Chapter 15

2.3K 102 14
                                    

* Noah's PoV

Hapon pa lang pero nandito na kami sa club na pagmamay ari ng Kuya ni Clyde. Dito kami dumiretso matapos ang nangyari sa cafeteria kanina. Napatingin ako kay King na tinutungga na mismo ang boteng hawak niya.

"Hinay hinay lang King." Saway ni Wayne.

"Wag kang makialam." Asik ni King.

Now I'm sure of it.

Mahal na niya si Queenie.

Nalipat ang aking tingin kay Third ng magring ang cellphone niya.

"Oh?" Sagot niya sa tumawag. "Oo kasama ko." Tumingin siya kay King. "Bakit? May nangyari ba?" Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at pabagsak na ibinaba ang basong hawak niya. "That asshole!" Galit na sigaw niya kaya napatingin na sa kanya ang lahat maliban kay King na busy pa din sa pag inom. "Sundan niyo lang. Wag na wag niyong aalisin ang paningin niyo sa kanila. Text me the address. We're coming."

"What's happening dude?" Tanong ni Ryan ng ibulsa ulit ni Third ang kanyang cellphone.

"King, tumawag yung mga inutusan mong magbantay kay Queenie." Tuluyan ng nakuha ni Third ang atensyon ni King ng marinig ang pangalan niya. "Kinuha ng mga bata ni Arevalo si Queenie."

Kanya kanya kaming mura ng marinig iyon. Tumayo si King at binato ang boteng hawak niya.

"That fucking asshole." Gigil na sambit ni King.

Aalis na sana si King pero pinigilan siya ni Third.

"I know you're mad but please calm down."

"How can i fucking calm down?! That asshole really trying to get into my nerves." Galit na sabi ni King.

Napailing na lang si Third.

"Hintayin na lang muna natin ang text kung nasaan sila." Tumunog ang cellphone ni Third kaya binasa niya ang text. "Let's go. Nandoon sila sa lumang bodega malapit sa school nila Arevalo."

Agad na kaming umalis pagkatapos niyang sabihin iyon. Bakit dinamay pa niya si Queenie? Ilang linggo na silang hindi nagkakasama ni King kaya bakit si Queenie pa din ang pinuntirya nila? Napag usapan namin na iisang sasakyan na lang ang dalhin. Ginamit namin ang mini van na pagmamay ari ng Kuya ni Clyde.

Si Third ang nagmamaneho at nasa tabi niya si King. Nakakuyom ang kanyang kamao at nagtatagis ang kanyang bagang. Ngayon pa lang ay masasabi kong makakapatay talaga siya.

Makakapatay din ako kapag may ginawa silang masama kay Queenie.

Tumunog ang cellphone ni King na agad din niyang sinagot.

"Fuck you, Arevalo!" Sigaw niya. Inalis ni King sa tainga niya ang cellphone at nakita kong inaccept niya ang video call ni Arevalo.

Lahat kami ay napatingin sa cellphone niya ng marinig ang boses ni Arevalo.

"Maganda siya King ha." Nakangising sabi ni Arevalo. Napamura kami ng makitang walang malay si Queenie na nakaupo at nakagapos ang mga kamay at paa. "Pwede bang tagalan niyo muna para matikman naman muna namin siya." Kasabay ng malademonyo niyang tawa ay pinatay na din niya ang video call.

Halos madurog ang cellphone ni King sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"Remind me to kill that asshole later." Madilim ang mukhang sabi ni King.

Nang makarating kami sa lumang bodega ay agad kaming sinalubong ng mga kasama namin.

"King, pasensya na. Dalawa lang kasi kami eh. Nasa loob sila. Natapos na namin yung ibang nagbabantay sa labas. Tatawagan ba namin ang iba?"

"Wag na. Magbantay lang muna kayo dito." Sabi ni King at naglakad na papasok kaya sumunod na kami.

----------

* Queenie's PoV

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ko alam kung bakit nila ako kinuha.

"Kung akala niyo mayaman kami at kaya naming magbigay ng ransom ay nagkakamali kayo. Pakawalan niyo na ako!" Pinilit kong makawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali sa aking mga kamay at paa.

"We don't need your money miss." Nakangising sagot sa akin ng leader nila. "Mukhang papunta na ang knight in shining armour mo kaya maghintay pa tayo saglit."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Sino ang tinutukoy niya? Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at nakita kong sinugod nila King ang ibang lalaki na nandito din sa loob. Kitang kita ko mula dito sa kinauupuan ko ang galit ni King. Bigla akong kinabahan. Alam kong sanay siya sa ganito pero mukhang hindi ko kakayanin ang makita siyang nakikipaglaban.

"Tama na muna yan Montecarlo. Mukhang kanina ka pa hinihintay nitong babae eh." Awat ng lalaki kina King.

Huminto sila sa paglalaban pero nanatiling atentibo sila Third dahil baka bigla silang sugurin ng kalaban.

"What the hell do you need Arevalo?" Seryosong tanong ni King sa lalaking nakangisi ngayon sa aking harapan.

Sinulyapan niya ako saglit bago ibalik sa lalaki ang kanyang tingin.

"Mainipin ka talaga Montecarlo." Natatawang sabi ni Arevalo. "You know what your girlfriend looks hot. Maybe i can get her kapag napagsawaan mo na siya?"

Akala niya kami ni King kaya kinidnap niya ako?

"Fuck you!" Gigil na sabi ni King na parang nagpipigil na lang.

Pumunta sa likod ko si Arevalo at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Napapikit ako ng maramdamang hinalikan niya ang gilid ng leeg ko. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko.

"Delicious." Mapang asar na sabi niya.

"Damn you Arevalo!" Kasabay ng pagsigaw ni King ay ang pagsisimula ulit ng kanilang laban.

Tumakbo palapit si King kay Arevalo at agad niya itong sinuntok. May mga dumating pang ibang lalaki na kakampi ng kalaban. Hindi ko na alam kung paano natalo nila King ang kalaban dahil nanlalabo ang aking mga mata dahil sa pag iyak. Ang huli ko na lang natandaan ay ang pagyakap sa akin ni King.

"Shh. You're safe now. I'm here. I won't let them hurt you again."

And then everything went black.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now