Chapter 28

1.8K 76 45
                                    

* Queenie's PoV

Hindi na ako nakapagsalita nang may tumawag kay King dahil magsisimula na daw ang race. Tahimik na lang kaming nanood. Kahit sila Third ay tutok din ang atensiyon sa laban dahil nandoon din sila Clyde at Ryan. Narinig ko pa nga na nagpustahan sila.

Kahit gusto kong manood at magfocus ay hindi ko magawa dahil palagi akong napapatingin sa kinauupuan ni King. Seryoso lang siyang nanonood pero nakakunot ang kanyang noo. Ano kayang iniisip niya?

"Wala pa din talagang kupas si Kurt. It's been two years since his last game right?" Dinig kong tanong ni George sa mga kaibigan niya.

"Ano pa nga bang aasahan natin eh nasa dugo na yata nila King yan." Sagot ni Wayne.

Ngayon ko lang napansin na wala si Noah. Kinalabit ko si Third para magtanong.

"Si Noah?"

"Hindi nakasama eh. Masakit daw ang tiyan." Sagot niya.

Binalik ko ang aking tingin sa malaking screen para makita ang mga manlalahok. Nangunguna si Kurt at halos magkasabay lang sa pangalawang pwesto sila Clyde at Ryan.

"CR lang ako." Paalam ko kina Third at tumayo na.

"Samahan na kita." Alok niya at tumayo din siya.

"Hindi na. Manood ka na lang dito." Nakita kong nagkatinginan silang tatlo nila George at Wayne kaya nagsalita ulit ako. "Saglit lang naman ako. Babalik ako agad." Nakangiting sabi ko. Nakakahiya naman kung magpapasama pa ako. Mukhang gustong gusto nilang manood kaya ayaw ko ng makaabala pa.

"Fine." Napabuntong hininga si Third. "Just be back safe. Kami ang malalagot doon sa magpinsan."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Paano naman sila malalagot eh wala naman na kami ni King. Baka si Kurt pwede pa dahil siya naman ang nagsama sa akin dito. Talagang malalagot siya kina Daddy kapag hindi niya ako naiuwi ng buhay.

Hindi naman din ako nahirapan maghanap ng CR dahil may nakita na ako kanina habang nagpapark pa si Kurt. Nang matapos ako ay palabas na sana ako pero biglang namatay ang ilaw. Sa sobrang takot ko ay nagmadali akong lumabas pero bago ko pa maabot ang pintuan ay bumukas na ito at biglang may yumakap sa akin.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino ito dahil kilalang kilala ko na ang kaniyang amoy. Parang maiiyak ako ng maramdamang muli ang yakap niya.

This is my home.

"I missed you so bad baby loves." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko na siya pabalik dahilan para higpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. "I missed you so fucking much." Ulit niya pero ngayon ay pabulong na.

"I missed you too King." Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay ang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry for letting you go." Naiiyak kong sambit. "Pwede bang ako na lang ulit? Please take me back."

"Shh." Hinaplos niya ng dahan dahan ang aking buhok. "You don't have to beg Queen. It's always been you. Hindi ka napalitan at hindi ka mapapalitan kahit kailan. You're my only Queen."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. I missed him so much. Parang hindi ko na kakayanin kapag nahiwalay pa ulit ako sa kanya. I know I'm being selfish pero gusto ko ng ipaglaban ang relasyon namin. Kung tututulan man kami ng Daddy niya ay wala na akong pakialam. I'll trust King from now on. Hindi ko na siya bibitiwan ulit tulad ng ginawa ko.

Sasamahan ko siyang ipaglaban ang relasyon namin.

"I love you Queen." Sabi niya ng maghiwalay ang aming mga labi.

"I love you too King." Nakangiting sabi ko.

Nginitian niya din ako at niyakap ulit ng mahigpit. Hindi naman masyadong halata na namiss niya ako no. Nang makalabas kami ay agad niya akong inakbayan.

"I must thank Kurt for bringing you here." Nakangiting sabi niya.

"Hindi ba ako muna dapat ang pasalamatan mo dahil sumama ako?" Natatawang tanong ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Hindi ko pinansin ang kakaibang tingin ng iba sa amin.

"Wow." Gulat na sabi ni Third ng makabalik kami sa pwesto ko. "Nag CR lang may balikan na agad na naganap?"

Pareho kaming natawa ni King sa sinabi niya. They all congratulated us. Masaya sila para sa amin at masaya din ako dahil suportado nila kami. Hinalikan ulit ako ni King bago siya bumalik sa pwesto niya dahil hindi pa naman tapos ang race.

Nang matapos ang race ay ako lang yata ang nagulat ng si Kurt ang manalo. Parang alam na alam na kasi nila Third na siya ang mananalo.

"Wow. Congrats." Nakangiting bati ko kay Kurt ng ayain ako nila Third na lumapit sa kanya dahil napalilibutan na siya.

"How about we celebrate tomorrow night since may pasok kayo bukas at bawal magpuyat?" Nakangiting tanong niya sa amin at inakbayan ako. "Come with us Queenie."

"Yes she'll come, so you can now take your hands off of her." Seryosong sabi ni King sa pinsan niya.

"And why?" Natatawang tanong ni Kurt. Imbes na bitiwan ako ay hinigpitan pa niya lalo ang pagkakaakbay sa akin. "You're taken man. You and Nancy will announce your engagement next week right?"

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now