Chapter 11

2.3K 104 72
                                    

Sorry sa mga umasang si Taehyung ay si Noah hahaha. VSoo fan talaga ako. Pangalawa ang KookSoo at pangatlo ang SuJi (Suho-Jisoo) kaya naman kapag si Taehyung ang nilagay ko as Noah eh baka mauwi na namang luhaan at third wheel si Jungkook. So ayun! Sorry hehehehe 😂😂😂

-------------

* Third's PoV

Nang lumabas sa kusina si Queenie ay sinuntok ni Noah si King.

"That's for hurting her feelings." Galit na sabi niya. "Hindi ko alam na ganyan na pala kakitid ang utak mo King."

Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila King at Queenie. Dalawang araw na ding hindi pumapasok si Queenie at dalawang araw na din mula ng lumala ang ugali ni King. Naaawa na lang ako sa mga taong napagbubuntunan niya ng galit. Yung tipong titignan lang siya pero susuntukin na agad kapag lalaki at ipapaexpell naman kapag babae.

He's so uncontrollable. Hindi na namin siya mapigilan. Hindi na din siya nakikinig sa amin. Hindi na din niya pinapansin si Noah.

Pangatlong araw na ngayon at kahit hindi ako sanay ay ipinanalangin ko na sana pumasok na si Queenie. Sana lang ay pakinggan ako.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob ng makita ang dalawa niyang kaibigan pero agad ding nabigo ng pumasok na ang teacher namin. Napatingin ako kay King na nakakuyom ang kamao.

Gusto ko man siyang suntukin ngayon at isigaw na kasalanan niya ang lahat ay hindi ko magawa. Napailing na lang ako at napatingin sa pintuan ng may biglang kumatok. Napaupo ako ng maayos ng bumukas ito at pumasok si Queenie.

"Sorry Ma'am, I'm late." Napakunot noo ako ng marinig ko ang pagod niyang boses.

"Oh Ms.Fajardo. Okay ka na ba ngayon?" Lalong nangunot ang aking noo ng marinig ang itinanong ng teacher. Anong nangyari sa kanya?

Napatingin ulit ako kay King na ngayon ay seryoso lang na nakatingin kay Queenie.

"Okay na po." Sagot niya pero malayo sa hitsura niya ngayon.

Wala ng nagawa ang teacher at pinaupo na lang siya. Nakayuko lang siya habang naglalakad papunta sa kanyang upuan. Kating kati na akong tanungin kung anong nangyari sa kanya pero nagsimula na ang klase.

-----------

* Queenie's PoV

Nang umalis ako ng araw na yun ay maghapon akong nag stay kina Ara. Dinamayan nila ako at hindi na din sila pumasok. Galit na galit sila kay King ng ikwento ko ang nangyari. Kinagabihan noon ay nilagnat naman ako. Tumawag lang si Daddy sa school para ipaalam ang lagay ko.

Hindi ako tumingin sa gawi nila kahit napapansin kong tinitignan nila ang lahat ng galaw ko.

"Sabi naman sayo baks wag ka munang pumasok eh." Sermon ni Yuki. "You look so sick."

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Grabe. May binubugbog na naman daw si King sa gym sabi ng boyfriend ko." Dinig kong sabi ng babae na nasa katabi naming table kaya napatigil ako sa pagkain.

"Talaga?" Tanong ng kasama niya.

"Oo. Ngayon ngayon lang. Kakatext lang sa akin."

"Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit lumala na siya ngayon? Nagsimula lang siya maging ganyan ulit after ng birthday ni Third eh. Araw araw na siyang may binubugbog at pinapa expell."

Nawalan ako ng gana dahil sa narinig ko. Mas lumala siya ngayon? Ako ba ang dahilan? Ginalit ko ba talaga siya para maging ganito siya?

Hinawakan ni Ara ang kamay ko ng tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"I need to stop him." Kinuha ko ang bag ko at tumakbo na papunta sa gymnasium. Kahit nanghihina pa ako ay pinilit ko pa ding mapuntahan siya.

Dinig na dinig ko ang daing at pagmamakaawa ng lalaking binugbog niya pagkapasok ko sa gymnasium. Sumingit ako sa mga estudyanteng nanonood para makapunta sa harapan. Halos takpan ko ang aking mga mata ng makita ang sinapit ng lalaki. Susuntukin sana ulit siya ni King pero tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang kamao niya.

Napalitan ng pagkabigla ang nanlilisik niyang mga mata ng makitang ako ang umawat sa kanya.

"Can you stop now?" Seryosong tanong ko. "Mapapatay mo na yung tao."

Binaba na niya ang nakataas niyang kamao kaya binitawan ko na din siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang pinag aaralan ang mukha ko. Bigla tuloy akong nailang.

"If i stop now." Sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Will you go back to me?"

Natigilan ako sa tanong niya. Maya maya ay natawa ako ng mahina.

"Go back?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Wala naman akong iniwan para balikan at hindi din ako iyo."

"Really?" Ngumisi siya sa akin. "I'll make you mine then."

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nanlalaki ang aking mga mata pero siya ay nakapikit na.

He's fucking kissing me!

Bad Boy In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon