Chapter 5

2.4K 106 43
                                    

* Queenie's PoV

Natapos ang lahat ng klase namin na walang King na nagpakita. Kahit mga kaibigan niya ay hindi din pumasok. Last subject na namin kanina ng makareceive ako ng text galing sa kanya na susunduin niya daw ako kaya hintayin ko lang siya gate. Kaya heto ako ngayon at hinihintay ang mahal na hari.

Nasaan na ba yun? Bakit ang tagal niya? Thirty minutes na akong naghihintay sa kanya dito. Susunduin niya ba talaga ako? Kainis! Dapat pala sumabay na ako kina Yuki at Ara kanina.

"Queenie!" Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin.

"Michael." Nakangiting tawag ko sa kanya.

Si Michael ay nakasama ko sa Science Club na sinalihan ko last school year. Mabait siya at gwapo. Marami ring nagkakagusto sa kanya noong nandoon pa kami sa club. Napatingin ako sa suot niya naka white v-neck shirt at jersey short siya. Yes, basketball varcity siya ngayon.

"Katatapos lang ng practice?" Tanong ko kahit obvious naman na ang sagot.

"Yup. May laban kasi next month." Nakangiting sagot niya. "Why are you still here? Waiting for someone?"

Sasagot na sana ako pero hindi na natuloy ng marinig ko ang boses ng mahal na hari sa aking likod.

"Yes. So, you can fucking leave now before i fucking punch you. And don't you dare go fucking near with my girl again." Madiin at seryosong sabi ni King.

"K-king." Nakita ko ang takot sa mga mata ni Michael kaya nagpaalam na din siya agad sa akin.

Napairap ako ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"Who's that fucking guy? Dalawang araw pa lang pero may iba ka ng kasama? Are you fucking cheating on me?" Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya.

"Don't fucking talk to me like that King. Thirty minutes akong naghintay sayo. Kaya wag ngayon. Mainit ang ulo ko." Ano? Siya na lang palagi ang may karapatang magalit?

"Don't you fucking try to cheat on me Queen. I'm telling you, i can kill."

Literal akong natigilan ng marinig ang sinabi niya. Hindi dahil sa katotohanang kaya niyang pumatay kundi dahil sa itinawag niya sa akin. Alam ko namang parte talaga yun ng pangalan ko but hearing him calling me Queen makes me want to giggle.

So, I'm his Queen and he's my King?

Napangiti ako sa naisip ko. Parang biglang nawala ang bad vibes sa akin. Nakalimutan ko na ding magtampo dahil pinaghintay niya ako.

Oh my god! Kinikilig ba ako?

"Why are you smiling?" Kunot noong tanong niya.

"Masaya lang ako dahil nakita ko ulit si Michael. He's a good friend of mine, you know?" Pang aasar ko sa kanya.

"What the fuck?"

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang. Hinanap ko ang big bike niya pero wala naman. So, magcocommute kami ngayon?

"Wala kang dalang sasakyan?" Tanong ko ng lingunin ko siya.

"Susunduin ba kita kung wala?" Masungit na tanong niya bago lumapit sa isang itim na kotse na nasa gilid namin.

"Wow. Sayo pala itong kotse na ito." Tumunog ang sasakyan.

"Sakay na." Utos niya.

"Naks gentleman." Bulong ko ng makitang dumiretso na siya sa pagsakay sa drivers seat.

Napailing na lang ako at wala na ding nagawa kundi ang sumakay.

"Saan pala kayo nagpunta? Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong ko ng magsimula na siyang magmaneho.

"May inasikaso lang." Napatango na lang ako. Hindi na ako ulit nagtanong dahil halata namang ayaw niyang pag usapan.

Tumingin na lang ako sa dinadaanan namin.

"May pupuntahan pa ba tayo? Hindi dito ang daan papuntang bahay namin."

"We're just going to Third's house. Birthday niya." Sagot niya.

"Really? Ayos lang ba na wala akong gift? Tsaka hindi niya naman ako ininvite eh."

"You're with me okay?" Sagot niya na para bang matik na agad ang sagot dahil siya ang kasama ko.

Edi siya na!

Nang pumasok kami sa isang executive village ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki at ganda ng mga bahay dito. Halatang pangmayayaman lahat. Nang huminto ang kotse sa harapan ng isang malaki at magandang bahay ay bumaba agad si King at syempre ano pa bang aasahan natin di ba? Bumaba na din ako.

Para akong kinuryente ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng bahay. Binati lang siya ng guard. Rinig ko agad ang malakas na tugtog. Bigla akong nahiya ng makitang marami rami siyang bisita. At mas nahiya ako sa katotohanang nakauniform pa ako!

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now