Chapter 27 - Orange Juice

14.8K 640 15
                                    

POV Sienna

Time: 6:30 PM (Saturday)


After tanggapin ng system ang access ni Herschel, pumasok kami sa loob ng property nila. Namangha kami sa isang white two-storey house na may plum-colored roof.

May malaki na garden na puno ng magagandang halaman. May malawak din na parking space na may laman na isa pang sport-utility vehicle, isang Harley-Davidson motorbike at dalawang bicycles. Hindi rin nakaligtas sa akin ang isang Aston Martin sports car at isang modified Lamborghini Aventador roadster sports car.

Sa may pinto ng bahay, meron na naman set of security codes na ginamit si Herschel bago kami nakapasok sa mismong bahay nila. Sa totoo lang, di naman sobrang laki ang bahay nila pero halatang pang mayaman ang mga gamit, parang bago pa lahat.


"Ang cute ng bahay niyo. Sobrang linis at ayos. Apply na lang kaya ako katulong niyo?" biro ni Sav sabay upo sa gray L shaped sofa.

"Che, ayos to ah? Ibang klase ang security system niyo. I bet madami kayo security cameras," dagdag ni Kio habang sinesetup ang laptop sa living room.

"Sa labas, madami. Dito sa loob wala. Nga pala, may tatlong kwarto sa taas. Bahala na kayo kung ano gagamitin niyo. Sienna, sumama ka sa akin," utos ni Herschel sabay punta sa kusina.


Sumunod naman ako kay Herschel habang iniikot ko ang paningin sa kanilang bahay. All white din ang kitchen nila at contrasting lang a black granite counter top. Binuksan ni Herschel ang fridge at naglabas ng orange juice sa box.


"Anong gusto mo kainin?" tanong niya sa akin sabay bigay ng baso na may orange juice.


Umupo ako sa kitchen stool dahil feeling ko bibigay na ang tuhod ko anytime. Ngayon lang ako nakahinga ulit ng maluwag.


"Ano ba pwede lutuin na ulam? Yung mabilis lang sana, gutom na gutom na ko," sagot ko sa kanya habang umiinom ng juice.

"Kung mabilis lang ang gusto mo, magluluto na ko ng kanin. May chicken nuggets diyan sa fridge at cordon bleu. Prito mo na lang or microwave mo. What do you think?"

"You are asking my opinion now? Or gusto mo lang sagutin ko ang tanong mo so you can reject my suggestion?" inis kong tanong sa kanya.


Herschel just looked at me sharply at biglang lumapit sa akin. Dahan dahan niyang kinuha ang orange juice glass sa mga kamay ko. Akala ko aawayin na naman niya ko pero nagulat na lang ako nang bahagya niya inikot ang baso at uminom ng juice sa mismong pinag-inuman ko. 

Kitang kita ko na dumampi ang labi niya sa mismong lips gloss mark ko sa glass. It is like he kissed my lips indirectly.


"What the fuck are you doing?" mahina kong tanong sa kanya.

"I am drinking an orange juice. What do you think I am doing?" sabi niya sabay hawak na naman sa chin ko.


Drinking an orange juice ka dyan! You're seducing me!


I closed my eyes nang maramdaman ko na papalapit ang mga labi ni Herschel sa akin. I thought he will kiss me, pero nagulat na lang ako when he whispered something on my ears.


"There's something I would like to tell you, personally. I would like to keep it as a secret between us. Would you like to hear it?" bulong niya sa akin.


Para akong aso na tumango lang sa kanya. Naputol ata ang dila ko sa mga oras na ito. Hindi ako makapagsalita dahil napaka lapit ng labi ni Herschel sa tenga ko. This is the first time that we have been this close. Kahit ako, hindi ko alam kung nananaginip lang ako or totoo bang nangyayari ito. Not to mention na half naked ang lalaking ito sa harapan ko.


"I prefer the tame, quiet and unresisting version of Sienna, not the ferocious one," he said while gently kissing my ears kaya napalunok na lang ako sa sinabi niya.


Fuck! He is kissing my ears at wala akong lakas para itulak siya!


"Herschel... Wwwhat do you mean?" mahina kong tanong.

"What I am trying to say is, I prefer your version na hindi amoy pawis. May bathroom sa second floor, sa loob ng kwarto ko, use it. Baka gusto mo paliguan pa kita?" natatawa niyang sabi sabay talikod sa akin at naglabas ng pagkain sa fridge.


Mabilis kong inamoy ang sarili ko kung mabaho na ako, pero hindi naman ako amoy putok. Hindi din ako maasim kahit may pawis na ako.


Na immune na kaya ang ilong ko sa baho ko?


"I am just kidding, wag mo na amuyin ang sarili mo. You still smell good, but you are sweaty. Maligo ka muna bago ka magluto," sabi ni Herschel na biglang hinila ang braso ko papunta sa living room at paakyat sa second floor nila.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jordan nang paakyat na kami sa hagdan.

"Amoy putok na daw si Sienna, so maliligo daw muna siya. Ok na ba ang Chicken Nuggets at Cordon Bleu for dinner?"

"Ok na sa akin yun! Ako din maliligo after ni Sienna!" sabi ni Sav bago kami tuluyan umakyat.


Bago ko umakyat, napansin ko na ang mga meaningful glances nila Kio, Jordan at Sav. Sigurado ako na iba na ang tumatakbo sa isip nila sa mga oras na ito.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon