Chapter 34

1.8K 73 37
                                    

* Queenie's PoV

Isang linggo na ang lumipas mula noong huli naming pag uusap ni King. Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa din ang sakit na nakita ko sa kaniyang mga mata ng tanggihan ko siya. Seeing him hurt makes me hurt too pero mas lalo lang gugulo ang lahat kapag pumayag ako sa gusto niya. Ayaw kong gawin ang bagay na yun kay Sean. He doesn't deserved that.

Simula noon ay hindi na niya ako pinansin. Kahit magkaklase kami ay hindi kami nagpapansinan. Maybe it's the best for the both of us. Mas tama na yung ganito ang nangyayari sa aming dalawa. Mas okay na yung magpanggap kaming hindi namin kilala ang isa't isa para wala ng maging problema pa.

Nagbalik na sa dati ang school. Nagbalik na yung King na kilala ko. Yung bully. Yung nagpapaexpelled ng estudyante dahil sa walang kwentang dahilan. Yung King na nambubugbog kapag natapakan o natapunan siya ng pagkain.

Yung King na papalit palit ng babae..

Ang sabi nila Third ay namomroblema sila ngayon kay King dahil mas lumala pa ito kumpara noon. Palagi daw siyang nasa bar at nagpapakalasing. Minsan ay magugulat na lang sila dahil may tumatawag sa kanila at sinasabing sunduin na si King dahil lasing na ito at nagwawala.

I don't know how to react everytime i see his cruel side. Kahit ako ay napansin ang malaking pagbabago niya. Ayaw ko mang isipin pero feeling ko ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. I shouldn't feel guilty pero minsan ay yun ang nararamdaman ko.

"Hey Queenie." Natigil ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Third.

Nakita ko silang lahat except kay King of course. Nandito ako ngayon sa school grounds at nagpapalipas ng oras. Vacant ko kasi at may klase naman sila Ara at Yuki pati si Sean kaya wala akong makasama.

"Hi guys!" Nakangiting bati ko sa kanila.

"Punta kayo ni Sean sa The Bar mamaya." Nakangiting sabi ni Clyde. "Just a simple celebration for my birthday."

"Oh. Birthday mo nga pala." I'm such a bad friend for forgetting Clyde's birthday. "Happy birthday Clyde."

"Thanks Queenie." Natatawang sabi niya. "Sabi na nga ba nakalimutan mo na naman." Natawa din ako at napailing na lang siya.

"Sure sasabihan ko si Sean mamaya."

"Great. Sinabihan ko na din sila Ara at Yuki sabay sabay na lang kayo."

Umalis na din sila agad dahil may klase pa daw sila. Naiwan ulit akong mag isa dito at nagbasa na lang.

"I love you. You said you'll try to love me too right? Hanggang ngayon ba siya pa din King?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pangalan niya. Nakita ko siyang may kasamang ibang babae na umiiyak sa kaniyang harapan. Pareho silang nakatagilid sa akin kaya hindi nila ako agad napansin. Tumayo na ako para umalis na sana pero natigilan ako ng marinig na magsalita si King.

"I didn't told you that i will try to love you. Ikaw ang lumapit sa akin. You wanted my attention kaya binigay ko." Seryosong sabi niya. "Alam mong isang araw ko lang kayong kailangan di ba? And don't dare to mention her again." Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naninikip ang dibdib ko sa di malamang kadahilanan. Naglakad na ako ulit para makalayo na dito. Para makalayo na sa kaniya.

Paglabas ko ng classroom ay nakita ko agad si Sean. Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagdala.

"How's your day?" Tanong niya habang magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa parking lot.

"Okay lang naman. By the way, Clyde invited us." Masayang sabi ko. "Punta daw tayo sa The Bar mamaya for his birthday celebration."

"Yes. Sinabi niya sa akin kanina ng magkasalubong kami." Nakangiting sabi niya.

Nang makarating kami sa parking lot ay siya ang naglagay ng helmet sa akin katulad ng lagi niyang ginagawa. Hindi ko tuloy maiwasan ang sarili kong titigan siya. Sean is a perfect boyfriend. Hindi man siya masyadong showy sa harap ng maraming tao ay clingy naman siya kapag kaming dalawa na lang. Hindi siya nagdedemand. Kung ano lang yung kaya kong ibigay ay tanggap niya. He's willing to wait hanggang sa tuluyan na akong maka move on kay King and i feel sorry for him. Dahil heto siya at minamahal ako samantalang hindi ko alam kung paano ko masusuklian iyon.

"I love you babe." Nakangiting sabi niya ng masuot na sa akin ang helmet.

Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Natawa ako ng mahina ng makita kung paano siya matigilan. He's so cute.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. Sean deserved everything from me.

"I love you too babe." Nakangiting sambit ko.

--------
Hi guys! Alam kong sinabi ko na lahat ng story ko eh mag UUD na ako ngayon pero hindi ko pala kaya hahaha. Nagyabang lang eh no? Sorry sa mga umasa.. Sana nagustuhan niyo ang UD ko sa tatlong story. Salamat sa support.. Till next UD 😚

Bad Boy In Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن