Chapter 9

2.4K 99 20
                                    

* Queenie's PoV

Nagising ako ng maramdamang may mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan at binti. Unti unti akong dumilat at tinignan kung ano ang bagay na nasa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang braso ito na nakayakap sa akin!!

Tinignan ko kung sino ang nagmamay ari nito at biglang nawala ang antok ko ng makitang mahimbing na natutulog si King. Naalala ko na nandito nga pala kami kina Third. Nanlaki ang mga mata ko ng maalalang naka bath robe lang ako! Wala akong ibang suot sa loob! Pakiramdam ko'y nag init ang pisngi ko.

Tumingin ako ulit kay King at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa gwapo niyang mukha. Mukha siyang anghel kapag tulog pero kabaligtaran naman kapag gising na. Wala sa sariling napangiti ako. Bumaba ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong sunod naman sa kanyang labi na bahagyang nakaawang. It looks so soft. Napakagat ako sa aking labi ng maisip kong parang gusto ko siyang halikan. Napailing iling ako. Unti unti kong inalis ang kamay at binti niyang nakapatong sa akin.

Nang makabangon ako ay nakita ko ang dalawang paper bag na nakapatong sa lamesa. Tinignan ko ito. T-shirt, short at isang dress ang nasa unang paper bag. Nag init ang aking pisngi ng makita ang laman ng pangalawang paper bag.

Undies!

Geez! Napatingin ako ulit kay King na mahimbing pa ding natutulog. Pumasok na ako ulit sa cr para magbihis. Hindi ko lubos maisip kung bakit kasyang kasya sa akin ang mga binili niyang undies. Paano niya nalaman ang size ko? Or ganun ba talaga kadaling hulaan kasi wala namang susukatin? Natawa na lang ako sa naisip ko. Ako mismo ang nanglalait sa sariling katawan ko.

Sinuot ko na lang ang t-shirt at short. Ang ganda kasi masyado ng dress para gamitin ko agad. Pwede namang pang uwi itong suot ko. Nang makalabas ako ng cr ay inayos ko pa ang manggas ng shirt.

"What took you so long?"

"Ay long!" Napatingin ako sa kama at nakitang nakasandal na sa head board si King. "Wag ka nga manggulat!"

"Long? What are you thinking? Do you want to see how long is mine?" Nakangising tanong niya kaya nag init ang pisngi ko.

Kahit wala pa akong experience ay hindi naman ako kahapon ipinanganak para hindi malaman kung ano ang sinasabi niya.

"Yuck! Kadiri ka talaga. Ihatid mo na ako pauwi." Sabi ko at inayos na ang mga gamit ko.

"Ihatid? Do you have an idea what time is it now?"

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"It's already two in the morning." Balewala niyang sagot.

"What?! Bakit hindi mo ako ginising? Lagot ako kina Daddy." Sermon ko sa kanya.

"Pinagpaalam na kita. I told them that you'll going to spend the night with me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? At hindi man lang nagalit sila Daddy? At paano mo nga pala siya nakilala ha?"

"Supervisor ang Daddy mo sa kumpanya namin."

Sila ang may ari ng kumpanyang pinapasukan ni Daddy? Gaano ba sila kayaman?

"Then why are you here? Kung makatabi ka naman sa akin akala mo kung sino ka." Pag iiba ko ng usapan.

"You're mine right?" Tanong niya na para bang yun na ang sagot sa lahat.

Nanahimik na lang ako. Hindi naman ako mananalo sa isang ito. Naupo na lang muna ako sa sofa. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay King at ganun din siya sa akin.

Now i know kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Tignan ka pa lang niya para bang may kasiguraduhan na ang lahat kahit wala naman. Mapapabigay ka na lang talaga kahit ayaw mo naman.

"Why are you still seating there? Aren't you going to sleep?" Tanong niya makalipas ang ilang minuto.

"Hindi na ako inaantok. Maya maya siguro. You can sleep first."

"And you think I'll let that happen? Malay ko ba kung bigla kang lumabas at makipagkita sa kung sino?" Napairap ako sa sinabi niya.

"Ang OA mo! At sino naman ang kikitain ko sa labas? Yung guard?" Naiiling na tanong ko.

Bakit nga ba kasama ko ang lalaking ito? Oh! Dahil nga pala kay Yuki.

"Come on Queen. Let's sleep."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Pinapatulog lang naman niya ako pero bakit feeling ko inaakit niya ako? Napailing ako para mabura sa aking isipan ang bagay na yun.

Kailan pa naging mahalay ang pag iisip ko?

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now