Chapter 33

1.7K 76 75
                                    

* Queenie's PoV

"Magkwento ka na girl! Anong sinabi niya sayo? Nag explain ba?" Tanong sa akin ni Ara.

Ewan ko kung anong nakain nila ni Yuki at napag isipan nilang mag overnight dito sa bahay pero ngayon mukhang alam ko na kung bakit. Nandito kami ngayon sa sala at nagmomovie marathon habang kumakain.

"Yes. He explained to me everything." Sagot ko.

"Oh? Ano nang gagawin mo ngayon? I mean, he's back. King is back." Tanong ni Yuki.

"Wala?" Patanong kong sagot. "I mean, ano naman ngayon kung bumalik siya? May boyfriend na ako ngayon."

"But you haven't move on yet." Nag aalalang sabi ni Ara.

"Maybe for now." Napabuntong hininga ako. "But i know dadating din ako doon."

"I doubt it baks. Noong wala nga si King hindi mo nagawa. Ngayon pa kaya na nasa paligid na naman siya?" Tanong ni Yuki habang kumakain ng chips.

Hindi na lang ako sumagot at nagfocus na lang sa pinapanood naming movie.

Alam kong mahihirapan akong kalimutan si King. He's my first boyfriend. My first kiss.

My first love..

Pero hindi dapat iyon ang maging basehan ko. He hurt me. Iniwan niya ako. I suffered. Lagi kong iniisip noon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Kung bakit umalis siya ng walang paalam.

Nung malaman ko na ikakasal na siya sa iba ay gumuho ang mundo ko. Alam kong ang OA nun pero yun talaga ang naramdaman ko. Knowing that he will married someone makes me hurt so much. It brings pain in my heart and Sean is there. Siya yung tumulong sa akin na makabangon ulit. Siya yung taong nagpasaya sa akin noong mga panahong nasasaktan ako. Siya yung nasa tabi ko nung wala si King. He stayed. Hindi niya ako iniwan. Nanatili siya kahit ilang beses ko siyang pinagtabuyan noon. Hindi siya nagsawang intindihin ako.

And I'm thankful because of that.

King broke me into pieces and Sean is there to make me whole again.

--------------

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may group project kaming gagawin ng mga kaklase ko. Walang pasok si Sean ngayong araw kaya hindi na ako nagpahatid. Sila Ara at Yuki naman ay mamaya pa ang klase kaya naiwan na muna sila sa bahay.

Pagdating ko sa school ay dumiretso ako agad sa gymnasium dahil doon ang usapan namin ng mga kagrupo ko. Napahinto ako sa paglalakad ng makitang makakasalubong ko si King. Napalunok ako ng makita ang kakaibang tingin niya sa akin.

"Is it true?" Tanong niya ng makarating sa aking harapan. "Kayo na ni Sean kaya ayaw mo ng bumalik sa akin?"

Nang makita ko ang sakit sa kanyang mga mata ay natigilan ako. I don't want to see him hurt pero deserved niya naman ito di ba? Nasasaktan kami pareho dahil sa kagagawan niya.

"Oo. Kami na." Lakas loob kong sagot.

"Really?" Tumawa siya ng mahina. "Hindi tayo naghiwalay Queenie. We didn't broke up!" Sigaw niya pero hindi ako nagpatinag.

"Anong gusto mong gawin ko? Hintayin ka? Maghintay kahit walang kasiguraduhan kung babalik ka pa?" Naiiyak kong tanong. "I waited for you King. Noong araw na nalaman kong ikakasal na kayo ni Nancy, sinabi ko sa sarili kong kailangan ko ng mag move on pero naghintay pa din ako. Isang text lang King. Isang text lang na hintayin kita. Na babalikan mo pa din ako. Yun lang yung hiniling ko noon." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Pero napagod na ako. Napagod na akong maghintay. Napagod na akong mag isip kung babalikan mo pa ba ako. Napagod na akong mahalin ka." Pinigilan ko ang sarili kong wag humagulgol kahit yun ang gusto kong gawin ngayon. "I'm sorry."

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"We can start again Queenie. Sabihin mo lang na mahal mo pa din ako nakahanda akong bawiin ka. Nakahanda akong lumaban." Kita ko kung paano din siya mahirapan sa sitwasyon namin pero wala na akong magagawa.

I already have my new life now at hindi ko yun pwedeng basta na lang bitiwan dahil lang bumalik na siya.

"I'm sorry King." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Then make me your number two. Make me your dirty little secret. Cheat with me." Desperadong sabi niya.

I can't believe that I'm hearing those words from him. Hindi ganito ang King na kilala ko. Hindi siya ganito kadesperado.

"Are you crazy?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, I'm crazy Queenie. Baliw na baliw na ako sayo." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Okay lang kahit pangalawa lang ako. Okay lang kahit second option lang ako. Okay lang kahit mas may oras ka sa kanya kaysa sa akin. Okay lang basta maging akin ka lang ulit."


---------

Sorry sa matagal na update. Medyo busy lang hehe. Sa mga nagtatanong kung kailan ako mag UUD sa ibang stories eh bukas po ng gabi ang UD sa lahat ng story.. Maraming salamat sa mga nagtitiyagang maghintay ng UD at sorry sa mga naiinip hehe 😂😂😂
I'll try my very best na mapadali ang pag uupdate pero wag pa din umasa hehehe.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now