Chapter 1

1.8K 63 24
                                    

* Queenie's PoV

"Ma, aalis na po ako."

"Ingat anak."

Hinalikan ko sa pisngi si Mama bago tuluyang umalis. Isang buwan na din ang lumipas ng magsimula ako sa aking trabaho.

Tourism management ang course ko kaso ay sa hotel ang bagsak ko. Gusto ko sanang maging flight attendant but King insisted na sa kumpanya nila ako magtrabaho para kapag ikinasal na kami ay kahit papaano may alam ako sa business ng pamilya pero tumanggi ako. Feeling ko kasi ay wala akong magagawa doon lalo na at nandoon din siya kaya sinabi kong sa hotel na lang nila ako magtatrabaho. I'm working as a hotel manager. Ang sabi ko nga ay kahit front desk lang ako pero ayaw naman ni King. Noong una ay ayaw niya akong pagtrabahuin but i told him that it was my dream. Gusto ko munang matulungan sila Mama. Gusto kong magawa muna yung pangarap ko bago ako maging full time wife niya.

Napangiti ako.

Full time wife..

Pagdating ko sa hotel ay agad akong sinalubong ni Jennie. Isa sa mga front desk.

"Good morning Ma'am." nakangiting bati niya.

"Good morning din. Dumating na ba yung artista? Ang daming tao sa labas." tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay ngayong umaga ang dating nun.

"Ah hindi pa po Ma'am pero sinundo na po sila sa airport." napatango ako sa kanyang sagot.

"Okay sige. Pupunta lang ako saglit sa office."

Kinuha ko sa aking bag ang cellphone ko ng tumunog ito. Napangiti ako ng makita ang kanyang pangalan. Agad ko itong sinagot.

"Good morning baby loves." napapikit ako ng marinig ang boses niya. "Nasa work ka na? Mamaya ha. Susunduin kita."

"Good morning baby loves." nakangiting bati ko kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Nagkita naman tayo kahapon at magkikita naman mamaya pero namimiss pa din kita." napailing na lang ako sa sinabi niya.

"I miss you too. Nasa office ka na?" ni loud speaker ko ang tawag habang tinitignan ang mga papel sa aking table.

"Yup. May lunch meeting ako mamaya sa labas. Don't worry lalaki ang kameeting ko." natawa ako sa sinabi niya kaya natawa din siya.

"Baliw! Sige na. Ingat ka. I love you."

"I love you too. So much."

Pagkatapos ng tawag na iyon ay ginawa ko muna ang ilang paper works. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ulit. Binati ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Binasa ko ang ilang problema sa hotel na ibinigay sa akin ni Jennie.

"Pakitawagan yung maintenance na ayusin yung shower sa room 543 tsaka naayos na ba yung pinapaayos ko sayo kahapon?"

"Yes Ma'am okay na po."

Napatango ako. Napatingin ako sa entrance ng hotel ng makarinig ako ng ilang tilian at pagpunta din doon ng mga crew. Naging alisto naman ang mga security guard namin para pigilan ang ibang tao na nagkakagulo.

"Naku! Sila na yata yan Ma'am." kinikilig na sabi ni Jennie.

"Akala ko ba hindi alam ng mga fans na dito ang tuloy niya? Parang mas dumami yung mga tao na naghihintay kanina." takang tanong ko.

"Naku Ma'am ganyan talaga kapag die hard fans. Hindi na ako magugulat kung sinundan nila dito si V mula sa airport."

Hindi na ako nakigulo doon at hinintay na lang silang makarating dito para batiin.

"Ano nga ulit ang pangalan niya?" tanong ko kay Jennie habang hindi inaalis sa entrance ang tingin.

"Ah si Kim Taehyung po Ma'am." kinikilig niyang sagot. "Mas kilala siya sa stage name na V. Member ng korean group na BTS. Sayang nga po at siya lang mag isa. Ang alam ko po ay may offer sa kanya na maging commercial model kaya nandito siya. Dito po sa bansa napili ang shooting." napatango ako sa kanyang sagot.

Nauuna sa paglalakad ang mga kasama niyang bodyguard at mukhang manager niya na inilalayo siya sa mga nagkakagulong tao. Nakayuko siya habang may suot na beanie at face mask.

"Good morning." nakangiting bati ko ng makalapit sila sa amin. "Welcome to our hotel." bahagya akong yumuko.

(kunwari na lang po ay english speaking na sila V ha? Hehehehe..)

"Good morning too." bati ng tingin ko ay manager.

"Teddy, pakihatid na sila sa kwarto nila." tinanguan ko ang aming bellboy.

Nang maglalakad na sila paalis ay saka lamang nag angat ng tingin yung Taehyung. Nailang ako sa kanyang titig kaya nag iwas ako ng tingin pagkatapos siyang ngitian.

----------

Surprise?? Hehehehehe..

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now