Chapter 39

1.8K 71 23
                                    

* Queenie's PoV

Kinakabahan ako habang hinihintay na dumating si Sean. Sinabi ko sa kanyang kailangan naming mag usap.

Alam kong masasaktan siya pero mas mabuti na din ito kaysa ituloy pa namin ito.

Gusto sanang sumama ni King pero pinigilan ko siya. Gusto kong kami lang ni Sean ang mag usap ngayon.

Mas lalo akong kinabahan ng makitang pumasok si Sean dito sa coffee shop. Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin.

"Good morning." Bati niya at hinalikan ako sa pisngi.

Naupo siya sa tabi ko at malungkot na ngumiti.

"Sean." Tawag ko sa kaniyang pangalan.

"Alam ko na." Malungkot ang kaniyang ngiti kaya nasasaktan ako. "I saw you last night." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Pumunta ka kay King ng maihatid kita di ba?"

"Sean, I'm sorry." Naiiyak kong sabi. "Believe me, i tried so hard. Sinubukan kong kalimutan si King para maibalik ko sayo yung pagmamahal na binibigay mo sa akin pero siya pa din eh. I really love King."

Niyakap niya ako at hindi ko maiwasang hindi maiyak.

"I know you tried." Hinaplos niya ang buhok ko habang yakap pa din ako. "Thank you for trying Queenie. Thank you kasi binigyan mo ako ng chance. Salamat sa mga masasayang araw na akin ka." Narinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses sa huli niyang sinabi.

Niyakap ko din siya ng mahigpit ng maramdaman ko ang pagtulo ng kaniyang luha sa aking balikat.

"So, wala na kayo ni Sean at nagkabalikan kayo ni King?" Tanong ni Yuki ng pumunta sila dito sa bahay.

Pagkatapos naming mag usap ni Sean ay hinatid niya ako dito sa bahay. Hindi na din ako umangal dahil nagpumilit siya. Kahit yun man lang maibigay ko sa kaniya.

Tumango ako sa kanilang dalawa ni Ara. Napangiti ako ng tumili silang dalawa.

"Wow! So totoo ngang love is sweeter the second time around ha?" Nakangising sabi ni Ara.

"So nasaan si Papi King? Hindi kayo magkikita?" Tanong ni Yuki.

"Baka mamaya nandito na yun. Nag aya siyang magdinner kami eh."

"We're so happy for you baks."

Napangiti ako at niyakap sila. Sana talaga ito na. Sana wala ng problema na magiging dahilan ng paghihiwalay namin ulit.

Six pm ng tumawag si King at sinabing papunta na siya. Tapos naman na akong magbihis at hinihintay na lang siya. Nagsuot lang ako ng simpleng dress na puti at doll shoes.

Hindi na ako makapaghintay ulit dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay ngayon na lang kami ulit lalabas ni King.

"Anak." Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto at sumilip si mommy. "Nasa baba na si King." Nakangiting sabi niya.

Naikwento ko na din sa kanila na nagkabalikan na kami ni King. They're worried about Sean. Nalulungkot sila dahil napakabuting tao ni Sean but in the end nakasuporta pa din sila sa akin.

Kung sino daw ang mahal ko at kung saan ako mas sasaya ay doon ako.

Napangiti ako ng makita si King na nakaupo sa aming sofa. Nakasuot siya ng puting longsleeves na nakatupi ang sleeves hanggang siko. Napatayo siya agad at ngumiti ng makita ako kaya napangiti din ako. Sobrang bagay sa kaniya ang suot niya. I mean, kahit naman simpleng shirt lang ang suot niya ay gwapo talaga siya pero ngayon he looks so matured.

"Mauna na po kami Tita." Paalam ni King. "I'll make sure to bring her back before ten."

"It's okay hijo. Basta ba ibabalik mo siya ng safe. Alam ko namang marami pa kayong dapat pagusapan dahil matagal kayong nagkalayo." Nakangiting sabi ni mommy.

Nang makalabas kami ng bahay ay pinagbuksan ako ni King ng pintuan ng kaniyang sasakyan. Nginitian ko muna siya bago ako tuluyang sumakay. Pinanood ko siyang maglakad papunta at papasok sa drivers seat.

"You look so beautiful." Nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo bago niya pinaandar ang sasakyan.

Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho.

"Saan ka galing?" Tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit bago sumagot.

"Pinapunta ako ni Daddy sa office kanina. May meeting kasi ang board of directors. He wants me to be there." Paliwanag niya. "Why?"

Napailing na lang ako. Sinulyapan niya ako ulit ng mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

"Okay na ba sa Daddy mo na tayo na ulit?" Nag aalalang tanong ko. "Nasabi mo na ba?"

Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nagmamaneho. Hinalikan niya ang kamay ko at sinulyapan akong muli.

"Kasama natin si Daddy sa dinner. I want to finally introduce you to each other."

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now