Chapter 19

1.2K 37 1
                                    

* Queenie's PoV

Napatingin ako kay King na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa akin.

"Are you okay? What happened?"

"Alam ko na kung sino ang kumidnap sa akin. Naaalala ko na." bigla siyang natigilan dahil sa narinig.

Umigting ang kaniyang panga at medyo dumiin ang kaniyang hawak sa aking balikat.

"Sino? I will fucking kill them." galit na sabi niya.

"Sila Nancy at Oliver."

Nang banggitin ko ang mga pangalan na iyon ay agad niya akong hinila patayo.

"Bastards." bulong niya.

Inalalayan niya akong umupo sa sofa sa sala bago niya kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan.

"Naalala na ni Queenie kung sino ang kumidnap sa kaniya." bungad niya sa kabilang linya. Nilingon niya ako at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "Maglabas kayo agad ng warrant of arrest. Gusto kong mabulok sa kulungan ang dalawang iyon."

Nag simula na ang mga pulis sa paghahanap kina Oliver at Nancy. Tinanong ko din si Sean kung nasaan ang pinsan niya pero maging sila ay wala na daw balita tungkol dito.

Galit na galit si King sa bawat pagdaan ng araw na hindi nahahanap ang dalawa.

"Kating kati na ang mga kamao ko na suntukin ang Oliver na yun." narinig kong sabi niya habang kausap sila Noah.

Nanatili akong nakasandal sa ding ding malapit sa kwarto at pinakinggan na lang ang kanilang pag uusap.

"I can't believe na kakampi pa talaga si Nancy sa lalaking yun." boses ni Clyde.

"Well, pareho sila ng gustong mangyari kaya hindi na kataka taka." sagot naman ni Third.

"Hindi naman sila makakalayo dito. Wanted sila kaya hindi sila makakalabas ng bansa." sabi ni Ryan.

May nagring na cellphone kaya natigil sila sa pag uusap.

"Hello Dad." napaayos ako sa aking pagkakatayo ng marinig ang boses ni King. "Papunta na kami."

"Ano daw?" boses ni Wayne.

"Nahuli na ng mga pulis sila Nancy at Oliver."

Agad akong lumabas sa kwarto ng marinig iyon.

"Sasama akong puntahan sila." lahat sila ay napatingin sa akin.

Nakita kong tumango si King kaya napangiti ako at agad nagbihis.

Kinakabahan ako habang papunta kami sa presinto. Nanlalamig ang aking mga kamay sa hindi malamang kadahilanan. Agad akong napatingin kay King ng hawakan niya ang aking mga kamay.

"Everything will be fine." nakangiting sabi niya. "Maaayos na ang lahat."

Tumango ako at nginitian siya. Tinawagan niya kanina ang parents ko at papunta na din daw sila.

Nang makarating sa presinto ay hindi ko napigilan si King ng bigla niyang suntukin sa mukha si Oliver na ngayon ay nakaposas na. Agad namang inawat nila Noah si King.

"Hayop ka! Papatayin talaga kita!" sigaw ni King habang pilit na kumakawala sa hawak nila Third.

Bigla namang tumawa si Oliver na lalong ikinainit ng ulo ni King.

"Talaga? Patayin mo na ako para makulong ka din!" nalipat ang tingin niya sa akin kaya napaatras ako. "Sayang. Kung alam ko lang na mabubuhay ka pa pala dapat tinuluyan na kita."

Hindi na naawat nila Third si King nang makawala ito at suntukin na naman si Oliver. Nalipat ang aking tingin kay Nancy na ngayon ay umiiyak at masama ang tingin sa akin.

"This is all your fault! Kasalanan mo ito! Kung hinayaan mo lang sana sa akin si King hindi mangyayari ang lahat ng ito! Dapat namatay ka na lang!" sigaw niya.

Lumapit ako sa kaniya at bigla siyang sinampal. Nagulat ang lahat sa aking ginawa at tumahimik ang paligid.

"Para yan sa pagkuha sa akin." sinampal ko ulit siya ng isang beses. "At para yan sa pag angkin kay King na kahit kailan ay hindi naman naging iyo." pinunasan ko ang tulong lumuha sa aking pisngi.

Kinasuhan namin sila Nancy at Oliver ng attempted murder at kidnapping. Nang matapos ang hearing at napatunayan na may kasalanan silang nagawa ay hinatulan sila ng habang buhay na pagkakakulong.

Humihingi ng tawad ang kanilang mga pamilya pero hindi ko na pinakinggan ang mga hinaing nila. Desidido na akong ipakulong silang dalawa dahil sa ginawa nila sa akin.

"I'm sorry sa nagawa ni Nancy." napatingin ako kay Sean ng magsalita siya sa aking gilid. Diretso lang ang kaniyang tingin sa nagwawalang si
Nancy na ayaw magpahawak sa mga pulis. "She deserve it. Dapat niyang pagbayaran ang mga ginawa niya sayo." tumingin siya sa akin at bahagya akong ngitian. "I'm glad you're safe, Queenie. Hindi ko din mapapatawad ang pinsan ko kung may masamang nangyari sayo."

"Thank you, Sean." tinignan ko ulit sila Nancy at Oliver na ngayon ay hila hila na ng mga pulis. "Ayaw ko din namang gawin ito. Ayaw kong ipagkait sa kanila yung mga panahon na dapat malaya sila pero alam kong hindi din nila kami titigilan ni King kung iuurong ko ang kaso."

"You did the right thing to do." dinig kong sabi niya pero hindi ko na siya nilingon.

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon