Chapter 15

1.1K 44 4
                                    

* Queenie's PoV

"Bakit kayo ang pinadala ni King?" tanong ko ng makasakay kami sa sasakyan ni Wayne.

Katabi ko si Noah dito sa back seat habang nasa unahan sila George and obviously si Wayne ang driver.

"Napapraning na kasi si King." natatawang sagot ni George.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Wala pang nakuhang driver at body guard si King para sayo." napatingin ako kay Noah ng magsalita siya. "Ang dami naming nirefer na agency sa kaniya pero mukhang hirap na siyang magtiwala. Natatakot siya na baka maulit yung nangyari sayo."

"Loko talaga yun." naiiling na sabi ko. "Teka. Wala ba kayong trabaho?"

"Queenie, we're the boss so okay lang kahit hindi kami pumasok. Isa pa, naistress na din kami sa opisina kaya mas okay na din siguro itong bagong trabaho." nakangiting sagot ni Wayne.

"Salamat ha." nginitian ko silang tatlo ng matamis.

"Anything for our Queen." sabi ni Noah.

Nang makarating sa hotel ay nagulat ako dahil may surprise pala sila sa akin. Kahit hindi ko maalala ang mga crew dito ay tuwang tuwa ako dahil sa ginawa nilang banner na may nakasulat na "Welcome back Ms.Queenie"

"Salamat sa inyo." nakangiting sabi ko.

"Naku Ma'am! Miss na miss ka na namin dito." nakangiting sabi ng isang lalaki.

"Oh sige, iparinig mo kay Sir King mo na namimiss mo na si Queenie para magwala yun." hinampas ko si George sa balikat pero tinawanan niya lang ako.

Nahihiyang napakamot sa ulo ang crew at umalis na lang sa aking harapan.

"Ang sama mo." nakabusangot na sabi ko kay George.

"What? Totoo naman." tumawa ulit siya. "Naiimagine ko tuloy yung itsura ni King na umuusok na ang ilong sa sobrang selos." this time ay mas lumakas ang kaniyang tawa kaya natawa na lang din ako.

Binatukan siya ni Noah kaya natahimik siya.

"Isusumbong kita kay King. Pinagtatawanan mo siya purkit wala siya dito." pagbabanta niya.

Sinamahan nila akong pumasok sa aking office pero umalis din agad dahil baka magwala pa daw si King. Nasa lobby lang daw sila ng hotel at maghuhunting ng chix. Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila.

Tinuruan ako ni Jennie sa mga kailangan kong gawin. Siya din kasi ang pumalit sa aking pwesto habang wala pa ako.

"Thank you Jen."

"You're welcome Ms."

Nang maglunch break ay sabay sabay kaming kumain nila Noah. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si King. Agad niya akong hinalikan sa noo at naupo sa aking tabi.

"Yow dude!" bati ni George kay King.

Tinanguan naman nila Wayne at Noah si King dahil may laman pang pagkain ang kanilang bibig.

"You look so tired. Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko.

"I'm fine. How about you? Hindi ba pinapasakit ng tatlong ito ang ulo mo?" tanong niya at binalingan ng tingin ang mga kaibigan.

"Hindi naman. Okay silang kasama pero kailangan mo ng makahanap ng ibang driver at body guard dahil may mga trabaho din naman sila."

"I know. I'm just having a hard time to trust someone to look after you." bakas sa kaniyang boses ang sobrang pag aalala at takot na baka may masamang mangyari sa aking muli. "Pero siguro yung anak na lang ng driver ni Dad ang kukunin ko since nirerecommend din naman siya nila Mom."

Tumango ako sa kaniyang sinabi at napangiti. At least hindi na ako makakaabala sa mga kaibigan namin.

"And for her body guard?" tanong ni Noah.

"Sabi ni Dad ay pwede ko daw kunin ang isa o dalawa sa bodyguard nila ni Mom. Pinag iisipan ko pa." sagot ni King at uminom sa aking juice.

Hindi rin naman nagtagal si King at umalis din agad dahil may meeting pa daw siyang kailangang puntahan. He just wants to see me kaya dumaan siya dito. He looks so busy today kaya kahit gusto ko pa siyang makasama ay hinayaan ko na lang.

Bumalik ako sa trabaho habang ang tatlo naman ay kinukulit ang ibang crew at nagpapaturo kung paano ang mga ginagawa nila. Si Noah ay nakatambay sa front office desk habang sila Wayne at George ay pinapanood ang mga bellboy at minsan ay sumasama sa mga housekeeping kapag maglilinis ng kwarto.

Nang lumabas ako sa aking office ay hindi ko makita miski isa sa kanila kaya nagtanong ako kay Jennie.

"Nasaan sila?" tanong ko at inilibot muli ang paningin sa paligid.

"Aakyat daw po sila sa rooftop saglit at may titignan."

"Ganun ba?" napatingin ako sa entrance ng hotel at nakitang may isang lalaki na nakacup at mask habang nakatingin sa akin.

Lalabas sana ako para tignan kung sino iyon pero nahawakan agad ako ni Jennie sa braso.

"Naku Ma'am! Hindi po pwede. Kabilin bilinan po nila na wag kayong palabasing mag isa." natatarantang sabi ni Jennie.

Pagtingin ko ulit sa labas ay wala na doon yung lalaki.

Sino yun?

Bad Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now