Chapter 25

1.7K 82 25
                                    

* Queenie's PoV

It's been two weeks since i last saw King. Ang huling pagkikita namin ay yung araw na nakipaghiwalay ako. Hindi ko mapigilan ang hindi mag alala. Is he okay? Gusto kong tanungin sila Noah pero nahihiya ako dahil alam kong kasalanan ko kung bakit hindi siya nagpapakita ngayon. Ayaw ko mang aminin pero namimiss ko siya. Kahit makita ko lang siya ay okay na sa akin. Kahit makita ko lang siya mula sa malayo ay sapat na sa akin. Masigurado ko lang na okay siya ay okay na din ako.

"Baks, are you sure you okay?" Tipid kong nginitian si Yuki ng makita ang nag aalalang mukha niya.

"I know you're hurt." Malungkot na sabi ni Ara. "Alam mo namang nandito lang kami di ba?"

"Of course. Kaya ko pa naman." Nagpatuloy na ako sa pagkain.

Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch. Napabuntong hininga na naman ako. Hindi na naman kasi pumasok si King kanina. Napatingin ako sa paligid ng biglang umingay ang mga estudyante.

"Oh my god! So totoo pa lang break na sila King at Queenie."

"Wow. May iba na ulit siya pero kung sa bagay hindi naman nakakagulat iyon."

"Sayang. Bagay pa naman sila."

Halos hindi ko na marinig ang ilang bulungan dahil napako na ang aking tingin kina King at Nancy na ngayon ay naglalakad papunta sa table nila Noah. Nakayuko si Nancy habang si King naman ay nakaakbay sa kanya. Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan. Ako sana yan. Ako sana yung kasama niya but i know it's too late to regret. Ito naman ang ginusto ko eh. Ito ang mas mabuting mangyari. Yung sila ang magkatuluyan at hindi kami. Agad akong nag iwas ng tingin ng manlabo ang aking mga mata. Akala ko kapag nakita ko siya ay magiging okay na ako pero hindi pala. Mas lumala pa yung sakit na nararamdaman ko.

"Cr lang ako." Paalam ko kina Yuki at agad ng tumayo ng makuha ang bag ko.

Pagdating ko sa CR ay doon ko na nailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit pala talaga pero wala akong magawa dahil ako ang nagdesisyon nito. Hindi ko siya pwedeng kunin kung kailan ko gusto.

"Well, well, well." Pinunasan ko ang aking mga luha bago tumingin sa mga bagong dating. Sila din yung mga humarang sa akin noong nakaraan. "Sabi naman sayo eh. Wag kang umasa na magtatagal kayo." Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. "Oh ano ngayon? Ikaw tuloy itong luhaan." Umiling iling siya bago ako nginisian. "Poor girl. Akala niya yata may forever sa kanila ni King."

Tumawa ulit siya bago ako itulak. Napaaray ako ng mapaupo ako sa sahig. Mabuti na lang at malinis ang mga CR dito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko at tumayo na.

"Kailangan? Hmm. Ano nga ba?" Nagkunwari siyang nag iisip at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Oh! Alam ko na." Masayang sabi niya.

May kinuha siya sa kanyang bag at nagulat ako ng maglabas siya ng gunting.

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Girls you know what to do." Nakangising sabi niya sa kanyang mga kasama.

Nagpumiglas ako ng hawakan ako ng mga kaibigan niya pero hindi ako makawala. Napaiyak na lang ako at sumigaw ng magsimula siyang guntingin ang uniform ko.

"T-tama na. Please." Naiiyak kong sambit.

Pero hindi siya nakinig sa akin. Tuwang tuwa pa siyang pinagpatuloy ang pagsira sa uniform ko.

Nakaupo lang ako sa sulok habang umiiyak. Tinawanan lang nila ako bago sila tuluyang umalis. Hindi ko alam kung bakit wala pa ding pumapasok dito. Awang awa ako sa sarili ko ngayon. Punit punit ang uniform ko kaya hindi ako makalabas. Kitang kita ang sando at short na suot ko. Hindi ko din matext sila Ara dahil wala akong load.

I wish you were here to save me King..

----------------

* Ara's PoV

Pagbalik namin sa classroom ay wala pa din si Queenie. Ang tagal namang mag cr ng baklang yun. Napairap ako ng makitang pumasok na sila King at Nancy dito at syempre kasunod nila sila Third. Napansin ko ang pagsulyap ni King sa upuan ni Queenie at ng makita niyang wala pa ang kaibigan ko ay tinanggal niya ang pagkakaakbay kay Nancy.

"Baks. Bakit ang tagal ni Queenie?" Tanong ni Yuki.

"Pabalik na din yun."

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na wala ang next teacher namin o mag aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa din si Queenie. Kanina pa namin siya tinetext pero wala siyang reply. Wala na naman sigurong load ang gaga.

"Baks. Hanapin na kaya natin si Queenie?" Nag aalalang sabi ni Yuki.

"Tawagan muna natin siya. Mahirap maghanap sa taong ayaw magpakita. Baka umuwi yun eh. May pantawag ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala eh."

Kinalabit ko ang babaeng nasa harapan ko at mabuti na lang may pantawag siya. Agad kong dinial ang number ni Queenie. Medyo matagal siya bago sumagot.

"Jusko Queenie! Mabuti sumagot ka. Nasaan ka ba bakla? Kanina pa kami nag aalala ni Yuki." Histerikal kong sabi at wala akong pakialam kung nakuha ko ang atensiyon ng iba.

"A-ara." Natigilan ako ng marinig siyang umiiyak. "H-help me please."

"Queenie? Queenie? Jusko. Sumagot ka bakla! Nasaan ka ba? Bakit ka umiiyak?" Ano bang nangyari sa kanya?

"CR." Yun na lang ang tanging sagot niya bago ako makarinig ng pagkahulog sa kabilang linya.

"Queenie! Saang CR ka.." Hindi ko na natapos ang pagtanong ng biglang may umagaw ng cellphone sa akin.

"Hello Queen. Where the hell are you? Are you okay?" Napatingin siya sa cellphone para siguro tignan kung nakaconnect pa ang tawag pero wala pa ding sumasagot kaya binalik niya sa akin ang cellphone.

Nakanganga lang kaming lahat habang nakatingin sa pintuang nilabasan ng tumatakbong si King.

-----------

Longest update so far.. Sana magustuhan niyo 🙏🙏🙏🙏

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon