Chapter 7

2.3K 104 32
                                    

* Third's PoV

"Anong gusto mong gawin ko? Kumandong sa babae mo? Paalisin siya? Sabunutan siya dahil inagawan niya ako ng pwesto? Just enjoy with her and I'll enjoy my food."

Pagkatapos sabihin ni Queen ang mga salitang iyon ay umalis siya dala ang kanyang plato at bumalik sa buffet table. Lahat kami ay napanganga ng magawa niyang sagutin ng ganoon si King. Napatingin ako sa aking kaibigan na ngayon ay nakatingin sa likod ni Queen na abalang abala sa pagpili ng kakainin.

Napangisi ako. Mukhang nakahanap na si King ng katapat. Tinignan ni King si Lalaine, yung babaeng dahilan kung bakit nagalit sa kanya ang Queen niya. Such a gay words! Tss.

"Leave this table before i drag you to hell." Nakakatakot na sabi ni King kaya naman tumakbo agad palayo ang babae.

Napailing na lang ako. Tinignan ulit ni King si Queen pero hindi niya ito nilapitan. Bumalik siya sa upuan niya at uminom ng alak.

"Wow." Comment ni Clyde na mukhang ngayon lang nakarecover. "That was.. Wow." Mukhang nahirapan siyang hanapin ang tamang salita kaya napawow na lang ulit siya.

"She's so fucking great. I mean she's really interesting." Manghang sabi ni George.

Nalipat ang tingin ko kay Noah na ngayon ay nakatingin pa din kay Queen. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? I know he likes Queenie.

Grade ten kami noon ng sabihin niyang nagkakagusto siya sa isang babae. Nakita daw niya yung babae sa library na mag isang nagbabasa. Tandang tanda ko pa noon ang paghanga sa mukha at boses niya ng sabihin niya kung gaano kaganda ang babaeng nakita niya. Kaya naman nagpatulong siya sa akin na alamin ang pangalan ng babaeng yun.

Queenie Janine Fajardo..

Gustong gusto niya noong lumapit pero dahil sa bad boy image namin ay nawawalan siya ng pag asa na magustuhan din siya ni Queenie. Kaya naman nakuntento na lang siya noon na sumulyap sulyap na lang. Hindi ko alam kung seryoso talaga siya sa sinabi niya kanina at nagsinungaling na lang na nagbibiro lang para hindi siya mahalata ng iba. Sa aming lahat kasi ay ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman niya para kay Queenie dati. Hindi ko nga lang sigurado kung hanggang ngayon ganun pa din but by looking at him right now alam kong mayroon pa din.

Noong araw na natapunan ng pagkain ng kaibigan ni Queenie si King at humarang siya mismo ay kitang kita ko kung paano niya pinigilan si Wayne noon. Siguro kung hindi siya pinigilan ni Noah ay talagang nasuntok na si Queenie.

Tinignan ko naman ngayon si King na seryosong nakatingin lang sa hawak niyang baso na may lamang alak. I don't know what's his thinking right now. Minsan ay mahirap siyang basahin tulad na lang ngayon.

Natigil ako sa pag iisip ng makitang tumayo si King at nilapitan si Noah. Akala ko kakausapin niya lang pero lahat kami ay nagulat ng bigla niyang suntukin si Noah. Lahat kami ay napatayo at inawat siya.

"What the hell King?!" Gulat na sigaw ni Noah at pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Kanina pa kita gustong suntukin." Nanggigigil na sabi ni King. Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak namin pero hindi din kami nagpatinag. "Why do you keep on staring at her huh? Talaga bang tataluhin mo ako Noah?" Tanong niya na nagpatigil kay Noah.

Napatingin ako kay Noah na ngayon ay hindi makasagot. Shit Noah! Wag ka ng magsalita pa. Please lang. Kumawala si Noah mula sa pagkakahawak nila Ryan at Wayne.

"I don't know what you're talking about King." Naiiling na sabi niya.

Good answer Noah!

"Don't make me stupid! I know what i saw Noah and you know me. Kahit kaibigan kita hindi kita palalampasin. So you better move your fucking ass away." Pagbabanta ni King.

"King! Si Queenie!" Napalingon kami ng marinig ang boses ng isang miyembro namin.

Wala sa sariling napatingin ako sa buffet table at napamura na lang ng hindi ko nakita si Queenie. Hindi ko man lang napansin na lumabas na pala siya.

Hindi na kami nakapalag ng malakas na kumawala sa amin si King. Tumakbo agad siya palabas kaya sumunod kami. Nagkakagulo na ang lahat at naabutan naming inaawat ng iba si Lalaine. Lalapit na sana si King sa kanila ng biglang tinulak ni Lalaine si Queenie sa pool.

Shit!

----------

May revelation si Papa Third! Hahahaha. Maraming salamat sa pagbabasa ☺☺☺☺

Bad Boy In Love (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα