Chapter 60 - Homecoming

13.2K 584 45
                                    

POV Savannah

Time: 8:00 PM (Saturday)


Warning: Mild mature content. Bawal sa kids... 


Para akong binagsakan ako ng langit at lupa nang malaman ko na girlfriend ni Jordan si Crystal noong nasa Alexius Island kami. We spent a few nights together inside his father's suite, tapos malalaman ko lang na in a relationship na pala siya? 


Kagigil di ba?


Gusto ko paghiwalayin ang betlog ni Jordan sa sobrang galit ko. Kahit nga ang hotdog niya ay gusto kong itusok sa stick dahil sa poot ko. Pero tama si Kio, wala akong karapatan. Ex-girlfriend ako at kasalanan ko na hinayaan ko na may mangyari sa amin uli.


After our high school graduation, pumunta na ako sa Perth, Western Australia para doon mag-aral ng aking college degree. Sobrang pasasalamat ko sa magulang ni Sienna dahil tinulungan nila ako sa pag-aaral at tinuring na parang isang anak.


Humingi naman ng tawad sa akin si Jordan at tinanggap ko naman ang explanation niya. Unlike Sienna na sukdulan ang galit kay Herschel, sinubukan kong tanggapin ang mapait na katotohanan. Sabi nila, mas madali daw makaka move-on kapag natutunan ko magpatawad at tanggapin ang mga pangyayari, pero hindi totoo. Sa loob ng mahigit apat na taon ko sa Australia, naiwan ko pa din ang puso ko sa Aldridge City. Nag-uusap pa rin kami ni Jordan, pero palaging casual at civil conversation lang. Tama na yung nagkamali ako na ibigay ang puso ko sa kanya for the second time. Wala na dapat na third time.


Excited kami pareho ni Sienna na bumalik sa Redwood High. Marami kami painful memories sa school na ito, but I am happy to be back. Siguro, part of me wants to see Jordan, my first true love.

Maagap pa lang ay sinundo na kami Herschel. I am so glad that Sienna and Herschel are finally together. Ginanap ang homecoming dinner party sa loob ng school basketball gymnasium ng Redwood High. It is a formal event at lahat ng mga ka batch namin ay naka dress or naka suit.


Sinalubong kami ni Kio at ni Jordan. Jordan still looks handsome, but more manly. Wala na ang playful and cheerful na heartbreaker na si Jordan Caden, it was replaced by a serious and sexy version of him.


"Buti naman at nakasama ka dito. Buti pa si Shen, bumabalik dito sa Aldridge City, pero ikaw, ibinaon mo na kami sa limot," sabi ni Jordan na niyaya ako mag sayaw sa dance floor.

"Busy lang ako at wala din ako pamasahe pauwi dito."

"Walang pamasahe or ayaw mo lang talaga makita ang pagmumukha ko?" nakangiti niya na tanong sa akin.

"Both!" nakangiti ko din na sagio sa kanya.


Madalas kami magpalitan ng emails ni Jordan habang nasa Perth ako. Kamustahan at updates sa buhay buhay namin, but I see to it na wala na kaming attachment sa isa't isa. Kapag nagtatanong na siya ng mga personal questions about my love life, I always changed the topic.

Ever since na malaman ko na girlfriend niya si Crystal noon, tinanggap ko na sa sarili ko na hindi ako importante sa kanya.


Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon