Chapter 104 - The End

20.5K 843 196
                                    

POV Sienna


Sa loob ng dalawang linggo, nakagawa ng cure ang mommy ni Herschel sa current strain ng RE Virus. Pinakalat ito sa hangin and those who were infected eventually died. She also created a serum that will serve as an immunity to Z Virus or any other similar virus. This means that a zombie apocalypse is unlikely to happen anytime soon...

Sa Alexius Island kami namalagi sa loob ng isang buwan. Kung dati, puno ng mapait na alaala ang suite ni General Regalado, dahil kay Misty at Crystal, ngayon ay napalitan ito ng happy memories in preparation for our wedding. Kahit si Jordan ay nagpropose na din kay Savannah for our double wedding celebration.

Pagkatapos ng malawakan na clean-up operation, bumalik kami sa Aldridge City. Tulad nga ng sabi noon ni Herschel, sa isang residential suite na malapit sa Saint Aquinas Port kami nakatira.

In just a span of three months, natuloy din ang double wedding namin with Jordan and Savannah. Isang simple beach slash garden wedding na ginanap sa mini park sa likod ng office building ng Alexius Island. Ang lugar kung saan nagsimula ang love team ng isang basura at ng isang elevator button.

Ang zombie apocalypse ay nagdulot sa amin ng maraming problema at komplikasyon, pero ito din ang nagsilbing mitsa para tumibay ang pagkakaibigan kaming lima.


After a year, nagkaroon kami ni Herschel ng isang anak ng lalaki. Si Savannah at Jordan naman ay nagkaroon ng anak na babae. Si Kio at si Harold naman ay mas lalong tumibay ang pag-iibigan. Sila na din ang nag-ampon kay Blabby.



After three years...

Miyazaki, Japan

(POV Sienna)

Andito kami ngayon sa Miyazaki, Japan para magbakasyon kasama ang dalawang bata at saka si Blabby. Nakahiga kaming anim sa mga white wooden benches na nakahilera sa tabi ng beach. Kung dati ay si Kio at Harold lang ang pumupunta dito para magbakasyon, ngayon kasama na kaming lahat.


"Baby, gusto mo ba na mag-ampon?" tanong ni Kio kay Harold.


Nakatingin siya sa mga anak namin na naglalaro sa beach sand kasama ang malaking black Labrador na dog na si Blabby. Hindi na siya puppy ngayon, big doggy na siya.


"Wag na, babe, para ikaw lang ang baby ko. Saka andyan naman si Blabby, our Black Labrador Baby," biro ni Harold kay Kio sabay hawak sa kamay niya at sabay quick kiss sa labi niya.

"Ang sweet niyo ha? Gusto niyo ibaon ko kayo ng buhay sa buhangin?" nakangiti ko na sabi sa kanila sabay bato ng towel sa mukha ni Kio.

"Che, buntis na naman ba itong beshi ko? Beast mode na naman eh!"

"I am not sure, palagi naman ganyan yan eh. Wala naman nag inform sa akin na kapag naging misis ko Sienna magiging halimaw siya."

"Halimaw ako?"

"Binibiro lang kita. Ikaw ang pinakamagandang basura at halimaw sa mata," sagot ni Herschel sabay halik sa kamay ko.

Di pa rin namin maiwasan ni Herschel ang mag-away at magtampuhan tulad nung highschool kami, pero at the end of the day, hindi namin nakakalimutan humingi ng tawad sa isa't isa kahit sino pa ang may kasalanan. Kahit tatlong taon na ang lumipas, Herschel remained to be loyal. Palagi niya pinapadama sa aming mag-ina na kami ang pinaka importante para sa kanya.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon