Chapter 6

2.3K 108 46
                                    

* Queenie's PoV

"Oh. Hi Queen!" Bigla akong nahiya ng batiin ako ng mga kaibigan niya.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. Hindi ko pa naman kasi sila masyadong close kaya naiilang pa din ako. Baka mamaya sabihan pa nila akong feeling close.

Actually, gwapo talaga silang lahat pero may kakaibang karisma kasi ang mahal na hari na talagang mapapasunod ka sa lahat ng sabihin niya.

"Happy birthday Third." Bati ko sa kanya ng makitang nakatingin siya sa akin.

"Thanks Queen." Nakangiting sabi niya. "Anong gusto mong kainin? I can get you foods." Alok niya.

"Hindi na. Ako na lang mamaya."

Naupo na kami ni King. Sila silang magkakaibigan lang ang nandito sa table pero may kasama din silang mga babae. All in all, lima kaming mga babae dito. Pinakilala din ni Third ang ibang kaibigan nila. Sila Noah, Ryan, Wayne, Clyde at George.

Napatingin ako kay Noah na pinakatahimik sa kanilang lahat. Kumakain lang siya at minsan ay tumatawa kapag nagjojoke ang mga kaibigan niya.

"Can you stop checking him out?" Napatingin ako kay King ng magsalita siya. "Are you attracted with Noah?"

"Ha?" Nahiya ako ng makitang napatingin sa amin ang mga kaibigan niya. Ang ingay talaga ng lalaking ito. "H-hindi ah. Ang tahimik niya lang kasi." Nahihiyang sagot ko.

"Oh come on, King!" Natatawang sabi ni Clyde. "Stop being jealous."

Lihim akong napangiti ng marinig iyon.

So, he's jealous?

"I'm not jealous okay." Napasimangot ako ng tumutol ang hari. "She's mine for a month so she's off limits until the month is over."

"If your deal is over can she be mine then?" Seryosong tanong ni Noah kaya napanganga ako. Dinig ko ang malakas na singhapan at mura ng mga kaibigan nila.

"Do you want to get lost tonight?" Bigla akong natakot sa boses ni King. Nang tignan ko siya ay talagang natakot ako. Heto na naman siya. Parang may maitim na aura na naman ang nakapalibot sa kanya.

Napatingin ako ulit kay Noah ng tumawa siya ng malakas.

"I'm just kidding King!" Tawa pa din siya ng tawa. "You should've seen your face dude!" Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Now this is interesting."

"Fuck it, Noah!" Sigaw ni Wayne. "Wag mo ng uulitin yun hindi namin alam kung maaawat pa namin si King."

"Shut up, Noah. I'm not fucking kidding here." Sabi ni King.

Nakangisi lang si Noah at nagkibit balikat. Nawala na ulit ang tensiyon at tumayo na din ako para kumuha ng pagkain. Inaya ko si King kaso wala daw siya sa mood kaya nauna na ako sa buffet table.

Yum yum yum! Ang sasarap ng mga pagkain dito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kukunin ko.

Naglalakad na ako pabalik sa table ng mapahinto ako dahil nakita kong may babaeng lumapit kay King at hinalikan siya sa pisngi. Hindi naman siya pinansin ni King pero parang gusto ko siyang kalbuhin. Nagpatuloy na ako ulit sa paglalakad at umupo sa tabi ni Ryan dahil umupo na ang babaeng humalik kay King sa pwesto ko kanina.

Tinignan ko lang si King na ngayon ay salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng kumain. Magsama sila ng babae niya. Kapag ako hindi pwedeng mag entertain ng ibang lalaki pero siya pwedeng pwede makipaglandian sa iba at sa harapan ko pa?

Naririnig kong nagbubulungan ang mga kaibigan niya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lang din pinansin. Nakakadalawang subo pa lang ako ng carbonara ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi ko na lang sana papansinin kaso hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng tinidor.

Tinaasan ko siya ng kilay ng tapunan ko siya ng tingin.

"Why the hell are you seating here?" Seryosong tanong niya pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot.

Mas nangingibabaw kasi yung inis ko sa kanya. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago sumagot.

"Anong gusto mong gawin ko? Kumandong sa babae mo? Paalisin siya? Sabunutan siya dahil inagawan niya ako ng pwesto?" Sarkastikong tanong ko. "Just enjoy with her and I'll enjoy my food."

Tumayo ako at dinala ang plato ko. Gusto kong dagdagan ang carbonara ko. Parang gusto ko na din kumuha ng chocolate cake. Nakakastress pala talagang kasama ang lalaking iyon.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now