Chapter 10 - Not safe

18.1K 810 24
                                    

POV Sienna

Time: 10:00 AM (Saturday)


Tahimik ang lahat sa sinabi ni Herschel about kay Manong Henry. It only means na hindi na kami safe sa school grounds. Kung sino man ang mga students na andito ngayon, malaki ang percentage na zombies na sila.

Si Kio ay hindi pa rin umaalis sa harap ng kanyang laptop. Si Sav naman ay umiiyak katabi ni Herschel. Samantalang ako at si Jordan ay mas pinili na tumahimik at mag-isip kung anong susunod naming hakbang.


"Guys, I just received some news na there are safe places outside the city. May mga cities pa din na walang kahit isang tao na infected. We just have to wait a little bit longer for help," sabi ni Kio.


Tumayo si Herschel at nagsimulang magbukas ng softdrinks at pizza. "Kumain kayo, we have work to do."

"Anong balak mo?" tanong ko sa kanya sabay kain ng pizza at chicken.


Siguro nga may zombie apocalypse na nagaganap pero gutom na ako. Mas priority ko ang stomach ko sa mga oras na ito.


"Alam ko may mga students na nag-iiwan ng food sa room nila. Bubuksan natin isa isa ang mga kwarto nila. Look for food, water, clothes and beddings. Alam din natin na may threat sa labas ng dormitory, be quiet as much as possible. Let us stick together for the mean time. I know we hate each other, pero we have to deal with it."

"I will stay here, Che. Sinusubukan ko pa rin kumontak ng kahit anong tulong para marescue tayo. Hintayin ko din ang phone call ng daddy ni JC. Siya ang best chance natin dito," suggest ni Kio.

Tumango lang si Herschel, "You know the drill, lock the door."

"JC, kayo ni Sav ang assign sa fourth and fifth floor. Kami naman ni Sienna sa baba. Let's meet sa roof deck," utos ni Herschel at hinila ko pababa ng hagdan.


Pumunta kami sa mga dormitory room sa first floor at nagsimula na magbukas ng mga cabinets. Tama nga si Herschel, maraming gamit na iniiwan ang mga students dito.


"Kailangan ba natin ng flashlight?" tanong ko kay Herschel dahil may nakita ko ilang flashlight sa drawer.

"Hindi natin alam kung aabutin tayo ng gabi dito. Flashlight will be useful lalo na kung mawawalan tayo ng kuryente," sagot ni Herschel habang kumukuha ng canned goods.

"How about this?" tanong ko sa kanya sabay suot ng cowboy hat tulad ng hat ni Carl sa Walking Dead.


Lumapit sa akin si Herschel at kinuha ang hat. Akala ko magagalit siya at itatapon ito pero siya mismo ang nagsuot.


"Mas bagay sa akin ito kaysa sayo."

"Hello! Finders keeper! Akin yan!" sabay agaw ko ng hat but Herschel is much taller than me kaya di ko makuha.

"I am your president. You should do everything that I ask."

"Are you born to make me suffer, Herschel Rivera?" inis kong tanong sa kanya dahil wala siya bagay ibalik ang hat na nakita.

"Why do you always call me Herschel? Everyone calls me Che."

"Do you want me to call you Che? It sounds gay if you will ask me."

"Che is also a guy's name. Why are you always bringing up this gay subject? Are you really desperate for a kiss?" seryoso na sabi ni Herschel na unti unti lumalapit sa akin.

"What? No! Hindi ko pinangarap na ikaw ang maging first kiss ko," sagot ko sa kanya habang umaatras pero mabilis akong tumama sa closet.

"First kiss? Wala ka pang first kiss? Sabagay, sino magkaka gusto sa isang basura na tulad mo na palaging nakakalat kung saan saan," sabi niya sabay hawak na naman sa chin ko.


This time, tinanggal niya ang hat at dinikit niya intentionally ang forehead niya sa akin. My eyes transferred from his eyes down to his lips. I wonder how would those pair of lovely lips would feel like.

Bago pa ko makapag isip ng nakaka kilabot na idea, biglang tinakpan ni Herschel ng hat ang mukha ko.


"If you want me to kiss you, you can just ask, Sienna," sabi niya sabay lagay ng mga canned goods sa isang empty na bag.

"Mas pipiliin kong maging zombie kaysa humingi ng halik sayo."

"As I have said, you can just ask. I am very much willing to be your first kiss."


Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa bag. Pumunta din kami ni Herschel sa ibang room para kumuha ng bedfoam at pillows in case abutin kami ng gabi, but both us remained quiet as if we crossed a boundary na di namin dapat pinuntahan.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon