Chapter 12

1.2K 45 3
                                    

* Queenie's PoV

Dahil wala naman akong ginagawa at saktong wala ding pasok sila Yuki at Ara ay napagdesisyunan namin na magbonding. Sinundo nila ako sa bahay dahil iyon ang ibinilin ni King bago niya ako payagang lumabas. Mukhang takot na talaga siyang lumabas akong mag isa. Parang mas natrauma pa nga siya kaysa sa akin.

"Kasama ko na sila." napakagat labi ako ng bumuntong hininga si King sa kabilang linya.

"Just be safe baby loves. Wag na wag kang hihiwalay sa kanila ha." paalala niya.

Sasagot na sana ako pero biglang sumigaw si Ara.

"Kami na bahala sa pinakamamahal mo King! Ibabalik namin siya ng buo sayo." bigla akong nahiya sa isinigaw niya pero natawa na lang din.

"Sige na. Ingat ka ha." nakangiting sabi ko.

"I will. Mag ingat ka din. I love you."

Pareho kaming natahimik pagkatapos noon. Nakagat ko ang pang ibabang labi habang pinapakinggan ang kaniyang paghinga.

Should i say it back?

"K-king." natigil sa pagkukwentuhan yung dalawa at napalingon sa akin. Lalo akong nahiya pero tinuloy ko pa din ang gustong sabihin. "I love you too!" mabilis kong sabi.

Pagkasabi ko noon ay pinatay ko agad ang tawag. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Tinignan ko sila Ara na nakatulala lang sa akin. Para bang nagkaroon ako ng isa pang ulo kung makatingin sila sa akin. Lalo akong nahiya ng bigla silang tumawa.

"Dalaga ka na bakla!" natatawang sigaw ni Yuki.

Napailing na lang ako at lihim ding napangiti. Napahawak pa ako sa aking dibdib para damhin ang bilis ng tibok ng aking puso. Nakakahiya naman ito. Parang akong high school student na kinikilig.

But i miss that feeling..

I miss telling him that i love him too..

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng muli itong magring.

Baby loves calling..

Bigla na naman akong kinabahan at lalong lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa muli niyang pagtawag. Shit! Hindi ko pa nga naaawat ang nagwawala kong puso ko eh.

"Ayaw talaga magpaawat ni King." naiiling na sabi ni Ara.

"B-bakit?" tanong ko ng sagutin ko ang kaniyang tawag.

"Wag mo akong biglain ng ganun baby loves. Shit! I almost dropped my phone."

Lumaki lalo ang aking ngiti dahil sa kaniyang sinabi.

"Talaga? Kinilig ka ba?" pang aasar ko pa sa kaniya.

"Oh shit!" mahinang sabi niya pero narinig ko pa din. "Gusto na kitang sunduin ngayon." natawa ako dahil doon.

"Hindi pa nga kami nakakapaglibot dito sa SM eh. Sige na mamaya na lang ulit. Bye." pinatay ko na agad ang tawag at agad na sumunod kina Ara.

"Kinilig ang hari no?" pang aasar ni Yuki ng makalapit ako sa kanila.

"Wag mo kasing biglain." sabi naman ni Ara at tumawa.

Namili kami ng ilang damit at bumili din ng mga regalo si Yuki dahil uuwi daw siya next week sa probinsiya nila.

"Taga saan ka ba?" tanong ko habang nagtitingin ng mga damit.

"Sa Samar bakla." sagot niya at sinipat ng tingin ang tshirt na hawak niya. "Kasya siguro ito kay Tatay."

May nakita akong itim na longsleeve polo kaya kinuha ko iyon. Itinaas ko sa ere ang damit at naimagine na suot iyon ni King habang nakarolyo hanggang siko ang manggas.

Gwapo!

"Para kay King?" tanong ni Ara at doon ko lang napansin na medyo napatagal na pala ang aking tingin sa polo.

"Oo sana. Magugustuhan kaya niya?" nag aalalang tanong ko.

Hindi ko pa din kasi matandaan kung ano ang mga gusto at ayaw niya kaya nagdadalawang isip pa din ako.

"Naku bakla!" napatingin ako kay Yuki ng magsalita siya. "Kahit butas butas na damit ang ibigay mo kay Papi King ay paniguradong magugustuhan niya pa rin!"

Natawa ako at napailing bago tuluyang kunin ang polo. Kumuha din ako ng isang blouse at tshirt para kina Mama at Papa.

Nang matapos kaming magbayad ay humanap naman kami ng pwedeng pagkainan. Sa huli ay sa MCDO na lang kami kumain. Panay pa din ang aming kwentuhan habang kumakain. Nililingon na nga kami dito dahil sa lakas ng tawa ni Yuki.

"Manahimik ka na nga baks!" saway ni Ara pero natatawa din naman.

Napatingin ako sa labas at natigil ang aking pagtawa ng may makitang isang lalaki na naglalakad habang nakapamulsa. Bigla akong kinabahan ng matitigang mabuti ang kaniyang mukha. Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit.

Nakita ko pa ang pagngisi niya sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora