Chapter 15 - North Section

15.4K 730 28
                                    

POV Sienna

Time: 1:20 PM (Saturday)


Narating namin ang academic building sa North section at wala kaming nakakasalubong na zombies. Napansin namin na lahat sila ay naipon sa quadrangle dahil maingay sa part na yun. Sinimulan namin maglakad papunta sa school parking lot, derecho sa entrance gate ngunit may dalawa or tatlong zombies na nasa gate na gustong pumasok sa school.


"Kio, paano tayo makakalabas niyan? Di tayo makakakyat ng gate kung may zombie na ready tayo kainin sa labas?" tanong ko habang nasa gilid kami ng academic building.

"Che, nasayo pa ba ang susi ng main gate?" tanong ni Kio.

"Nasa akin pa, ano plano mo?"

"We can use your car or Jordan's car. Park mo sa harap ng entrance gate, then someone will distract the zombies while I will open the lock. Once na bukas na ang gate, pumasok na tayo sa kotse at iderecho mo na nang drive pababa sa city," paliwanag ni Kio.

"Bakit hindi na lang tayo sumakay ng kotse papunta sa Saint Thomas Port? We can save much time." tanong ni Sav.

"Naisip ko na din yan Sav and that is actually my plan A, pero baka mag cause tayo ng ingay at matrapped tayo. But I think we have no choice but to proceed with that plan. We should drive slowly na lang papuntang city. In case ma-encounter tayo ng horde, balik tayo agad dito sa city hall," explained ni Kio.


Dahil si Herschel ang president ng school, may privilege siya na ipasok ang sasakyan niya sa loob ng academy. Most of the time, professors lang at pili na students ang binibigyan ng access sa parking lot sa loob. The rest of the population can park their vehicles sa malawak at open na parking lot ng labas ng school grounds.


"Gamitin natin yung sasakyan ni Che, yung two-door sports car ang dala ko. Di tayo kasya lahat," suggest ni Jordan.

"Two-door ang dala mo? Para sakto sa date mo!" inis na sabi ni Sav kay Jordan.

"Paano ko makikipag date ngayon kung may zombie apocalypse? Teka, wag mong sabihin na naaalala mo ang mga sexy moments natin sa sports car ko?" biro ni Jordan kay Sav.

"Duh! Madali ka kalimutan Jordan Caden. You are forgettable."

"Forgettable? Damn you, Savannah!"

"Sa dami ng naging babae mo after natin, madali ako naka moved-on dahil wala kang kwentang lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit ako na-inlove sayo! Actually, hindi ko nga alam kung nainlove ba talaga ako sayo!"

"Fuck you! You loved me, Savannah. I felt it at alam mo din dapat yan!" sagot ni Jordan sabay hawak sa braso ni Sav palapit sa kanya.


Pipigilan ko sana si Sav at Jordan dahil baka magsapakan sila, but Herschel pulled me closer to him para di ako makalapit sa kanila.


"Hayaan mo sila, Sienna. They need this," mahinang sabi ni Herschel na nakahawak pa din sa kamay ko.

"Kailangan nilang mag-away at magsapakan sa harapan natin?"

"They need to have this argument to release whatever feelings they are keeping inside their chest. Look at them, they are obviously in love with each other."


Kahit nag-aaway si Jordan at si Savannah, nakikita ko sa mga mata nila na mahal pa nila ang isa't isa. Kahit ang mga simpleng glimpses nila, hindi maitatago na hindi pa sila nakaka move-on.


"Yep, they still both love each other," bulong ko sa kanya.

"Hindi na ako magtataka kung mauuwi silang dalawa sa kama," natatawang sabi ni Herschel.

"What the fuck? Too much information!"

"Too much information? Masyado kang prude, Sienna. Hindi ka na naman virgin di ba?"


Inirapan ko lang si Herschel dahil ayokong sagutin ang tanong niya. I don't want to discuss my virginity to Herschel as if napaka casual na bagay nun.


"You did not answer me, does it mean na tama ako? Silence means yes, right?" mapang-asar na sabi niya sa akin.

"Herschel, siguro nga wala akong nagiging boyfriend, pero madalas ako sa Australia pag summer vacation. Tingin mo wala akong nakikilala na mga lalaki doon? There! You have your answer!"

"You are flirting with Australian boys?"

"Flirting? You really don't know me, Herschel. I am not into flirting, I am into the real thing!"


This time, si Herschel naman ang di sumagot. He just glared at me as he gritted his teeth. Siguro ang dumi dumi ng tingin niya sa akin sa ngayon. Kahit naman sabihin ko sa kanya na virgin ako, hindi naman siya maniniwala.


Wala pa akong nagiging boyfriend at wala pa akong first kiss, pero ayokong ipaliwanag ang details sa lalaking ito. Sigurado ako na lahat ng sabihin ko, he will use it against me...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon