Chapter 18

1.1K 42 6
                                    

* Queenie's PoV

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si King sa aking tabi. Naririnig ko ang ingay sa kusina kaya siguro ay nagluluto na siya.

Talagang maswerte ka sa kaniya, Queenie. Imbes na ikaw ang maagang bumangon para makapaghanda ng almusal ay siya itong gumagawa.

Kahit inaantok pa ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay lumabas na din ako. Naabutan ko siyang nakapameywang habang nagpiprito ng kung ano. Hinayaan ko ang aking sariling pagmasdan siya. Nakatalikod naman siya kaya hindi niya ako nakikita.

Tanging sweat pants lang ang kaniyang suot kaya naman kitang kita ko ang bawat pagflex ng kaniyang muscles sa likod. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng lingunin niya ako.

"Good morning baby loves." nakangiting bati niya.

Pinilit ko ang aking sarili na wag bumaba sa kaniyang tiyan ang aking mga mata. Tamang tama ang pandesal niya para ngayong umaga. Nag init ang aking pisngi dahil sa naisip.

"Good morning." thanks God hindi ako nautal!

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago itinuloy ang pagluluto. Gusto ko sanang magprotesta dahil sobrang bilis lang talaga pero wag na lang. Nakakahiya. Baka hindi naman ako ganoon dati.

Umupo na lang ako at pinanood siyang magluto. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya. Kung ganito ba naman ang bubungad sa akin tuwing umaga ay napakasayang gumising.

"Wala kang trabaho? 8:30 na ah." tanong ko nang makita ang oras at hindi pa siya nagbibihis.

"Nag leave ako." sagot niya at nilingon ako saglit.

Pinanood ko siyang ayusin ang hapag kainan hanggang sa ilapag niya sa aking harapan ang kaniyang mga niluto.

"Let's eat."

Alam kong lalagyan niya ng pagkain ang aking plato kaya naman inunahan ko na siya. Nilagyan ko ng fried rice, bacon, ham at hotdog ang kaniyang pinggan.

"Thanks baby loves." nakangiting sabi niya na sinagot ko na lang ng ngiti.

"Uuwi na ba ako sa amin?" tanong ko habang nagsisimula na kaming kumain.

"Gusto mo na ba?" balik tanong niya.

Saglit akong nag isip ng isasagot. Gusto ko naman dito kaso nakakahiya naman at isa pa baka gusto na din akong makita ng parents ko.

"Ewan ko." tanging nasagot ko na lang.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Malapit nang malaman ng mga pulis kung sino ba talaga ang nagtatangka sa buhay mo. After that at kapag nahuli na ang may sala, you're free again." nginitian ko siya at napatango.

Tahimik na lang kaming nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay ako na ang nagpresintang maghuhugas ng mga pinggan kahit ayaw niya. Narinig ko naman ang mga boses na naggagaling sa TV kaya binilisan ko ang paghuhugas. Gusto ko kasing samahan siya sa panonood. Pupunasan ko na sana ang mga platong tapos ko ng sabunin at banlawan ng marinig ko ang pangalang binanggit sa pinapanood niya.

"Nancy.."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong plato na agad naglikha ng ingay dahil sa pagkabasag nito. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagsakit nito.

"Baby loves!"dinig kong tawag sa akin ni King. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at bahagyang inalog. "What happened? Are you okay?" dinig ko ang pag aalala sa kaniyang boses pero hindi ko siya magawang tignan.

"Ano na ang plano mo, Nancy? Nakuha mo na siya."

"Oh shut up, Oliver! Nag iisip pa ako ng susunod na hakbang. Ayusin mo na lang ang pagmamaneho."

Nagising ako na nakahiga dito sa sasakyan. Hindi ako umimik at pinakinggan lang ang pag uusap ni Nancy at Oliver.

"You know what, bakit ba hindi na lang natin tuluyan ang babaeng ito? Gusto kong makaganti kay King, ikaw naman gusto mo siyang makuha."

"Marami pa akong gustong gawin sa babaeng ito. Gusto ko pa siyang pahirapan."

Saglit silang natahimik hanggang sa maramdaman kong parang pauga uga ang sasakyan.

"Oh shit! What the hell, Oliver! Ayusin mo nga ang pagmamaneho!"

"Shit! Hindi gumagana ang break ng sasakyan!"

"What the?!"

"Tumalon na tayo!"

"Paano si Queenie?!"

"Siraulo ka ba? Mamamatay na siya dito. Yun naman ang gusto mo di ba? Didiretso ang sasakyang ito sa bangin kaya bumaba na tayo!"

"Oh shit!"

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan hanggang sa maramdaman kong bumababa na ang sasakyan. Nauntog ang ulo ko sa pintuan ng sasakyan hanggang sa mawalan ako ng malay.

Napadilat ako ng maalala kung bakit ako naaksidente.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now