Chapter 16

1.2K 46 0
                                    

* Queenie's PoV

Bumalik din ako sa loob ng aking opisina pero hindi pa din mawala sa isip ko yung lalaking nakita ko kanina. Feeling ko talaga kilala ko siya eh. Pakiramdam ko nakita ko na siya noon. Malakas ang pakiramdam ko. Hindi kaya siya din yung nakita ko sa mall nung isang araw?

Bigla akong kinabahan at napahawak sa aking ulo. Paano kung siya nga yun? Paano kung siya yung kasama ko noong naaksidente ako? Paano kung may plano talaga siyang masama sa akin? Nandito ba siya para ituloy kung anuman yung balak niya noon? Papatayin niya ba ako?

"Queenie!" napatingin ako sa bumukas na pintuan at pumasok sila Noah na hinihingal pa.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Wayne.

"Sabi ni Jennie lalabas ka daw. Bakit?" tanong naman ni George.

Napatingin ako kay Noah na tinitignan ang paligid. Sumilip pa siya sa bintana na parang may tinitignan din doon.

"May nakita ka bang kahinahinala?" tanong ni Noah ng magtagpo ang aming mga mata.

Bigla kong naalala yung lalaki kanina kaya sinabi ko sa kanila iyon.

"Lalaki? Naka mask at cap?" kunot noong tanong ni Noah.

"Oo. Nakatingin siya sa akin kaya lalabas sana ako pero pinigilan ako ni Jennie tapos nung tignan ko ulit yung pwesto niya kanina ay wala na siya doon."

"Wag na wag kang lalabas lalo na kung hindi mo kilala yung tao. Hindi pa nahuhuli kung sinuman yung kasama mo noong aksidente kaya dapat mag ingat ka." paalala ni Wayne kaya napatango ako.

"Let's check the CCTV." sabi ni Noah na agad sinang ayunan ng dalawa.

Sumama ako sa kanila kahit sinabi nilang maiwan na ako. Gusto kong malaman kung sino iyong lalaki na yun. Hindi ako matatahimik lalo na't malaki ang posibilidad na siya nga yung kasama ko noong araw na maaksidente ako.

"Ito ba?" tanong ni Noah habang nakapause ang video kung saan naroon ang lalaki kanina.

"Oo siya nga." agad kong sagot.

Nagkatinginan silang tatlo at parang nag uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Kinuha ni Noah ang kaniyang cellphone at mukhang may tatawagan. Tinignan niya ako saglit bago siya lumabas ng CCTV room. Si Wayne naman ay lumabas din para daw sabihan ang mga guard na higpitan ang pagbabantay sa buong hotel.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay George na nakatingin doon sa lalaki at mukhang may malalim na iniisip. "Huy!" nagulat pa siya ng kalabitin ko siya.

"Ha?" gulat niyang tanong.

"Anong nangyayari?" tanong ko ulit.

"Nothing. Just be safe and nothing bad will happen." makahulugang sagot niya.

Mas lalo kong napatunayan na yung lalaki kanina at yung kasama ko noong aksidente ay iisa. Kinakabahan ako at natatakot pero ayaw kong maging duwag. Palagi na lang silang nag aalala sa akin. Gusto kong malaman kung bakit niya ako kinuha at iniwan na lang sa bangin. Kung plano niya ngang patayin ako ay gusto kong malaman kung bakit. May nagawa ba akong masama sa kaniya? Anong atraso ko sa kaniya para pagtangkaan ang buhay ko?

Sa lobby na lang ako naghintay habang busy pa sila Noah. May mga pulis din na dumating kanina. Ganito na ba talaga iyon kalala para tumawag pa sila sa mga pulis?

"Baby loves." nang marinig ko ang boses ni King ay saka lang nawala ang kabang nararamdaman ko.

"K-king." pakiramdam ko ay naiiyak ako ng makita ang nag aalala niyang mukha.

Niyakap niya ako agad ng makalapit siya sa akin.

"I'm here. I'm sorry baby loves." tuluyan na akong naiyak ng marinig ang malambing niyang boses. "I'm sorry. Dapat ako ang nagbabantay sayo."

"N-natatakot ako." pag amin ko.

Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I'm here. Don't be scared." paninigurado niya at naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng aking ulo.

Nang kumalma ako ay iniwan ako saglit ni King para makipag usap sa mga pulis at sa mga kaibigan niya. Kitang kita ko ang pag igting ng kaniyang panga at ang galit sa kaniyang mga mata habang nakikinig sa mga sinasabi nila Noah. Nakakuyom din ang kaniyang mga kamao at parang kaunti na lang ay sasabog na.

Nang lumingon siya sa akin ay agad ding lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naikuyom ko ang aking kamao dahil naduduwag na naman ako. Dapat magpakatatag din ako. Hindi pwedeng ako na lang palagi ang nililigtas at inaalala.

I have to be brave.

I need to save myself too.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon