Chapter 11

1.2K 42 0
                                    

*Queenie's PoV

Ngayon ko lang narealize kung gaano nakakahiya yung mga pinagsasabi ko kanina. God! Ganito ba talaga ako noon pa? Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Hay.

Nakakahiya! I acted like a super jealous girlfriend. Baka nainis siya? O kaya baka biglang makipaghiwalay siya kasi ganito ako?

Napatingin ako kay King na ngayon ay ngiting ngiti habang inilalabas sa paper bag ang lunch na inihanda ko para sa kanya. Sobrang saya niyang tignan na para bang first time ko itong ginawa sa kaniya.

"Wow. You really cooked it for me?" manghang tanong niya.

"O-oo." nahihiyang sagot ko. "Bakit? Noon ba hindi kita ipinagluluto?"

"I always cook for us." nakangiting sabi niya. "You're always busy at work at mas gusto kong pinagsisilbihan kita."

Ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Ngayon alam ko na kung bakit pumayag akong magpakasal sa kaniya. He's sweet. Hindi na nakapagtataka na nahulog ako sa kaniya.

"Sige na kumain ka na." sabi ko at tinulungan siyang buksan ang tupperware na naglalaman ng ulam.

"How about you? Sabayan mo na ako." sumandok siya ng kanin at ulam bago itapat iyon sa akong bibig na inilingan ko naman.

"Tapos na ako. Para sayo talaga yan."

Lalong lumawak ang kaniyang ngiti ng marinig ang sinabi ko. Saglit akong napatitig sa kaniyang labi at agad na pinamulahan ng mukha ng maalala ang halik niya kanina.

Hindi na siya nagsalita at nag umpisa ng kumain. Bigla naman akong kinabahan. Ang sabi ni Ara kanina ay masarap naman daw ang luto ko pero masarapan din kaya siya? Hindi ba at nangyayari iyon? Masarap para sa iba pero sa iba naman ay hindi pasado ang lasa.

"Wow." nilunok niya muna ang nasa bibig niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "It's great. Marunong ka ng magluto."

Nakahinga ako ng maluwag dahil nagustuhan niya ang niluto ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at napangiti pero agad ding napalitan ng simangot ng maalala ang babae kanina.

"What's with the face?" tanong niya ng mapansin ang aking pagsimangot.

"Y-yung babae kanina." napayuko ako dahil sa hiya. "Mag uusap ba ulit kayo bukas?" nahihiyang tanong ko. "P-pwede bang sabihin mo na wag ganun ang isuot niya?"

Nag angat ako ng tingin sa kaniya ng marinig ang malalim niyang buntong hininga. Naabutan ko ang malalim at nakakakabang tingin niya sa akin.

"I love you so much, Queenie." punung puno ng sinseridad ang kaniyang mga mata ng sabihin iyon. "Kahit pa maghubad siya sa harapan ko wala akong pakialam. I'll only crave for you. You're the only one I see." nginitian niya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan para mawala ka sa akin, parang pinatay ko na din ang sarili ko. Just trust me okay? Ikaw lang Queenie. It's always you."

Napapikit ako ng muli niya akong halikan and this time I kissed him back.

Naghalf day na lang siya at nagdate na lang kami sa mall. I feel so happy and contended. Sa isang iglap ay gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang pagdududa.

Kinabukasan ay masaya akong nagising. Nangako kasi si King na trabaho lang talaga ang pag uusapan nila ng babae kahapon at wala ng iba pa. He also texted me good morning and I love you pero hindi ko na sinagot. Medyo naiilang pa din kasi akong mag I love you din sa kaniya.

"Wow. Mukhang maganda ang gising mo anak." nginitian ko si Mama at humalik sa kaniyang pisngi ng maabutan ko siyang nagluluto sa kusina.

"Wala po kayong pasok?" tanong ko habang nakatingin sa kaniyang niluluto.

"Day off ko ngayon." nakangiting sagot niya.

Nang matapos sa pagluluto si Mama ay sakto namang bumaba si Papa. I greeted him good morning then he kissed my Mom.

Bigla ko tuloy naisip si King. Ganyan din kaya kami kasweet pagtanda namin? Hindi ba siya magsasawa sa paglalambing sa akin? Iniisip ko pa lang ang future na kasama siya ay kinikilig at naeexcite na ako.

"Kamusta ka anak?" nabalik ako sa reyalidad ng tanungin ako ni Papa. "Any progress?" he's talking about my lost memories.

"Wala pa din po." malungkot kong sagot.

"It's okay anak." nakangiting sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko. "Just don't force yourself to remember everything. Makakaalala ka din." paninigurado niya.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now