Chapter 9 - World War Z

18K 871 24
                                    

POV Sienna

Time: 9:40 AM (Saturday)


Pag akyat namin sa roof deck, nandoon si Kio at Sav na nakaharap sa laptop. Gusto ko umiyak sa takot, but I know that it is not a smart move. Kailangang namin mag-isip ng strategies sa ganitong scenario.


"Kio, Sav, anong balita?" formal na tanong ni Herschel pagkaakyat namin sa roof deck.


Tumingin sa akin si Herschel at tinaasan niya lang ako ng kilay as if galit sa akin.


Bakit ka galit? Hello? Ako ang muntik ng gawing brunch ng mga zombies dahil sa utos mo!


"Bro, bad news. Wala na tayong phone coverage. Hindi na kami makatawag si Sav. As for the Internet connection, I managed to hack a connection using Bluetooth and Wi-Fi Direct ng mga nearby devices. I don't know how long it will last," sabi ni Kio na nakatutok pa din sa laptop.

"Sabi sa news, sobrang bilis ng transmission. In some South American cities and some part of Europe, there are no more survivors. Meaning, lahat sila infected. The government can't do anything and only advised us to stay indoors," dagdag ni Sav na nakatutok din sa laptop.

"I saw it with my own eyes. Once nakagat, the infected person will turn into zombie looking creature in less than a minute, parang World War Z style. Si kuya delivery man, sobrang bilis siyang naging zombie," paliwanag ko sa kanila sabay kuha at inom ng tubig sa bottled water.

"Shen, ano pa na-observe mo? Mabilis ba sila maglakad? Anong kulay ng mata nila? Try to recall what happened," natatarantang tanong ni Kio.

"Yung dalawang zombies na umatake kay kuya delivery man, slow sila mag lakad, similar sa mga walkers ng Walking Dead or yung parang normal na zombies sa Plant VS Zombies? Gray ang eyes parang lifeless na beings. Di ko na nakita masyado ang ibang details, kasi hinaltak na ko ni Herschel---"


*Wwaaaaaaaah! Aaaaaaaah! Nooooooooooooo!*


Nagkatinginan kami lahat dahil may sumisigaw na mga estudyante sa loob ng school grounds. Sigaw na may halong takot at humihingi ng tulong.


"What happened? Don't tell me nakapasok na ang mga zombies dito?" tanong si Sav.

"Impossible! Sinara ni Manong Henry yung gate. Malabo silang makapasok, di ba Herschel? Herschel? Ok ka lang?" tanong ko kay Herschel na nakatulala.

"Ha? Yeah, that's right, imposible silang makapasok sa loob. Pero what if yung infected nasa loob na ng school grounds?" mahina niyang sagot.

"What do you mean? Akala ko ba ang transmission ay through biting parang rabies?" tanong ko ulit kay Herschel.


Umupo si Herschel sa upuan as if nawalan ng lakas. He looks scared, angry and sad. Di ko alam ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.


"When we were running away from the gate at malapit na tayo sa quadrangle, napalingon ako sa gate. I don't know what happened pero within few seconds, nakalapit yung delivery man kay Manong Henry at nakita ko na lang na kagat kagat niya yung braso ni manong. So yung sinasabi mo na mabagal sila na parang walkers ng Walking Dead, it is a different case dun kay kuya delivery man," sabi ni Herschel.

This is the first time na makita ko si Herschel na naguguluhan, hindi confident at di alam ang gagawin.


Sabagay, sino nga naman ang prepared sa isang zombie apocalypse?


"We are not safe here. We need to do something!" nagpapanic na sigaw ni Sav.

"I talked to my dad. Magpapadala daw siya ng chopper para sa atin. Let's wait for him," sagot ni Jordan.

"JC, tama si Savannah. We need to do something in our end. Your father may be the head of the military, pero mas priority niya ang mga karamihan ng mga citizens sa city. We need to have a back-up plan in case hindi darating ang chopper ni hinihintay natin," paliwanag ni Herschel.


Tama si Herschel. May responsibility ang daddy ni Jordan sa mga taong bayan. Kahit anak niya si Jordan, he needs to prioritize the safety of the citizens of this city. 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon