Chapter 29

1.8K 83 27
                                    

* Queenie's PoV

Natigilan ako sa aking narinig. Engagement? Next week?

Napatingin ako kay King ng hilain niya ako palapit sa kanya dahilan para mabitiwan ako ni Kurt.

"Walang engagement na mangyayari maliban na lang kung si Queenie ang magiging bride ko." Imbes na magulat ay napangiti pa si Kurt.

"I know King that's why Tito asked for my help." Tumagos sa amin ang kanyang tingin at may tinanguan siya sa likod.

"What the hell Kurt!" Sigaw ni King ng may humawak sa kanyang mga bodyguards.

"I'm sorry cous but Tito threatened me. Don't you dare to help him." Pigil niya kina Third ng balak nilang tulungan si King na makawala sa mga taong humahawak sa kanya. "Kung ayaw niyong malugi ang mga kumpanya ninyo wag na kayong magtangkang tumulong pa."

"What the fuck! Bitiwan niyo ako!" Nagpupumiglas na sabi ni King.

"Dalhin niyo na siya." Utos ni Kurt sa mga lalaki at inakbayan ulit ako. "I'll take care of her don't worry."

"Baby. Just.. Just wait for me okay? I will do everything to stop this shit."

Yun na ang huling mga salita na sinabi ni King sa akin. It's been two months since that night happened. Simula noon ay hindi ko na nakita si King. Wala na akong balita sa kanya. Hindi na din siya pumapasok. Even Nancy is nowhere to be found. Kahit sila Third ay walang ideya kung ano na ang nangyayari kay King. Kahit si Sean ay hindi din alam kung nasaan si Nancy. Para silang bula na biglang nawala sa buhay namin.

Akala ko magiging okay na ang lahat pero mas lumala pa. Mas gusto ko yung nakikita ko siya kahit hindi na kami kaysa sa ganito. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya. Kung nasaan siya. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung masasagot pa ba.

"Hoy ateng!" Napatingin ako kay Yuki ng kalabitin niya ako. "Tulaley ka na naman dyan."

"Wag mo nga masyadong isipin ang mga nangyayari. Kung mahal ka talaga ni King babalik yun." Sabi ni Ara.

Nginitian ko na lang sila para hindi na sila mag alala pa. Pagbalik namin sa classroom ay agad akong nilapitan ni Third.

"Queenie, alam na namin kung nasaan si King." Bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ko iyon.

"Nasaan siya?" Sabik kong tanong. Gusto ko na siyang makita.

"He's in Paris. Nandoon silang dalawa ni Nancy." Alanganin niyang sagot sa aking tanong.

"G-ganoon ba?" Pinilit ko pa ding ngumiti kahit nasaktan ako sa katotohanang magkasama sila doon. "Ano daw ginagawa nila doon? Kailan ang balik nila?"

"Walang sinabi yung contact namin sa mansyon eh. Napilitan lang din siyang magsalita dahil binayaran namin." Bumuntong hininga siya. "I'm sorry Queenie. Wala kaming magawa."

"Okay lang. Let's just wait for them." Nginitian ko ulit siya. "C-cr lang ako."

Tumakbo ako palabas ng room para hindi na nila makita pa ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Pagdating ko sa CR ay doon ko binuhos lahat ng aking luha. Simula ng umalis si King ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak. Feeling ko nga madedehydrate na ako. Sobrang sakit kasi. Sobrang sakit yung pakiramdam na maiwan ka. Sobrang sakit kasi hindi mo alam kung babalikan ka pa. Habang tumatagal ay lalong sumasakit yung nararamdaman ko.

I miss him.. Sobra..

Hindi ko alam kung makakaya ko pang gumising sa umaga na alam ko sa sarili kong wala siya. Pinunasan ko ang aking mukha ng marinig kong bumukas ang pintuan.

"Tahan na." Boses ni Sean. "I hate seeing you cry, Queenie."

Lalo akong naiyak ng maramdaman ang yakap niya.

"Ang s-sakit Sean." Umiiyak kong sambit. "Sobrang sakit." Niyakap ko siya para kahit papaano ay maramdaman kong hindi ako nag iisa. Na kahit papaano ay mayroon pa din akong masasandalan.

"Shh. Maybe it's time for you to move on. Nakausap ko si Nancy kanina. They're getting married tomorrow."

Literal na tumigil ang ikot ng mundo ko ng marinig ang mga salitang iyon. Para akong sinaksak ng patalim na tumagos mismo sa puso ko. Wala na akong ibang maramdaman ngayon kundi ang galit.

They're getting married tomorrow..

They're getting married tomorrow..

Mapait akong napangiti. Heto ako at naghihintay sa pagbabalik niya pero ikakasal na pala sila bukas. Ano ng nangyari doon sa sinabi ni King na hintayin ko siya? That he will do everything to stop this shit? Pinaasa niya lang ba ako? Umasa lang ba ako sa wala?

--------

Excited na ako sa next chapter.. Sana wag kayong magalit sa akin hahahaha. Pinag isipan ko pa talaga ng mabuti ang mga scene. Inisip ko kung itutuloy ko yun pero ayun nga at natuloy. Inaayos ko na lang. Wag sana kayo magalit hehehe.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now