Chapter 19

2.1K 88 40
                                    

* Queenie's PoV

Magkasama kami ngayon ni Sean para simulan ang project namin. Nandito kami sa Brgy. Karuhatan para sa interview na gagawin namin. Dinala niya ang big bike niya kaya nakiangkas na ako doon.

Maraming mga bata na naglalaro sa gilid. May mga matatandang nagbibingo. May mga nag iinuman pa sa gilid. Nagkatinginan kami ni Sean. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero natawa kami pareho.

"Let's start?" Nakangiting tanong niya.

"Let's go." Nakangiting sagot ko.

Inuna naming lapitan ang mga matatandang nagbibingo. Mabuti na lang at pumayag silang magpaistorbo sa amin. Ako ang nagtatanong habang si Sean naman ang taga video.

Bukod kasi sa written report ay kailangan may video din na patunay na nag interview talaga kami at hindi nanghula lang.

May na interview agad kami na 50 katao. Kulang pa kami ng 100 since 150 dapat ang correspandent na kailangan namin.

"Lunch muna tayo." Aya sa akin ni Sean. "Balik na lang ulit tayo mamaya o kaya bukas na lang ulit kung may gagawin ka pa. Mainit na din kasi eh."

Napagkasunduan naming kumain muna at bumalik ulit mamaya. Gusto ko na din kasing matapos ito. Pag tumagal pa kasi ay mas lalong magseselos si King at ayaw kong mangyari iyon.

Habang nag oorder si Sean ng makakain namin ay chineck ko ang cellphone ko. Hindi na ako nagulat ng makitang may 52 messages at 187 missed calls si King. Sinadya kong isilent ang cellphone ko dahil alam kong kukulitin niya lang ako. Hindi ko kasi sinabi sa kanya kung saan ang napili naming lugar. Binasa ko ang ilang texts niya.

Good morning baby loves.

Kumain ka na ba?

Where the hell are you?

Why are you not answering my calls?

Damn it Queen. Are you okay?

Don't make me mad girl. I'm telling you.

Saan ka dinala ng Sean na yan? I'm going to kill him.

Mark my words Queen.

Hindi ko na natapos ang pagbabasa ng tumawag ulit si King. Sinagot ko na ito agad bago pa siya magwala.

"Where the hell are you Queen? Are you okay? I'm going to kill that guy. Nasaang lugar kayo? Hindi ka ba nababastos dyan? Iniingatan ka ba ng kapartner mo? Kapag may nangyaring masama sayo susunugin ko talaga ang katawan niya."

Imbes na mainis dahil sa ugali niya ay natawa pa ako.

"I'm fine. Kakain na kami ng lunch ngayon tapos itutuloy namin yung pag iinterview mamaya."

"Nasaan ba kasi kayo? Hindi ako pupunta dyan. I just want to know."

"Dito lang sa Brgy. Karuhatan. Medyo malapit sa school natin."

"Oh yeah. I know that. Ayaw mo bang sunduin kita?"

"Hindi na. May dala namang motor si Sean." Natahimik si King kaya nagsalita ulit ako. "Ikaw? Anong ginagawa mo? Di ba ngayon din kayo mag iinterview ni Third?"

"Yeah. We're done. Nagkita kami sa mall kanina at doon pa lang marami na kaming nainterview kaya maaga kaming natapos."

Nginitian ko si Sean ng dumating na siya bitbit ang mga pagkain namin. Sinenyasan ko siya na kausap ko pa si King kaya pwede na siyang maunang kumain pero umiling lang siya.

"Ganun ba? Kumain ka na din ha. Kakain na kami. I'll text you later kapag natapos na kami. Bye."

"Eatwell. I miss you baby loves." Napangiti ako ng marinig mula sa kanya ang endearment na yun. Palagi lang kasi niya sa text sinasabi yun.

"I miss you too. Sige na. I'll end the call."

"I'll wait for your text then."

I ended the call and started to eat. Paminsan minsan ay nag uusap kami ni Sean. Pinanood din namin ang mga kuha niyang video kanina habang nag iinterview ako. Napagpasiyahan namin na ako naman ang magvivideo mamaya at siya ang interviewer.

"Thank you Sean." Nakangiting sabi ko ng iabot ko ang helmet niya. "Sa monday na lang siguro natin simulan yung written report."

"Ako na ang bahala sa video. I'll go ahead."

"Sige. Ingat ka."

Akala ko aalis na siya pero ilang minuto na ang lumipas ay nandito pa din siya at nakatitig lang sa akin. Napakunot noo ako ng bumaba siya sa motor niya. Itatanong ko na sana kung bakit pa siya bumaba pero nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa aking pisngi.

"I'll see you on monday." And then he leave.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon