Chapter 13

1.2K 47 0
                                    

* Queenie's PoV

Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig. Gusto ko ng dumilat pero hindi ko magawa dahil natatakot akong baka sumakit na naman ang aking ulo. Baka sa susunod na mahimatay ako ay matuluyan na ako.

"What happened to her?" narinig ko ang boses ni King.

"H-hindi namin a-alam." nanginginig ang boses ni Ara at halatang umiiyak. "B-bigla na lang siyang sumigaw kanina at n-nawalan ng malay. I'm sorry King, Tita, Tito." tuluyan ko ng narinig ang kaniyang malakas na paghikbi.

"Wag ka ng umiyak Ara." mahinahon ang boses ni Mama ng sabihin iyon. "Thank you at naisugod niyo siya ng mabilis dito."

"We're so sorry Tita." boses iyon ni Yuki.

Naramdaman ko ang kamay na humaplos sa aking ulo. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Unti unti akong nagmulat ng mga mata at nakita ang nag aalalang mukha ni King.

"Baby loves. Are you okay? What are you feeling?" tipid akong ngumiti.

"I'm okay." mahinang sagot ko.

Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ang mga magulang ko at mga kaibigan na nag aalalang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili. I feel so weak. Pinag aalala ko ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Anak, ano bang nangyari sayo? Bigla ka daw sumigaw kanina at nawalan ng malay." nag aalalang tanong ni Papa.

Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko kanina sa mall. Nakaramdam ako ng kaba at takot ng makita siya. Hindi ko alam kung kilala ko ba talaga siya at ganoon na lang ang naramdaman ko ng makita siya.

"M-may nakita akong lalaki kanina sa mall. I felt scared and nervous ng makita siya." kwento ko sa kanila.

"Lalaki?" kunot noong tanong ni King.

"Oo. Bago ako mawalan ng malay kanina nakita ko pang nginisian niya ako tapos biglang sumakit ang ulo ko."

Napansin ko na parang may malalim na iniisip si King. Nakapameywang siya at nakatingin sa akin pero alam kong tumatagos sa akin ang tinging iyon.

Pumasok ang doktor at tinanong kung sumasakit pa din ang aking ulo. Binigyan din niya ako ng gamot kung sakaling sumakit pa ulit ito.

Lumabas sila Mama, Papa at King para daw kausapin ang doktor. Napatingin naman ako kina Yuki at Ara. Nagdadalawang isip sila kung lalapitan na ba ako. Maybe they felt guilty dahil sila ang kasama ko kanina ng mawalan ako ng malay.

"Bakla! Sorry talaga." naiiyak na niyakap ako ni Ara.

"Okay lang yun. Wala kang kasalanan." paninigurado ko.

"Okay ka na ba talaga baks?" nginitian ko si Yuki at tumango bilang sagot. "Kinabahan talaga kami kanina ng mahimatay ka. Nataranta nga kami eh. Ito namang si baklang Ara umiyak pa! Edi lalong nataranta ang beauty ko! Jusko! Muntik na nga rin akong mahimatay." natawa ako sa kwento niya.

"Salamat sa inyo kasi kahit natataranta na kayo dinala niyo pa din ako dito sa ospital." biro ko sa kanila.

"Dapat lang baks no! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo." nginitian ko silang dalawa at niyakap.

I'm happy that they're my friends. Mabuti na lang at kahit hindi ko sila maalala ay hindi pa din nila ako iniwan.

Nang bumalik si King ay hindi na niya kasama sila Mama. Ang sabi niya ay umuwi daw ang mga ito para kumuha ng damit ko dahil kailangan ko pa daw magstay dito.

"Why? I'm perfectly fine, King." naguguluhang tanong ko. "Gusto ko ng umuwi." pakiusap ko pero inilingan niya lang ako.

"I know but you need this." masuyong sabi niya. "Just two days and then we can go home." wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo bago muling tinignan. "You made me so worried. Hindi ko na kakayanin kapag may nangyari pa ulit na masama sayo."

"I'm sorry. Ano pala ang sabi ng doktor?"

Huminga siya ng malalim bago ngumiti sa akin.

"Wag mo na munang isipin iyon. It's okay. You're okay. Just rest baby loves and don't make me worry again."

Gabi na ng bumalik sila Mama. May dala din silang pagkain dahil alam nilang ayaw ko ng lasa ng pagkain dito sa ospital.

"Kumain ka ng marami anak. Kailangan mo yan para bumalik agad ang lakas mo." nginitian ko si Mama na todo asikaso sa akin.

"Thanks Ma."

"You're welcome baby." she smiled then kissed me on my forehead.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon