Epilogue

2.2K 58 13
                                    

Five years later..

"Prince! Bitawan mo yan! Marumi yan anak!" sigaw ko habang naglalakad palapit sa panganay namin na si Prince Yuan.

Nahihirapan na din akong maglakad dahil sa bigat ng tiyan ko. I'm seven months pregnant with our second child.

"Mommy! Na flat yung gulong ng bike ko." sumbong sa akin ni Prince ng makalapit ako sa kaniya.

"That's why don't touch it. Marumi yan ang tamad mo pa namang maghugas ng kamay."

Prince is now four years old. Kamukhang kamukha niya si King at nagmana din ang ugali sa kaniyang ama. Bata pa lang ay suplado na sa ibang tao.

"I want to ride my bike, Mommy." pagmamaktol niya.

"We'll just wait for Daddy okay? Siya ang mag aayos pagdating niya."

Nakatira kami sa bahay na pinagawa ni King noong nagpropose siya sa akin. Nagulat nga ako dahil after ng kasal namin ay dito kami dumiretso. Maganda at malaki ang bahay na pinagawa niya. Hindi ko na tinangka pang tanungin kung magkano ang nagastos niya dahil baka malula lang ako sa presyo. Isama mo pa yung mga mamahaling gamit.

May kinuha siyang dalawang guard at isang maid para daw may makatulong ako sa paglilinis. Ayaw ko nga sana dahil kaya ko naman pero ipinilit niya lalo na noong pinagbuntis ko si Prince.

Sa limang taon na pagsasama namin ni King ay hindi siya nagbago. Nagkakaroon kami ng mga hindi pagkakaunawaan pero naaayos din naman agad. Hindi siya pumapayag na matapos ang buong araw na magkagalit kami.

"Daddy!"

Sinundan ko ng tingin si Prince ng tumakbo siya palapit sa gate para salubungin ang kaniyang ama. Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan dito sa main door.

"Daddy! Naflat ang gulong ng bike ko!" dinig kong sumbong ni Prince habang naglalakad sila palapit sa akin.

"Okay. I'll fix it, okay?" ginulo ni King ang buhok ng kaniyang anak na ikinasimangot nito. Natawa na lang kami pareho sa aming anak.

"Hi baby loves." hinalikan niya ako sa labi. "How's your day?"

"I'm fine." nakangiting sagot ko.

Hinalikan din niya ang malaking tiyan ko.

"Hi buddies! Daddy's home."

Right. Buddies dahil kambal na lalaki ang ipinagbubuntis ko ngayon.

"I love you baby loves." hanggang ngayon ay bumibilis pa din ang tibok ng aking puso dahil sa kaniya.

"I love you too."

Kuntento na ako sa ganitong buhay kasama siya. Hindi ako magsisisi na sa kaniya ko binigay lahat. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na kami ang priority niya. Kahit minsan ay pagod siya galing sa trabaho tapos may hihilingin ako sa kaniyang pagkain na pinaglilihian ko ay hindi ko siya narinig na nagreklamo. I really love him.

"You're being cheesy again." sabay kaming napatingin kay Prince na ngayon ay nakasimangot sa amin.

Natawa na lang ako at niyakap ang aking mag ama.

This is the kind of life I always wanted. This is my family.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon