Chapter 36

1.7K 69 28
                                    

* Queenie's PoV

Nang makarating kami sa dance floor ay agad akong hinawakan ni Sean sa aking baywang. Iniangkla ko naman ang aking kamay sa kaniyang leeg at nagsimula kaming sumayaw ng dahan dahan.

"You're so beautiful babe." Nakangiting sabi niya ng magsimula na kaming magsayaw.

Hinampas ko siya ng mahina sa kaniyang dibdib at natawa.

"Bolero." Naiiling ngunit natatawang sabi ko.

Bumuntong hininga siya at nagseryoso.

"I just can't imagine my life without you." Seryosong sabi niya.

Tinitigan ko siya ng mabuti sa kaniyang mga mata. Kahit sinabi ko ng mahal ko siya ay naroon pa din yung takot at pangamba niya. I want to make him so sure about us. I don't want him to doubt my feelings again. Nasasaktan kasi ako kapag ganoon.

Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin o gawin para mapanatag na siya.

Totoong mahal ko na si Sean. Katulad nga ng sinabi ko sa kanya na hindi man kasing lalim ng ibinigay ko noon kay King ay alam kong darating din ako sa puntong iyon.

Basta ang alam ko siya ang mahal ko ngayon..

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nginitian.

"Edi wag mo na akong pakawalan kung ganun." Biro ko. Natawa na din ako ng makitang tumawa siya.

"Kaya mahal kita eh." Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

"What the fuck King!" Napahiwalay kami ni Sean sa isa't isa ng marinig ang boses ni Clyde.

Tumigil din ang music at parang may dumaang anghel ng tumahimik ang buong lugar.

Hindi naman kalayuan ang table nila mula dito sa kinatatayuan namin kaya nakita kong nakaupo na sa sahig si Clyde at hawak ang kanyang panga. Inalalayan siya ni Wayne na makatayo. Nasa gitna naman sila Ryan at George na handa na ding umawat. Nalipat ang aking tingin kay King na ngayon ay hawak nila Third at Noah na para bang pinipigilan nila ito sa muling pagsugod kay Clyde.

"You know that I'm coming Clyde!" Mariin na sabi ni King. "You shouldn't have invited them!" Sigaw niya.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng kaba. Naramdaman kong hinigpitan ni Sean ang hawak sa aking kamay pero hindi ko magawang ialis ang aking paningin kay King.

"What the hell King?" Tanong ni Clyde. "They're my friends." Kalmado ngunit mariin na sabi niya.

"King, just calm down please. Birthday ni Clyde." Dinig kong sabi ni Noah.

"Yun na nga eh!" Nagpumiglas si King sa pagkakahawak nila Third at Noah at nagtagumpay naman siya. "He promised me! He promised me na magsasaya tayo buong gabi. That i can forget everything just for tonight!" Natawa siya ng mahina at nanlambot ang aking tuhod ng ituon niya sa akin ang kanyang nakakatakot na tingin. "Are you enjoying the night?" Diretso at puno ng hinanakit niyang tanong sa akin. "Masaya na ba kayo na nasasaktan ako? This is bullshit!" Hahakbang na sana ako palapit sa kanya para pakalmahin siya pero umalis na siya.

Naiwan na lang akong nakatulala sa kanyang likod hanggang sa mawala na siya ng tuluyan sa aking paningin.

Hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi nila Third. Basta ang tanging naririnig ko na lang ay sorry at ang pangalan ni King.

Nasaan na kaya siya? Is he okay? Nakauwi na ba siya? Is he safe? Mukhang lasing na siya kanina at kung nagdrive siya ay sana okay lang siya.

Naramdaman ko na may pumisil sa aking kamay. Tinignan ko kung sino ito at nakaramdam ako ng guilt ng makita si Sean. How can i forget him and think another man?

"Are you okay? You want to go home?" Nag aalalang tanong niya.

How can i be so concern about King habang hindi ko man lang iniisip kung okay lang siya? Kung ano ang mararamdaman niya?

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Sean pero saglit lang iyon dahil agad din siyang ngumiti.

"Baka matunaw ako ha." Pagbibiro niya pero hindi ko man lang magawang ngumiti.

Anong klaseng girlfriend ako? Bakit hinahayaan ko siyang masaktan dahil sa ibang lalaki? I don't deserve him. Masyado na akong maraming pagkakamali at kasalanan kay Sean. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako, ingatan, pasayahin. Tinanggap niya ako noong mga panahong durog na durog ako dahil iniwan ako ni King. Minahal niya ako ng buo kahit walang kasiguraduhan kung maibabalik ko ba iyon.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now