Chapter 31

1.7K 69 36
                                    

* Queenie's PoV

Nang marinig ko ang kaniyang pangalan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact. It's been a year pero ganoon pa din ang epekto niya sa akin. Marinig lang ang pangalan niya ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Paano pa kaya kapag nagkita na kami ulit?

Yan ba ang naka moved on na?

He's back. So what? Ano naman ngayon kung bumalik na siya? Nagsawa na ba sila ni Nancy sa Paris kaya naisipan nilang bumalik dito?

"Hello Queenie! Still there?" Dinig kong tanong ni Ara sa kabilang linya.

"Y-yeah." Nauutal kong sagot. "Sige na. Aalis na ako."

"Okay. See you later."

Hindi na ako sumagot at binaba na ang tawag. Napaupo ako sa aking kama. Am i ready? Handa na ba akong makita siya ulit? Napapikit ako ng mariin at umiling.

Of course I'm ready. Hindi naman ako yung nagkamali sa aming dalawa. Kung mayroon mang dapat na mahiya ngayon ay siya yun. Wala akong ginawang mali. Hinintay ko siya pero siya ang hindi bumalik.

Pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili ay napagdesisyunan ko ng pumasok. Papasok pa lang ako sa gate ng university ay topic na agad ang pagbabalik ni King. Hindi ko na lang sila inintindi at binilisan ang paglalakad papunta sa room. Ayaw ko pa siyang makita agad ngayon.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng may yumakap sa akin mula sa likod. Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko na agad siya dahil ganoon pa din ang epekto niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang tatalon na palabas. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi agad ako nakagalaw.

Napapikit ako ng maramdaman ang yakap niya. Yakap niya pa lang nagkakaganito na ako agad.

Sean..

Napadilat ako ng maalala ko si Sean. This is wrong. May boyfriend na ako! Pinilit kong makawala mula sa yakap niya at nang magtagumpay ako ay agad ko siyang hinarap.

"I miss you Queen." Natawa ako ng mahina sa kaniyang sinabi.

"Really King?" Umiling ako sa kanya. "After one year babalik ka na parang walang nangyari? Bakit? Sawa ka na ba kay Nancy?"

"What are you talking about?" Kunot noong tanong niya. "Come on baby loves. Don't make this hard for us."

"Then don't make this easy for us King!" Sigaw ko. "Isang taon kang nawala tapos babalik ka na para bang kahapon ka lang umalis? Bakit hindi ka na lang bumalik sa asawa mo? Magsama kayo ng masaya at tigilan mo na ako."

Tumalikod na ako at aalis na sana pero natigilan ako sa kaniyang sinabi.

"We're not married. Hindi kami ikinasal. I stayed in Paris to help them. Iyon ang hininging kundisyon ni Dad para tigilan tayo. Para pumayag na siya sa relasyon natin. Para hindi matuloy ang kasal namin. I helped them to make their company stable again pero dahil marami ng nawalang investors natagalan kami. Pinigilan ako ni Dad na kumontak sa inyo kaya hindi kita natawagan. Staying there feels like I'm staying in hell." Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "God knows how much i missed you Queen. Gustong gusto ko ng tumakas. Gustong gusto na kitang balikan. Gusto ko ng bumalik dito pero bantay sarado ako ni Dad. Inisip ko na lang na pagtapos nito ikaw na ang makakasama ko kaya kinaya ko. I love you so much Queen." Dinig ko ang bawat sakit at hirap sa kaniyang boses habang sinasabi iyon pero wala na akong magagawa.

Hinarap ko siya at tulad ko ay umiiyak din siya. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin.

Pero hindi na pwede..

"I'm sorry but you're already too late King."

Tinalikuran ko na siya at lumayo na sa kanya. Akala ko okay na ako pero hindi pa pala. Akala ko hindi ko na siya mahal..

Pero mahal ko pa din pala siya..

"Queenie?" Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Noah.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

"A-ang sakit N-noah." Umiiyak kong sabi. "M-mahal ko pa din siya."

I feel sorry for Sean. He doesn't deserved this. He doesn't deserved me. I don't deserved him.

Wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Ni minsan hindi niya ako sinaktan pero heto ako at gumagawa ng kasalanan sa kanya. Kami na pero may mahal akong iba. Kami na pero umiiyak pa din ako dahil sa ibang lalaki.

I'm sorry Sean..

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now