa akin kung posibleng may mas ilala pa itong nararamdaman ko.

"Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ganoon ang suot nun? Ganun ba ang gusto mo? Yung kita na ang kaluluwa kung manamit? Kung ganun pala ang gusto mo bakit ganitong damit ang binili mo sa akin? Dahil ba wala naman akong maipagmamalaking dibdib ha?" sunud sunod kong tanong.

Saglit siyang natigilan pero ng makabawi ay agad ding ngumisi. Magsasalita sana ulit ako pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan. Sa sobrang gulat ko ay kahit humiwalay na siya heto ako at tulala pa din.

"I miss your jealous side baby loves but I hate it when you're thinking that way." hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako. "Hindi ko alam kung bakit ganun ang suot niya. And no, I don't like to see you wearing that kind of dress because I want your body for me. Ako lang ang makakakita pagkatapos ng kasal natin." pinamulahan ako ng mukha dahil sa kaniyang sinabi. "God! You're making me crazy my Queen."

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now