Chapter 34 - Guns

14.4K 569 23
                                    

POV Sienna

Time: 7:00 AM (Sunday)


Hindi ko inaasahan na magsosorry si Herschel sa akin. Sinapian siguro siya ng anghel sa mga oras na ito. Pwedeng bida si Herschel sa movie ni Dan Brown na Angels and Demons. Minsan para siyang angel, minsan parang naman demon. And yet, natutunan ko na din tanggapin kahit anong version niya.

Naputol lang ang staring contest namin ni Herschel nang dumating si Savannah. She asked us to go inside immediately. It seems na may emergency na natanggap si Kio.


"Shen, kumain ka na ng marami. Mag baon ka ng pagkain, aalis tayo dito pagpatak ng eight," utos ni Kio sa akin pagpasok namin ni Herschel sa loob ng bahay.

"Bakit tayo aalis? Akala ko ba wala ng mass sterilization? Akala ko ba hihintayin natin maging weak ang mga zombies? Di ba safe na dito kasi sabi nila stay indoors daw?"

"Remember the Z Class zombies? They are hunting survivors in the city na parang highly intelligent predators. Sabi ni Dark Shadows, they found gruesome videos from their drones and these Z Class zombies are killing people like blood thirsty vampires," malungkot na paliwanag ni Kio.


Zombies are gruesome threat to humanity. And now these Z Class zombies are on a different level. They are like psychopathic variety of zombies.


"Even my father sent me a message to go to Saint Thomas port as soon as we can. Mas delikado ang Z Class zombies," dagdag ni Jordan.

"From here to Saint Thomas port, it will take us about half an hour drive. Is that right?" tanong ko sa kanila.

"That's right. It will only take us half an hour, assuming that everything will go according to our plan. Gora na! We can't waste any time!" dagdag ni Kio sabay ligpit ng mga gadgets niya.


Mabilis kaming naligo at nag prepare ng mga gamit. Isipin ko pa lang na may zombies sa city, natatakot na ako lalo na at may enhanced zombies called Z Class.

Iniwan ko sa bahay ni Herschel ang iba kong gamit tulad ng laptop ko. Saka ko na babalikan kapag natapos na ang kaguluhan na ito. Nagbaon ako ng ilang damit at magaan na pagkain. As usual, ako ang pinag drive ni Herschel. Gamit namin ang isa pang SUV ng daddy niya.


"JC, you know how to use this. Keep it and use it in case of emergency," sabay bigay ni Herschel ng isang semi-automatic pistol na may silencer.

"Dude, where did you get this?"

"My parents have several high technology guns, courtesy of the military research team. I was trained how to use guns during elementary school days. I found these in their safety vault sa master's bedroom."

"Beretta 92, 9mm semi-auto pistol? Sa online gaming lang ako gumagamit nito," sabi ni Kio sabay kuha ng isa pang gun na bigay ni Herschel.

"Buti sa amin mo ito binigay. Baka mamatay tayo ng wala sa oras kung si Sav at Shen ang maghahawak nito," sabi ni Jordan habang tinatago ang pistol sa bag niya.

"Kahit may silencer yan, avoid using these guns unless emergency. Sienna, derecho ka lang at paglabas natin ng exit ng Cronus Garden, Eighth Avenue extension na," utos ni Herschel nasa front seat.

"Yes, boss!" I answered sarcastically.


Madali kami nakalabas ng Cronus Garden at tinahak ang kahabaan ng Eighth Avenue extension. Medyo curvy ang highway at overlooking ang buong city dahil mataas na bahagi ang Greek Gardens subdivisions.


"Beshie, pagbaba natin sa mismong Eighth Avenue, derecho ka lang. Isang mahaba at straight na road ang Eighth Avenue. Sa dulo ng Eighth Avenue, you can turn left sa kahabaan ang Saint Thomas Boulevard. Hopefully, makarating tayo sa dulo ng walang abala. Sana may makasalubong din tayo na military personnel," sabi ni Kio habang nakabukas ang laptop.


Kung ang First at Eighth Avenue ay nasa magkabilang dulo ng city at parallel to each other, ang Saint Thomas Boulevard naman ay perpendicular sa First and Eighth Avenue at bumabaybay sa kahabaan ng Aldridge Bay.

Walang naging problema habang pababa kami ng Eighth Avenue Extension. Malinis at walang tao ang kahabaan ng Eighth Avenue. Possible na nakapag-evacuate na ang mga survivors sa area na ito.


"Sienna, stop!" sigaw ni Herschel.


Mabilis akong nagpreno nang makita ko sa di kalayuan ang isang zombie horde na naglalakad sa mismong Eighth Avenue. They are walking towards us at palayo sa direction ng Aldridge Bay.

"Saan sila papunta?" tanong ko kay Herschel.

"Hindi ko alam, Sienna. Baka gusto mong bumaba at tanungin sila kung saan sila pupunta? Turn left, then use the Seventh Avenue and please drive slowly!" galit na sagot niya sa akin.


Psssssh! Inatake na naman ng pagka moody si gago! Kakasabi mo lang ng sorry sa akin kanina di ba?


Sinunod ko si Herschel at ginamit namin ang Seventh Avenue para makarating sa Saint Thomas Port. Si Sav at si Jordan ay tahimik na nagmamasid ng mga possible threats.


"Turn left, Sienna!" sigaw na naman ni Herschel nang makita namin ang isa pang zombie horde along Seventh Avenue.

"Shit shit shit! Ang dami nila!" sigaw ko din sa kanya.


I quickly turned left again at ginamit ko ang Sixth Avenue. However, napansin ko na may mga grupo na naman ng zombies sa street. I tried different streets at lumiko ako kahit sa masisikip na alley, pero palagi kami may nakakasalubong na zombie horde. Trial and error ang ginagawa ko, pero palaging may grupo ng zombies na nag-aabang sa amin.


Shit! Napaka daming zombies dito sa city and they are walking in groups!


"Saan na tayo pupunta? Lahat may harang na zombies! And take note, not just few zombies, bulk numbers ang nakaharang sa daan!" kinakabahan kong tanong habang nag dadrive sa isang maliit na street.

"Kio, anong balak mo?" tanong ni Herschel after sumenyas si Kio na gamitin ang isang one way street.

"Derecho lang. Sa bandang dulo, nandun ang Aldridge City Fire Station. Sa lower ground floor, may daan dun papuntang sewer. Wala tayong choice kundi gamitin yung mga underground tunnels."


Pagdating namin sa dulo, tumambad sa amin ang malaking city fire station na isang red and black colored building. Iniwan namin ang sasakyan ni Herschel sa tapat ng fire station at nagsimulang pumasok sa building.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon