Chapter 98 - Jetski

9.9K 395 14
                                    

POV Sienna

Time: 6:00 AM (Thursday)


Maagap pa lang ay nagising na ako dahil kumukulo na ang tiyan ko. Hindi totoong love will keep us alive. Kailangan din kumain kapag may time. Pag gising ko, wala si Herschel sa tabi ko.


Nilayasan na ba niya ako? Nagsisisi na ba siya sa kanyang engagement proposal?


Mabilis akong lumabas ng cabin namin ni Herschel and I found him and Kio na nasa living room. Sav and Jordan are now preparing breakfast. Mukhang ako lang ang late na nagising kahit maagap pa.


"Good morning! Bakit ang agap niyo gumising---"


Di na natapos ang sasabihin ko at tumakbo na si Sav at Kio papalapit sa akin. They hugged me as if they are excited to see me.


Hello? Magkasama lang tayong tatlo kahapon?


"Can I see? Can I see?" tanong ni Kio sabay kuha sa kamay ko.

"So kailan niyo balak magpakasal? Sana kapag wala ng zombies para hindi hassle," tanong ni Sav habang tinitignan nila pareho ang engagement ring ko.


Si Herschel naman ay nakangiti lang sa akin. He must have told them na engaged na kaming dalawa. The word fiancee somehow makes me smile. Fiancee ko na pala ang lalaking ito na tumatawag sa akin ng basura.


"Shen, sabihin mo lang sa akin kung gusto mong pigilan ko ang kasal ah?" sabi ni Jordan na yumakap sa akin.


Tinanong ko na noon si Herschel kung nag seselos siya kay Jordan, but he said no. Alam niya daw na hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Jordan. Kay Randolf Dela Rosa lang daw siya nagselos dahil pinuntahan din ako ni Randolf sa Australia.


"Pigilan? Baka nga maghanap na ng pari agad si Shen eh. Sobrang loves niya kaya si Che kahit pakipot yan nung high school," sabi ni Kio.

"Excuse me, bes, hindi ako pakipot noh? Naiirita talaga ko kay Herschel noon!"

"Pakipot yan si Sienna. In denial pa. Sinong boto na pakipot si Sienna nung high school?" tanong ni Jordan at lahat sila nagtaas ng kamay kahit si Herschel. 

"But seriously, congratulations. I am happy for both of you. This is your first morning as an engaged couple kaya pinaghanda namin kayo ni Savannah ng pagkain," nakangiti na sabi ni Jordan.


Kahit zombie apocalypse na, all of them looks happy for me and Herschel. We have an early breakfast at hindi ko na napigilan si Kio at si Sav na magplan ng kasal sa harap ng lamesa. Napansin ko ang isang aluminum container box na nakabukas sa may living room. This is the same box na pinadala ng mommy niya sa amin kahapon na may laman na gadgets and guns.


"Did I miss something?" tanong ko kay Herschel sabay nguso sa aluminum container box.

"We are planning to infiltrate Aquinas Island around ten in the morning. We only have a thirty minute window. Harold and Kio will help us," mahinang sabi ni Herschel sabay pisil ng kamay ko.

"Don't worry, Shen. Ako bahala kay Herschel at alam ko din naman na siya ang bahala sa akin. We just need to defeat those military men and capture Doctor RE. Tita Marishiella will do the rest to find a cure."


Ayoko man na pumunta sila ni Herschel sa Aquinas Island dahil delikado, this is the only way we can save General Regalado, Sir Hercules and Harold. Kahit si Jordan ay hindi pa masyadong magaling ang sugat niya sa braso.


"Paano kayo pupunta sa Aquinas Island? I don't think Captain Hermoso will allow it," tanong ko sa kanila.

"Che has two Jet Ski na naka parked sa loob ng yacht niya. They will use it and leave it sa isang parte ng Aquinas Island na hindi maabot ng cameras. They need to get inside the headquarters within thirty minutes. Yun lang ang kayang gawin ni Harold. His hands are also tied."


Pinaliwanag ni Kio ang plans nila sa amin. It seems na familiar na si Herschel at si Jordan underground layout ng headquarters. If this will be successful, they will be able to capture Doctor RE. If not, they will be putting their fathers in jeopardy. Worst case scenario, baka ma acquire nila ang enhanced RE Virus kung saan pwede silang maging nakakatakot na monsters.


"Bakit ka na naman umiiyak? Naging fiancee lang kita naging iyakin ka na?" tanong sa akin ni Herschel habang inaayos ko ang bulletproof vest niya.

"Natatakot lang ako, Herschel. Mga military men din ang makakaharap niyo ni Jordan. Nakita mo naman yung video feeds sa laptop ng mommy mo di ba?"

"Don't worry, babalik ako. I will be fine because I want to get out of that shithole alive so I can marry you. Do you trust me, Sienna?" mahinang tanong niya sa akin habang pinapahid ang luha ko.

"I trust you, Herschel. Please take care of yourself."

"God will take care of me so I can have my happy ending with you..."


Happy ending... Sana nga may happy ending ako with Herschel...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon