Chapter 13 - First Plan

18.3K 768 50
                                    

POV Kio

Time: 12:40 PM (Saturday)


Sinunod naman nila ako nagsimula naming pag-aralan ang map ng Aldridge City. Sa ngayon, ang priority namin ay makarating ng buhay sa Aquinas Island.

Ang Aldridge City isang malawak na ciudad na napapalibutan ng mga bundok. Nasa western part ng city ang Aldridge Bay na may tatlong islands na occupied ng mga military.

Ang Aquinas island na pinaka malaki sa tatlong isla ang nagsisilbing military headquarters. Ang smaller islands na Alexius island and Albertus islands ay hindi accessible sa public.

Sa Aquinas island naka duty ang daddy ni JC. Ang research laboratory ng parents ni Herschel ay located din sa Aquinas Island. Sa pagkakaalam ko, maraming underground floors ang headquarters na ito. It is one of the most advanced military bases in the world.


"Pag baba natin ng dorm, dun tayo dadaan sa pinaka gilid ng West Section. Walang masyadong students dun. Kung meron man, prepare to fight. It is you or them," I started and all their eyes are on me.

"Pag dating natin sa north entrance gate, we have to climb the gate kung nilocked ito ni Manong Henry. Hindi tayo magproproceed sa main road pababa sa city, masyadong open area yun. Dun tayo dadaan sa trail at ang labas na natin dun ay sa likod ng city hall."


Masukal ang daan pababa sa trail, pero malabo na may maka salubong kami na zombie doon.


"Now since nasa city na tayo, this will be more tricky. We have to get inside the city hall, sa lower grounds nun may daan papunta sewer. We will use it to reach the western part of the city without being seen. Yung end ng sewer, malapit na yun sa Saint Thomas Port. It sounds easy kung nasa harap ako ng computer, pero since this is real life, mahihirapan tayo," malungkot kong sabi habang sinasara ang laptop.


Underground sewer is the best place to travel kung iiwasan namin ang mga zombies sa city. Maayos ang layout ny sewer ng Aldridge city, hindi kami mahihirapan.


"Good plan, at least we are getting somewhere. I am sure we can make it guys, kaya natin to!" masiglang sabi ni Che to lighten up the mood, but I know na he is not confident with this plan.


He may be athletic just like JC, pero magiging pabigat kami ni Shen at Sav sa kanila, specially my best friend na isang clumsy at lampa.


"In case magkahiwalay hiwalay tayo, just move west until you reach Aldridge Bay. I am sure maraming ng military personnel around that area," suggest ni Jordan.


He's right. Parang underground maze ang sewer at possible na magka hiwahiwalay kami dahil narrow ang mga passages doon. In case mangyari ito, we need to have a back-up plan. Isa lang ang main exit ng sewer pupuntang Aldridge Bay, madali pa rin kami na magkikita.


"Magbaon kayo ng bottled water at bread. It will take approximately six hours bago natin marating ang dulo ng sewer. Baka madilim na pagdating natin sa Saint Aquinas port," sabi ko sa kanila.

"Dadaan tayo sa dormitory kitchen. Find anything sharp na pwedeng gawin pang self defense. I don't want to do this, pero wala tayong choice," sabi ni Che habang inaayos ang Jansport bag niya.

"May choice tayo. Gagawin ka naming sacrifice at ikaw ang kakainin ng mga zombies para makatakas kami," mahinang sabi ni Sienna kay Che.


Sigurado ako na hindi papalampasin ni Che ang sinabi niya. Kilala ko si Che, he is nice guy, pero pagdating sa kaibigan ko, he is like the devil incarnate. I can't help but to assume na mahal niya si Shen noon pa.


"I am the best choice, Sienna. Gusto ng mga zombies ang brains at wala silang mapapala sayo dahil walang laman ang utak mo!"

"At least tao ako. Unlike you, you are a cold blooded reptilian monster. Baka isuka ka ng mga zombies!"

"Oh really? Baka nakakalimutan mo na basura ka? Hindi kumakain ng basura ang zombies."

"Ingat ka, Herschel Gaylord Rivera. Wag ka paki sigurado sa safety mo. If I will be given a chance, itutulak kita sa mga zombies."

"Can't wait, Sienna Garbage Ramos."


Ayan na naman silang dalawa. Kulang na lang magpatayan gamit ang mata. Hindi talaga pwedeng magkasama ang dalawang ito dahil palaging nauuwi sa awayan kahit ang isang simpleng usapan nila.


Che is called Mr. Perfect dahil nasa kanya na lahat ng mga best qualities. Kahit may pagka suplado siya minsan, he is always a gentleman. Kahit sa akin, napaka nice ng treatment sa akin ni Che as if may idea na siya na pusong babae ako.


Pero isang palaisipan sa akin kung bakit abot langit ang galit niya kay Sienna. Kay Shen lang siya rude and condescending. Si Shen lang ang palagi niyang binabara at pinapahiya. He even called her garbage as if isang endearment niya yun sa beshi ko. Nagtataka na tuloy ako kung mahal ni Che si Sienna at defense mechanism lang niya ang pagiging harsh niya.


But that is not possible. Ang alam ko, may girlfriend na si Herschel. An information I can't divulge to my bestfriend dahil alam ko na masasaktan siya kahit di niya aminin...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon