Chapter 1

6K 148 9
                                    

* Queenie's PoV

Halos madapa na ako dahil sa pagtakbo. First day of class pero heto at late agad ako. Nakakaasar! Mabuti na lang at tinext ni Ara kung saan ang room namin ngayon at least hindi na ako maghahanap pa.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa ang teacher namin. Thanks God!

Lumapit na ako sa mga kaibigan kong nakabusangot sa akin.

"Wow! Nandito na yung nag GM kagabi na agahan daw ang pagpasok ngayon." Pagpaparinig ni Yuki.

"Oo nga." Pag sang ayon ni Ara. "Tsaka ano nga yun? Dapat daw 15 minutes before class eh nandito na?"

Napangiti at napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Nakipagbeso muna ako bago umupo sa nireserba nilang upuan sa akin na katabi ng bintana.

My favorite seating place..

Nakipagdaldalan muna ako sa kanila habang wala pa ang teacher namin. Ang dami nilang kwento. Lahat tungkol noong bakasyon.

Ako nga pala si Queenie Janine Fajardo. 17 years old at grade 12 student na. Grade school pa lang ay dito na ako nag aral sa Montecarlo University kaya medyo marami na din akong kilala dito.

Nakilala ko sila Yuki at Ara noong grade 8 ako. Pareho silang transferee noon. Actually, mag pinsan silang dalawa. Yuki is gay. Joaquin ang totoo niyang pangalan.

Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng padabog itong bumukas.

Here comes the King..

Literal na King. Bukod sa King ang pangalan niya ay naghahari harian talaga siya dito. Well, may karapatan naman siya dahil anak siya ng may ari nitong school. Kasama niya ang mga kaibigan niya. All in all, pito silang lahat.

So, classmate ko sila ngayon ha.

Sa tagal ko dito ay ngayon ko lang sila magiging kaklase. Sila ang mga kinakatakutan dito sa school. Matapakan o mabangga mo lang ang isa sa kanila bugbog sarado ka na and worse expelled ka pa kaya nga off limits ang karamihan sa kanila. Maliban na lang syempre yung mga chicks na type nila. Ang alam ko din ay may gang sila at may mga members din from different schools. Ang babata pa pero puro kabalastugan na ang alam.

After ng morning class ay dumiretso kami agad sa cafeteria para kumain ng lunch.

"Anong order niyo mga bakla? Ako na oorder." Pagpepresinta ni Yuki ng makahanap kami ng table na pupwestuhan.

"Same pa din ang akin insan." Sagot ni Ara at inabot na ang bayad niya.

"Parang busog pa ako. Carbonara at iced tea na lang ang akin." Sagot ko at nag abot na din ng bayad.

"Okay po. Mga 15 minutes lang po at iseserve na ang order niyo."

Natawa na lang kami ni Ara kay Yuki.

"May ipapakita pala ako sayo girl!" Sabi ni Ara at kinuha ang kanyang cellphone.

May pinakita siyang mga dress na bagong labas sa paborito naming boutique. Pinapapili niya ako ng gusto ko para masabi niya sa staff na kaibigan na din namin na ireserve kami ng ganoong dress. Mabilis kasing maubos ang mga stock nila kaya kinuntsaba na namin ang isa sa mga staff doon.

Natigil kami sa pagpili ng marinig namin ang sigawan ng mga estudyante. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sinuntok ng isa sa mga kaibigan ni King si Yuki.

"Yuki!" Sabay na sigaw namin ni Ara at tumakbo palapit sa kaibigan namin.

Nakita kong puno ng natapong pagkain at softdrinks ang uniform ni King. Oh shit Yuki! Anong ginawa mo? Nang makita kong susuntukin pa ulit nila si Yuki ay hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo papunta sa kanya para iharang ang aking katawan. Narinig ko pang tinawag ako ni Ara pero hindi ko na pinansin.

Hindi ko kayang manood lang habang sinasaktan nila ang kaibigan ko. Napapikit ako at hinintay ang kamaong tatama sa akin pero lumipas na ang ilang segundo ay wala pa din.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at tinignan ang mga taong nasa harapan ko ngayon.

You're so fucking brave, Queenie!

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now