Chapter 13

2.3K 106 78
                                    

* Queenie's PoV

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung huling pag uusap namin ni King. Dapat maging masaya ako dahil bumalik na kami sa dati. Yung parehong nasa iisang lugar pero hindi nagpapansinan. Hindi magkakilala. Walang pakialam sa isa't isa. Ginusto ko ito pero bakit nasasaktan ako? Bakit parang gusto ko na lang bawiin yung mga sinabi ko?

Sa loob ng dalawang linggo na yun ay mas naging tahimik siya pero ganun pa din ang ugali. Walang araw na dumaan ng wala siyang binubugbog at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit walang pumipigil sa kanya. Alam kong anak siya ng may ari nitong school pero sobra na ang ginagawa niya at bakit walang mga magulang na nagrereklamo?

Tinotoo niya yung sinabi niyang kalilimutan niya ako. Hindi naman niya ako iniiwasan pero ramdam ko ang layo ng agwat namin sa isa't isa.

"Uy baks! Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Yuki ng sigawan niya ako.

"Ano ba bakla! Hindi ako bingi!" Reklamo ko.

Nandito kami ngayon sa room at hinihintay ang unang teacher namin para sa araw na ito. Palagi na lang late si Ma'am nitong mga nakaraang araw. Kumpleto na kami lahat pero wala pa din siya. Yes. Nandito na din sila King. Naririnig ko mula sa likod ang boses ng mga kaibigan niya pero ni isang beses simula ng pumasok sila kanina ay hindi ko pa naririnig ang boses niya.

"Hindi daw bingi pero kanina ka pa walang imik dyan. Sige nga! Ano yung kinukwento namin sayo ha?" Hamon sa akin ni Ara.

"Ano ba kasi yun?"

"Yan! Yan ang hindi bingi!" Napailing na lang ako kay Yuki. Kalalaking tao ang lakas ng boses. Okay. Babae nga pala siya. "Ang sabi ko may bagong transferee! Ang gwapo niya baks! As in super duper!" Kilig na kilig naman itong si bakla.

Akala mo ngayon lang makakakita ng gwapo.

Hindi na ako nakapagreact ng bumukas na ang pintuan at pumasok si Mrs.Lopez.

"Good morning class. Before we start ay magpapakilala muna ang mga bagong classmates niyo. Come in." Napalingon kaming lahat sa pintuan.

Naunang pumasok ang isang babae. Ang ganda niya. Narinig ko ang hiyawan ng ibang lalaking classmate namin.

"Good morning. My name is Nancy Faye Montes. I'm from St. Claire's University." Nakangiting pagpapakilala niya.

Sunod namang pumasok ang isang lalaki. Dinig na dinig ko ang impit na tili ng mga babae pero mas nangingibabaw ang kay Yuki.

"Sean Marcus Montes." Yun lang ang sinabi niya. Magkapatid kaya sila?

"Please be nice to them class. Ms.Montes doon ka maupo sa tabi ni Leah." Nakangiting nagtaas ng kamay si Leah at naupo na sa tabi niya si Nancy. "And you Mr.Montes." Nilibot ni Ma'am ang tingin niya para maghanap ng bakanteng upuan hanggang sa huminto ang kanyang paningin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Oh there, sa tabi ka ni Queenie."

Hindi ko na kinailangang magtaas pa ng kamay dahil nakatingin na sa akin si Sean. Naglakad na siya palapit sa akin at walang salitang umupo sa tabi ko. Nagsimula na ang klase at nagkaroon pa ng short quiz. Mabuti na lang at nakinig ako. Mabuti naman at mukhang nakisama ang isip ko at hindi lumipad kung saan saan.

Nang dumating na ang pangalawang teacher namin ay nagpakilala ulit sila Sean at Nancy. Nancy is bubbly while Sean is so quiet. Parang sobrang ilap niya sa tao.

"May gagawin kayong project by partners kaya pumili na kayo ng gusto niyong makasama." Nagsimulang umingay ang buong klase. Kanya kanya ng pili ng kapartner.

Inirapan ko sila Ara at Yuki ng sinabi nilang sila na ang partner. Nginuso naman ni Yuki si Sean na tahimik lang. Para bang hindi na niya kailangan pa ng kapartner. Inilingan ko siya ng maintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang ayain ko si Sean para kami na lang ang magpartner.

"Sean, kami na partner ni Leah." Sigaw ni Nancy na nasa bandang unahan.

Tumango lang si Sean na para bang wala siyang pakialam. Yung parang mas gusto na lang niyang mag isa.

"Okay. Lahat ba ay may partner na?" Tanong ni Ma'am. Nagtaas ako ng kamay. "Ano yun Queenie?"

"Wala pa po akong partner."

"Me too." Napatingin ako kay Sean ng magtaas din siya ng kamay.

"Problem solved Queenie." Nakangiting sabi ni Ma'am.

Napatingin ako ulit kay Sean at bigla akong nailang ng makitang nakatingin din siya sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay na hindi ko pa pala naibababa.

"Baka mangawit ka." Walang emosyon niyang sabi bago ibinaba ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako.

Kasabay ng pagngiti din niya sa akin ay ang padabog na paglabas ni King sa classroom.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon